Chapter 34: Worth Fighting For

876 23 0
                                    

POV> HAVEN CLARISSE JANG

Lumipas pa ang ilang araw nanatiling ganon ang sitwasyon namin ni Ace. Minsan dumadalaw dito si Yohan para kamustahin ako.

"Nakausap ko na si Tito. Okay na daw." Nginitian ko si Yumi. Bukas na kasi yung grand opening ng 'Heaven' and this time, tuloy na tuloy na 'to.

"Salamat." Sabi ko habang inaasikaso yung mga ipapamigay kong souvenir bukas. May discount kasi sa susunod na pagbili sa shop para sa first 100 customers.

"May balak ka pa bang kausapin si Ace?" Napatigil ako sa ginagawa ko ng marinig ko yung tanong ni Yumi. May balak pa ba nga ako?

"Hi--hindi ko alam." Kinakabahan ako sa tuwing inopen ni Yumi ang ganitong topic.

"Haven. Bakit hindi niyo pagusapan ni Ace yan ng matapos na ang paghihirap niyong dalawa." Napakunot noo ako, naming dalawa? Siguradong sigurado siyang nahihirapan din si Ace sa sitwasyon namin?

"Alam kong nagtataka ka. Magalit na kung magalit si Ace pero hindi ko na kayang itago 'to." Mas lalo akong nagtaka sa mga naririnig ko mula kay Yumi.

"Ano bang tinutukoy mo?" Umupo sa tabi ko, dito sa couch si Yumi, tinitigan niya ako sa mata. "Araw-araw kong naabutan si Ace sa labas ng condo. Kahit hindi niya sabihin alam kong inaantay ka niya. Alam kong gustong gusto ka na niyang makita at makausap."

Nagulat ako sa sinabi ni Yumi. Ginagawa ni Ace yun? "Noong una, sa tuwing nakikita ko siya umaalis agad siya pero kinausap ko na siya. Tinanong ko siya kung bakit nangyayari sa inyo 'to pero hindi niya ko sinagot."

Alam kong walang ibang dapat magusap tungkol sa problema namin kundi kaming dalawa lang. "Palagi ka niyang kinakamusta, Haven. Palagi siyang nagaalala, tinatanong, gusto niyang updated sa nagyayare sayo. He looks frustrated. Naawa din ako sa kanya. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkakaganun."

Hindi ko alam kung anong irereact sa mga sinabi ni Yumi. Alam kong hindi siya gagawa ng kwento. Alam kong totoo lahat yun, pero nagulat ako ng ganun kaapektado si Ace.

"Kumakapit siya, bakit hindi mo subukang kumapit din? Alam kong pinaglalaban niya ang kung ano mang meron sa inyo, Haven." Napailing ako, hindi ko alam ang gagawin ko.

"E--ewan ko. Hi--hindi ko na alam" Tinakip ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. Hinaplos naman ni Yumi ang buhok ko. "Shhh. Inantay mo si Ace ng 5years. Alam kong kahit hindi mo sabibin sa akin. Inantay mo padin siya. Tapos ngayong andito na siya, isusuko mo lamg ng ganon? Mahal mo ba si Ace? Isipin mo, kaya mo ba siyang makitang may ibang mahal bukod sa'yo?"

Mabilis akong napailing. "Hindi. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Ace." Yun ang totoo pero natatakot padin ako sa pwedeng mangyari.

"Mahal mo naman pala e. Bakit hindi mo ipaglaban?" Napatingin ako kay Yumi, malabo na ang paningin ko dahil bumuhos nanaman ang luha ko.

"Dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa amin ni Ace. Baka pareho lang kaming masktan sa huli. Baka kung susugal kami dito mas maraming masktan." Madadamay ang buong lahi namin.

Narinig kong ang pagbuntong hininga ni Yumi. "Ganon ba talaga kahirap sabihin ang pinagawayan niyo?' Kung pwede ko lang talaga sabihin kay Yumi ang lahat pero hindi e, alam kong hindisiya maniniwala dito at hindi rin apat malaman ng mga mortal ang tungkol sa amin.

"If you really love someone, everything is worth fighting for. Mahirap man pero kailangan mong magdesisyon. Ang ipaglaban siya o mawala siya sayo dahil naging duwag ka. Mahal ka niya, alam at nakikita ko yun. Haven, you should talk to Ace."

"Hayaan mo, kakausapin ko din siya sa tamang oras." Ngumiti ako at nginitian niya din ako. "Aasahan ko yan a. Gusto kong magkaayos kayo."

"Fan ka ba namin?" Natawa kami pareho. "Parang? Nagaalala lang kasi ako. Mahirap masira ang OTP mo." Mas lalo kaming natawa sa sinabi nya.

----------------

Naging successful ang opening ng 'Heaven'. Ang dami ngang pumunta at ang daming nagenjoy. Masaya na kong makitang masaya din sila.

Pangatlong araw na ngayon ng 'Heaven' at napakadami pading pumunta.

"Hi Maam." Bati na mga ilang crew sa akin. "Haven nalang." Nakangiti kong sabi ka sakanila. "Ano ba. Hayaan mo na. Mahirap na walang barrier between sa inyo ng mga crew." Narinig kong bulong ni Yumi sa akin. Sabay kasi kaming pununta para makatulong din sa shop.

"Ganon ba yun?" Pagtatakang tanong ko naman. Gusto ko lang naman na maramdaman nila na andito ako bilang kaibigan nila. Tumango tango naman si Yumi.

Nang medyo humupa ang tao ay nagpahangin muna ako sa labas. Pumunta ako sa likuran kung saan ilang hakbang mo lang ay parang may maliit na forest. I mean, madaming puno ang nakapaligid.

Napabuga ako ng hangin at hinayaan na humaplos sa balat ko ang malamig na simoy ng hangin.

Ilang sandali ay bigla ko siyang naramdaman sa gilid ko kaya agad akong napamulat at tumingin sa kanan ko. At tama nga, siya nga.

"Haven." Mahinang bulong niya pero sapat lang para marinig ko. Tumingin ako sa mga mata niya. Bigla namang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Siguro ito nadin ang tamang panahon para pagusapan ang dapat pagusapan.

"Ace." Lumapit siya sa akin. Humarap naman ako sa gawi niya. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Sana makinig ka muna sa mga sasabihin ko." Panimula niya. Hindi na ko nagsalita at inantay nalang ang sasabihin niya.

Napabuntong hininga siya bago magsalita. "Haven, alam kong hanggang ngayon nabigla ka padin sa mga nalaman mo. Ganyan din ang una kong reaction noong nalaman ko na anghel ka. Kaya nga lumayo ako sa'yo diba."

Napakunot noo ako doon. Yun ba ang tunay na dahilan kung bakit niya ako iniwan? Dahil.. nalaman niyang anghel ko. Pero bakit?

"Pero bumalik ako. Bumalik ako dahil gusto kong ipaglaban 'to. Gusto kong patunayan na kahit ganito ako, mahal kita at gagawin ko lahat para sayo."

Naiiyak ako. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit ang humingi ng tawad. "Pero.." napatitig ako sa kanya habang inaantay na ituloy ang sasabihin niya.

".. labag itong pagmamahalan na 'to sa pareho nating mundo. Napagisip isip ko lang.. hindi mo kayang mapahamak ang lahi mo." Nabigla ako sa narinig ko. Ano bang gusto niyang iparating?

"Hindi na ko magpapaligoyligoy pa. Mahirap para sa akin bitawan ka pero ito ang tama, 'di ba? Lalayo na ko. Kakalimutan ko na 'to. Pero hinding hindi ko kakalimutan na minsan ang isang demonyong tulad ko ay nagmahal sa isang anghel na katulad mo."

Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hinawakan ni Ace ang kamay ko at marahan na pinisil ito.

Dahan dahan niyang binitawan 'to at dahan dahang naglakad palayo sa akin. Hinawakan ko ang kamay kong hinawakan ni Ace. Hindi ako papayag na mangyari 'to. Napakuyom ako ng kamao at mariin na pumikit.

Biglang tumigil ang oras sa mundo at kahit hindi ko tignan naramdaman kong lumingon pabalik sa akin si Ace. Humarap ako sa kanya.

"Wag.. wag mo kong iwan. Handa na ko, handa na kong ipaglaban 'to dahil mahal kita. Mahal na mahal kita, Ace."

Oo, alam kong mali ito sa mata ng dalawa naming mundo. Pero para sa aming dalawa, ito ang tama.

The Demon's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon