Chapter 38: Consequences

777 20 0
                                    

POV> ACE DEAMON YU

Tumawa ng pagkalakas lakas si ama. "Ano bang nangyayari sa inyo? Para kayong hindi anak ng hari ng kadiliman!"

Tumawa lang si Nero kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Siguro nga, hindi mo talaga minahal si ina. Siguro nga ginamit mo lang siya para mas lunakas ang kapangyarihan mo!" Galit na galit ang boses ni Nero.

"Bakit naman ako magmamahal? Ang pagibig ay nakakasira ng pagkatao! Tignan niyo nalang ang nangyari sa inyong dalawa. Mga hangal!" Nagaapoy na sa galit si ama. Tsk!

"Walang magandang maidudulot ang pagmamahal na yan! Hindi ko kayo naging anak para maging inutil! Mangmang!" Napangisi ako dahil sa mga lait na ibinabato niya sa amin ni Nero.

"Ang dami mong satsat, ama. Sabihin mo nalang ang gagawin ko para maibalik na sa akin si Haven."

Tumawa ulit siya. Pagkampay niya ng kamay ay unti unting nagkakamalay si Haven. "Haveeeeen!!" Pinipigilan ako ni Nero at Yohan na mamkalapit pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Kumawala ako sa kanila at tumakbo papalapit kyna ama pero bago pa ko makalapit at tumilapon na kaagad ako.

Napaubo ako ng dugo sa lakas ng impact ko sa lupa. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko at tumayo. "A--Ace." Nanghihibang tawag sa akin ni Haven.

"Haven!" Sigaw ko ulit at nagtitigan kami. Nagulat siya ng makita kong nasaan at sino ang may hawak sa kanya. Nagpuniglas siya pero nasasaktan lang siya dahil balot padin siya ng kapangyarihan ni ama.

"Aaargh!" Inda niya ng sakit. "Haven! Wag kang gagalaw. Mas lalo kang masasaktan!" Hindi ako pwedeng makalapit. Hindi ko alam kung paano ko siya maliligtas.

Tumawa lang si ama. "Mas magugustuhan mo to, Deamon." Kumumpas lang ng kamay si ama at ang laki na ng epekto nito kay Haven.

"Aaaaaargh!" Malakas na sigaw ni Haven at parang pinapaso ang buo niyang katawan. "Haveeeeeen! Tama na amaa!" Pilit na pinipigilan ako nina Nero at Yohan.

"Bitawan niyo ko!" Kaagad na nagpalit ako sa tunay kong anyo. "Wag kang susugod Ace! Mas lalo siyang mapapahamak!" Sigaw sa akin ni Nero pero wala akong balak na pakinggan siya.

"Tama siya Ace. Hawak ng ama mo ang buhay ni Haven!" Tumigil ako at tumigul din sila. Tinignan ko si Haven na latang lata ang katawan. Napatiim bagang ako, hindi ko siya kayang titigan ng ganon. Dahil sa ginawa ni ama ay nagpalit nadin sya ng anyo, unti unting nalalagas ang mga pakpak niya.

"A--ac..e." Gusto kong lakasan ang loob ko. "Sabihin mo na sa akin ang kondisyon mo." Ngumisi si ama sa akin. Nakipagpatayan ako ng tingin sa kanya.

"Mamili ka.. itong anghel na to." Napatigin ako kay Haven na nakatingin din sa akin. "O ang pagiging immortal mo." Nagulat ako. Napangisi ako, kahit na tinakwil niya si Nero ay hindi niya ibalisan ng kapangyarihan ito.

Napakuyom ako ng kamao. Malaking bagay sa akin ang pagiging immortal dahil magkakasama kami ng matagal ni Haven. Pero para saan pa ang pagiging mortal ko kung wala siya.

"Kapag pinili mo siya, papakawalan ko siya, pero magiging isang ordinaryong nilalang ka nalang. Kapag pinili mo ang pagiging immortal mo, sasama ka sa kaharian ko, at papakawalan ko ang anghel na 'to."

Napatingin lang ako sa kanya. Nakangisi siya dahil alam niya na kung ano ang pipiliin ko.

POV> HAVEN CLARISSE JANG

Nanghihina ang buo kong katawan. Nakatingin lang ako kay Ace habang nakikipagusap siya sa ama niya. Sa dark lord.

Hindi ko hahayaang maalis sa kanya ang pagiging immortal niya ng dahil lang sakin. Sapat ng makita ko siyang sumugod sa ama niya upang iligtas ako. Ayoko pati dito ay ako padin ang pipiliin niya.

"Hinihintay ko ang sagot mo." Tumingin sa akin si Ace at ngumiti, hindi ko gusto ang ngiting iyon.

"Alam ko namang alam mo na ang sagot ko. Malamang si Haven ang pipiliin ko." Tumawa ng malakas ang ama niya unti unti niya akong pinakawalan.

Napatigil lang siya ng magsalita ako. "W--wag ako. Ang paggiging immortal ang pipiliin niya." Napatingin ang ama niya sa akin. At napangisi ito.

"Ano bang pinagsasabi mo Haven?! Ikaw! Ikaw ang pipiliin ko!" Ngumiti lang ako kay Ace. "Malaking bagay na ako ang pipiliin mo pero hindi ako papayag na pati sarili mong buhay ay hindi mo pipiliin" Napatingin ako sa ama niya. "Wag mong hahayaang ako ang pillin niya."

Ngumisi siya sa akin bago ako pinakawalan ng tuluyan. Tinitigan niya si Ace at ilang sandali lang ay nakarating na ito sa tabi niya at ako naman ang napunta sa dating pwesto ni Ace.

"Haven?! Ano to, ama! Bakit sa kanya ka nakikinig?! Ako ang pinapili mo diba! Siya ang pinili ko!!" Nagpupumiglas si Ace pero may barrier sa pagitan namin. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako. Kaagad naman akong nilapitan ni Yohan, teka.. anong ginagawa niya dito? at ng kapatid ni Ace.

"Mas nakakagalak ang suhestiyon niya." Akmang susuntukin ni Ace ang a niya pero kaagad siyang nanigas sa kinatatayuan niya. "Argh!" Bigla siyang tumakbo papalapit sa akin at ganon din ako sa kanya.

"Haveeen!" Pilit niya akong inaabot pero hindi niya magawa dahil may kampon na ng kadiliman ang pumipigil sa kanya, idagdag pa ang barrier na gawa sa itim na kapangyarihan.

Tumalikod at nagsimula ng umalis ang ama niya pero si Ace ay hindi padin natitigil. "Ace. Patawad pero ito ang dapat." Naiiyak kong sabi.

Pinipilit niya akong maabot pero hindi niya magawa. "Haven. Mahal na mahal kita."

Napapikit ako, at muling tumingin sa kanya. "Mahal na mahal din kita, Ace" Nakangiti kong tugon. Humugot siya ng malakas na pwersa at sinuntok ng malakas ang nakaharang sa pagitan namin.

Nagulat ako sa ginawa niya pero mas lalo akong nagulat sa sunod niyang ginawa. Hinawakan niya ako sa bandang ulo sa kadahilanang makaramdam ako ng sakit dito at unto unting bumagsak.

Napatingin ako sa kanya at nakangisi siya sa akin. "Babalik ako." Ang huli niyang sabi bago ako tuluyang mawalan ng malay.

The Demon's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon