C H A P T E R T W E L V E

128 0 0
                                    

Nag daan ang mga araw na naging maayos lang ang pagiging kaibigan namin.

Hindi niya ako niligawan dahil gusto niya muna ’ng maintindihan ang kanyang nararamdaman sa akin.

Naiintindihan ko naman ang gusto niya kasi hindi ako pwedeng mag pa hulog sa kanya, lalo na't kalaban siya ng Papa ko pagdating sa korte.

Ngunit, hindi ko ini-expect ang mga nangyari dahil parang kahapon lang ako nag plano na hanggang kaibigan lang muna kami kasi ayukong ituloy ang plano kung landiin siya o i-traitor siya dahil ako rin naman ang masasaktan sa huli.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi pa rin ako nalayo sa kanya. Because in our situation, kailangan nasa side lang ako ng Papa ko at hindi nakikisama sa kanya.

May parte sa akin na kailangan kung layuan siya, pero may parte din na hindi ko siya pwedeng iwanan.

“Flora, ayusin mo ‘yung mga biscuits doon sa stock room.”

Tumayo ako para sundin ang utos ng manager namin.

Sa trabaho kasi namin mayroon kaming stock room kung saan nakalagay ang mga biscuits, inumin at iba pang pagkain para sa mga trabahador na hindi na pumupunta ng cafeteria.

Binuksan ko ang cabinet at pinaglalagay ang mga biscuits.

Isang trabahador lang ang nag aayos ng mga pagkain sa stock room dahil kailangan kumilos ng iba.

Siguro ako ang pinag ayos ngayon dahil nakitaan ako na walang ginagawa.

Nakakapagtaka nga dahil pinag bakasyon ako ng dalawang linggo pero wala akong masyadong gawain pagbalik ko.

Nang matapos akong maglagay ng mga biscuits ay sinunod ko naman ang mga bottles na ilagay sa refrigerator.

Habang naglalagay ako ay may pumasok na sa tingin ko ay dalawang babae dahil sa kanilang boses.

“Kaya nga Mars, bagay sila.”

“True, tapos pareho pa silang galing sa mayaman na angkan, kaya pwedeng pwede.”

Narinig ko pa silang nag apir bago tumabi sa akin.

“New ka ba dito?” napatigil ako sa ginagawa at tiningnan ang nag salita.

“Hindi.” Ikaw ang bago.

Tumongo siya at kumuha ng isang can, pero ng ilabas niya ang kanyang kamay ay natamaan ng siko niya ang bibig ko dahilan para mag tawanan sila.

“Sorry.” Ngumiti siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka tumalikod sa akin, pero tinarayan muna ako.

Wala ng bago sa akin pag dating sa mga ganito, ever since nang bata ako ay lagi na akong sinasaktan at inaasar ng ibang babae na nasa paligid ko.

Tinapos ko ang gawain saka ako bumalik sa mismong desk ko.

Binuksan ko ang computer, pero bago ko ito gamitin ay may napansin ako ’ng sticky note sa screen.

We will make sure that your father will be found guilty in court, Flora.

Kinuha ko kaagad ang sticky note at pinunit punit saka ko ito tinapon sa basurahan.

My father is innocent—lalabas ang katotohanan na hindi siya ang pumatay sa kaibigan niya.

Tumingin ako sa salamin at inayos ang sarili saka ako nag simula ‘ng mag trabaho.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagtatrabaho ng bigla akong napa tayo dahil may kung anong bumuhos sa ulo ko.

Tumingin ako sa gumawa at tinawanan lang nila ako ng makita ang mukha ko. Sa bandang mukha ko kasi naitapon ang kape—naamoy ko ang kape galing sa noo ko.

Umalis siya kasama ang kanyang kasama sa harapan ko habang tumatawa, pero hindi lang sila ang tumatawa. Pati na rin ang ibang nakapansin sa ginawa sa akin, kasama na roon ang manager namin.

Napahiya na naman ako.

Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis ng building.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang importante ay mapalayo ako sa kanila.

Habang nagkakalad ay hinayaan ko na lang ang mga paa ko kung saan ako dadalhin dahil gusto ko muna mapag isa, kahit ngayon lang.

Umiiyak ako habang naglalakad papunta sa kung saan—hindi ko pinapansin ang bawat taong dumadaan sa paligid ko na alam kung pinag titinginan ako, ang importante ay makapag isip isip ako at makalayo sa kanila.

Simula ng bata ako ay malapit na talaga ako sa mga away dahil lagi akong binubully.

Alam ko naman na ganito ang mangyayari sa akin kapag pumasok na ako dahil bago ako mag break ng dalawang linggo ay kinulong muna nila ako sa CR.

Kinabukasan kasi ng matulog kaming magkatabi ni Lexus ay pumasok pa ako, pero pinapunta sa office dahil kakausapin daw ako.

CBS 3: The Attorney's Accidental Bride Where stories live. Discover now