POV> HAVEN CLARISSE JANG
3 months later..
Naging busy ako---kami ni Yumi sa Heaven's. Simula kasi ng macomatose ako ay hindi niya yun maasikaso ng ayos kaya ngayon kami bumabawi.
Palagi padin akong kinukwentuhan ng dalawa. Tsk. Para naman akong nagkaamnesia sa lagay na 'to e. Mas lalo kaming naging close ni Yohan dahil sa nalaman kong anghel siya.
Kinuwento niya din ang totoong nangyari sa akin at hindi ko maimagine na mangyayari sa akin yun.
Napaupo ako sa couch sa mini office ng Heaven's. Sobrang dami din kasing orders kaya dapat maasikaso ko na kaagad bago pa ang deadline.
Napatingin ako sa phone ko para icheck kung may nagtext. Napatitig ako doon sa wallpaper, simula kasi ay hindi ko na pinalitan ang wallpaper nito kahit na.. hindi ko siya kilala o maalala.
Nakakiss siya sa noo ko at background namin ay sunset. Kuha daw to ng pumunta kami sa seaside, stolen shot nga daw ni Yumi to.
Hindi ko alam pero sa tuwing naiistress ako ay pumunpunta ako sa gallery, sa folder na may lamang pictures namin. Kaya ngayon ay ito ang ginagawa ko, tinitigan ang bawat pictures at pilit na inaalala ang natatagong memories dito.
Bumungad sa akin ang picture namin kung saan pareho kaming nakawacky, at kung anu-ano pang nakakatawang pose ang ginagawa namin.
Napatigil ako sa isang picture, nakangiting wagas siya at kitang kita ang saya sa kanya. "Ace?" Tawag ko sa kanya. Pero hanggang ngayon, hanggang picture lang ako.
Biglang pumasok si Yumi at kaagad kong tinago ang phone ko. "Yieee. Nageemote! Chura mo! Magpahinga ka nga muna. Stress na stress ka na dito e. Maglibang ka muna. Sorry, hindi kitam masasamahan. Ako muna magaasikaso dito." Tumayo ako at ngumiti sa kanya.
"Oh sige. Itext mo nalang ako pag kailangan mo ko." Hinug ko siya. "Sige sige. Try mo kong free si Yohan ngayon para may kasama ka." Umiling naman ako.
"Kaya ko ng magisa." Pinitik niya ako sa noo. "Magingat ka! Mamaya maholdap ka nanaman." Nagtawanan kaming dalawa. "Opo, mommy." At inirapan nya lang ako.
Bago ako pumunta ng mall ay bumalik muna ako ng condo para magshower at magpalit ng damit. Pagakatapos ko ay dumiretso na ko ng mall.
Una akong pumunta ng department store. Habang tumitingin ako ng damit ay may babaeng nagkasabay kami ng kuha sa nagiisang hanger.
Nagkatinginan kami. Nagulat siya at kaagad na bumitaw sa damit. "What a small world." Ngumiti siya ng kakaiba sa akin.
"Mari right?" Nakangiting tanong ko sakanya. Alam ko schoolmate ko siya dati, nagtataka nga ko kung bakit ko siya kilala. "Yeah? What happened to you? You're acting like you don't know me. Have you already forgotten what happened between the four of us?"
Ngayon naman, ako naman ang nagkunot noo sa kanya. "I'm sorry. I had this minor accident and I've been comatose for almost 1 month." Napagasp siya.
"Really huh?" Hindi ko alam kung bakit natatawa siya na ewan. "By the way, where's Ace?" Napalingalinga siya palgid na para bang may hinahanap.
"Actually, uhh.. Can I talk to you about that." tinaasan niya ako ng kilay bago siya tumawa. "Sure. Nacucurios din ako sa nangyari sayo 'cause you're acting weird." Napakunot noo ako, nagtatagalog naman pala siya pero english siya ng english kanina pa.
Pumunta kami sa isang coffee shop, tinitigan niya lang ako. "Hmm. Alam mo, parang bukod sa schoolmate ay may iba pa ba tayong naging connection." Bigla siyang tumawa.
"More than that, darling." Ngumiti ako kahit na natatarayan ako sa kanya. "Ano bang nangyari sayo at mukha kang nagkaamnesia na hindi ko maintindihan?"
"Sabi nila, naholdap daw ako tapos naabutan nalang ako ng walang malay at nacoma na ko ng almost 1 month." Takang taka ang mukha ang niya. Kahit sino, nagtataka sa tuwing naririnig ang kwento na iyon.
"And your problem is? Iniwan ka ni Ace?" Umiling ako sa kanya. "Actually, when I woke up, I have no idea who is he. I don't know what's our relationship. But everyone insisting that he's my boyfriend..."
"..and I don't have any idea how." Tumawa siya. "Nabagok ka ba at nakalimutan mo si Ace?" Umiling lang ako.
"Yes. Tama sila, boyfriend mo siya. Ex ko siya." Nagulat ako sa sinabi niya. "E--ex mo? So.. bago pa ako maging girlfriend niya.. naging kayo. 'Bat kayo nagbreak.." kinakabahan ako dahil ayoko maging dahilan ng break-up nila.
"Dahil mahal ka pa niya at ikaw lang ang mamahalin nya." Pabulong nyang sabi na mas lalo akong nagulahan. "What?" Tanong ko.
"Listen, he is your first boyfriend. Nakipagbreak ka. Naging kami, kaso nagloko ako noon kaya iniwan ako. Tapos naging kayo ulit, kaso iniwan ka niya.."
"I--iniwan niya ako? Dahil ba iniwan ko siya dati?" Umiling si Mari. "Yun ang sabi niya sayo pero ang totoo iniwan ka niya dahil magaaral siya sa ibang bansa at maiiwan ka dito. Ginamit niya ko. I thought na mahal pa niya ako pero hindi pala." Tumawa siya pero yung mata niya nasasaktan.
"Akala ko ikaw yung ginantihan niya, ako pala. 5years kami sa NewYork, naging fiance ko siya pero noong bumalik kami dito. Bumalik din siya sayo." Ngumiti siya sa akin.
"Mahal na mahal ka nung lalaking yun, Haven. Hindi ko alam kung bakit ako nagpakatanga ng 5 taon sa kanya kung palagi ka naman niyang bukang bibig dati." Napatungo siya. Kanina nagtataray siya pero ngayon mukhang.. nalulungkot siya.
"Anyway, past is past. Nakamove on na ko." Dinaan nalang nya sa tawa ang nararamdaman niya. "Nasaan pala siya?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Walang nakakaalam. Simula ng macoma ako ay nawala nadin sya." Napabuga siya ng hangin.
"Huwag kang magalala, palagi siyang may paraan para makabalik sayo." Ngumiti siya at bigla din itong naglaho. "Anyway, alis na ko ah. Masyado nakong nasusuffocate dito. If you know what I mean. Hahaha! Kidding pero realtalk yun. Hindi ko padin kayo mapapatawad." Inirapan niya ako.
Ngumuti ako sa kanya. "Salamat sa mga sinabi mo." Umirap lang ulit siya at tuluyan na kong iniwan.
Nagdecide akong umuwi nalang dahil parang napagod ako bigla. Pagakarating ko sa condo ay iniligpit ko ang kalat bago ako tumambay sa may veranda namin.
"Ace" Bulong ko sa sarili ko. "Sino ka ba talaga?" Napabuga ako ng hangin. Bigla akong may naalala, bago ako magising sa pagkacoma at may kakaiba akong panaginip.
Yung lalaki sa panaginip ko ay kamukhang kamukha ni Ace. Hindi kaya.. siya talaga yung nasa panaginip ko na giniginsing ako dahil inaantay na ako ng pamilya at malalapit sa akin?
Naramdaman ko na may kakaibang presenysa sa gilid ko kaya agad akong lumingon sa kanan ko. Napaatras ako ng makita ko siyang nakatayo sa harapan ko.
"Panaginip ba 'to?" Tanong ko pa. Ngumiti siya sa akin. "Hindi, Haven." Mas lalo akong natakot ng sumagot siya."Bakit.. bakit hindi kita maalala?" Biglang akong nalungkot. Dahil parang kilala siya ng puso ko pero ng utak ko ay hindi siya maalala.
"Haven." Ngumiti siya. Kaboses niya din yung nasa panaginip ko. "Ikaw ba talaga yung Ace na sinasabi nila?" Napakuyom ako ng kamao. Tumango lang siya at akmang lalapitan ako pero umatras ako.
"Hindi mo ko makilala?" Sobrang lumanay na pagatatanong niya. Kaagad akong tumango sa tanong niya.
"You're my angel. Your a demon's angel." Pagkasabi niya nun ay bigla niya akong hinalikan sa labi.
Nang maglapat ang labi namin ay bumalik ang lahat sa amin. Nagflashback ang alala ko mula sa simpleng 'Hi' na bati namin noong mga bata pa kami hanggang sa 'Babalik ako', na huli niyang sinabi.
Inabot ng ilang segundo ang halik namin bago siya kumalas at dinikit ang noo namin. "Sino ako?" Tanong niya sa akin.
Ngumiti ako bago sagutin ang tanong niya "Ace Deamon Yu."
BINABASA MO ANG
The Demon's Angel
RomanceShe's an ANGEL who met this DEMON. Is it really possible for a Demon to fall inlove? To know the true meaning of 'LOVE' ? And who will survived in this Game of Love? Is it the Angel? or The Demon?