C H A P T E R T H R E E

214 5 3
                                    

Pagpunta ko ng kusina ay nadatnan ko si Lexus na ngayo'y nagbabasa sa dyaryo at sumisimsim ng kape.

Nang mapatingin siya sa akin ay tumayo ito at kinuha ang kanyang coat.

“Babae, kumain kana dito," ani niya at nag lakad papalayo sa akin.

“Wait.”

Napahinto siya sa kanyang paglalakad at lumingon sa akin.

“Where's my phone pala?”

“My bodyguard said that you didn't have any gadgets when you went to our wedding. But you can use the telephone in the living room.”

“Sige, thank you.”

Tinalikuran niya ako. Samantalang pumunta na ako sa lamesa at nag simula ng kumain pero napatigil din ng may maalala.

“Ahm lola, ikaw po ba ‘yung kasama nong babaeng sumabonut po sa akin kahapon?” tanong ko sa isang babae na may ka edaran pero nag hihintay sa akin.

“Opo.”

“Kumain na po ba kayo? At bakit naangan po kayo?”

“Kumain na po at naghihintay lang na matapos kayong kumain dahil trabaho ko po iyun madam.”

Hindi ko na lamang siya tinugon dahil kung tatanungin ko pa siya ay baka mairata pa ito sa akin—hindi ko kasi alam kung ano ang karaniwang ugali ng matatanda at kung paano sila makipag communicate.

I’m not fan of grandpas and grandmas kaya takot akong makipag communicate sa kanila dahil hindi ko alam kung paano. Hindi ko kasi naranasan ang pagmamahal ng lola at lolo ko—simula kasi ng pinagbubuntis ako ni Mama kay Papa ay pinalayas sila dahil sa edad nila na hindi kaaya aya para maging magulang.

Ngunit hindi daw ‘yun naging hadlang sa pagmamahalan nila Papa dahil lalo pa silang nag mahalan at nag seryoso ng ipinanganak ako. Pero tadhana nga naman, mahirap kalabanin—kaya ng tumuntong ako ng limang taon ay namatay ang Mama ko dahil sa bukol na meron siya sa leeg.

Nang matapos akong kumain ay dumiretsyo ako ng living room at kinuha ang telephone para matawagan ang Papa ko na nasa kulungan.

Nasa kulungan ito sa paratang pinatay nito ang kanyang amo.

Hindi ako naniniwala sa paratang nila kay Papa dahil hindi niya ‘yun magagawa—alam kung mas pipiliin niya pang mamalimos ng pera kaysa ang pumatay—kilala ko ang Papa ko, handa siyang mamatay para lang mabuhay kami pero kung papatay ng tao, alam kung hindi niya ’yun kayang gawin.

“Hello?”

“Hello sir, pwede ko po ba makausap si Rafael Legaspi? Anak niya po ito.”

“Pasensya na po, pero pinagbabawal sa amin kapag sa call—mas mabuting pumunta na lang kayo dito. Salamat." Binabaan niya ako ng tawag na ika nguso ko, ni magpaalam sa akin ay hindi nagawa.

“Madam.”

“Ay anak ng palaka!” napahawak ako sa dibdib ko ng may nag salita sa likuran ko.

Hinarap ko siya at nakita ang matandang naghihintay sa akin kanina.

Kinoutan ko siya ng noo. “Bakit po? Mag problema po ba?”

“Gusto ko lang sana humingi ng sorry sa nagawa ng apo ko kahapon sa 'yo, sorry madam.”

Umupo ako sa malapit na upuan. “Ok lang naman, pero kaano ano siya ni Lexus, bukod sa pagiging maid niya rito?

“Halika rito, dito ka sa tabi ko para may mapagtanongan ako," aya ko at napatawa ng peke. Hindi kasi talaga ako sanay makipag usap sa mga matatanda.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now