Epilogue

2.2K 43 1
                                    

"Ace Deamon Yu"

Nakangiting sagot ko sa tanong niya. Niyakap niya ako kaagad. "Miss na miss na miss kita." Hinamapas ko siya sa balikat niya.

"Aray! Baket?" Tanong niya at hinimas pa ang braso nya. "Anong ginawa mo sakin? Bakit hindi kita nakilala o maalala?!" Nakapout kong sabi at natawa naman siya.

"Naalala mo nung hinawakan ko ang ulo mo? Yung nawalan ka ng malay? Binura ko lahat ng memorya mong may kinalaman sa akin. Ayoko kasing magisip ka ng magisip sa 'kin eh."

Pinalo ko ulit sya. "Eh nastress naman ako sa pagiisip kung sino ka ba talaga?! Sila kilala ka pero ako hindi? Sana binura mo na din yung sakanila."

"Ano ka ba? Napakademanding mo naman." Natatawa niyang sabi, "Argh!" Nagulat ako ng bigla siyang napaluhod at napahawak pa sa dibdib niya.

"An--anong nangyayari?" Pinilit niyang ngumiti sa akin. "Wa--wala." Pintik ko yung tenga niya, nababadtrip siya sa tuwing ginagawa ko yun.

"Magsabi ka." Napaupo na siya ng tuluyan. "Nilayasan ko na si Ama dahil doon nabawasan ako ng kapangyarihan sa pakikipagaway sa kanya. Tapos ibinalik ko pa ang alaala mo." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi siya pwedeng mawala.

"Padalos dalos ka nanaman!" Tumawa lang siya. "Haven." Tumingin ako sa kanya. "Mahal na mahal kita. Palagi mo yang tatandaan."

"Wag kang magsalita na para bang aalis ka na." Niyakap ko kaagad siya. "Onti nalang ang itatagal ko." Natawa ako dahil nakakaya niya pading magsalita ng maayos kahit na hindi na maayos ang kalagayan niya.

"Haven?" Tawag niya. "Hmm?" Sagot ko. Dumapo ang kamay niya sa bandang leeg ko at ikinagulat ang sunod niyang ginawa. Hinigit niya bigla ang kwintas ko na siyang susi ko sa kaharian namin.

"Aaaaah!" Napasigaw ako dahil parang unting unting napuputol ang pakpak ko! "Patawad Haven." Patuloy padin ako sa paginda ng sakit. Para akong kinakapos ng hininga, at onti onting nababawasan ang kapangyarihan ko. Ngayon ay hindi ko na ito magagamit ng buong buo.

Tumingin ako kay Ace na ngayon ay hinang hina nadin. "Ba--bakit?" Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon o hindi. Inabot nya ang mukha ko at pilit na nagsalita.

"Humanap ka.. ng katawan.. na pwede mong paglipatan. Mangako ka na.. magkikita tayo.. sa hinaharap, sa cliff.. aantayin kita. Mahal na mahal kita Haven." At tuluyan ng bumagsak ang katawan ni Ace, "Aceeee!" Tinawag ko siya. Ngumiti ako bago ko sabihin ang pangako ko.

"Magkikita ulit tayo. Pangako"

------------------
109 years later...

"Sky! Bumaba ka na diyan at malalate ka na." Naririnig ko nanaman ang boses ni mama sa baba. "Opo, pababa na po!" Sigaw ko pabalik. Tumingin ako sa salamin bago bumababa.

"Oh. Baon. Magingat ka ah. Uwi agad." Kinuha ko ba yung 200 at umalis na ng bahay. Hays. Sana ngayong araw na ito ay makita ko na siya.

Pangatlong katawan ko na 'to pero hanggang ngayon ay hindi padin kami nagkikita.

Naglalakad lang ako sa tuwing papasok ng school. Mas maganda kasing lakarin nalang dahil hindi na maduming madumi ang kapaligiran. Masarap na ang simoy ng hangin. Electric nadin ang mga sasakyan.

Napadaan ako sa cliff, tumingala ako at napansin kong may lalaking nakatayo dito. Dali dali akong tumakbo paakyat para makita siya. Nakabusiness suit siya at malayo ang tingin. Samantalang ako naman ay nakauniform ng middle school.

Titig na titig ako sa kanya.  Nababakasakali na siya na. Lumingon siya sa akin at ngumiti. "Baket, iha?" Bigla akong nalumbay.

"Wa--wala po." Pinilit kong ngumiti. Hindi parin pala siya. Napabuga ako ng hangin, hanggang kelan pa ang aantayin natin para magkita ulit tayo?

Nang mawala si Ace ay ilang araw ay bumigay nadin ang katawan ko pero nakahanap agad ako ng katawan, si Shane. Iyak ng iyak si Yumi pati na ang mga magulanb ko pero alam ni Yohan ang nangyari.

Matagal ng wala si Yumi sa mundo pero inaantay ko padin ang reincarnation nya. Samantalang bumalik naman si Yohan sa kaharian at paminsan minsan ay dinadalaw ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang school namin.

------------

Uwian na namin ng maisipan kong dumaan sa cliff. Walang tao dito ngayon, siguro susubukan ko nalang ulit bukas.

Umupo ako sa bench para panoorin ang paglubog ng araw. "Hindi tayo nagkita ngayon, di bale may bukas pa naman. Napakadami pang araw." PAalis na ko ng may biglang tumabing lalaki sa akin.

Tinitigan ko siya. Napansin niyang tinitigan ko siya kaya ngumisi siya. Nagulat ako sa pinakita niyang ngisi.

"Long time no see." Bigla nalang ako napaluha ng marinig ko ang boses niya. Tumingin siya sa akin at pinakita anv kwintas niyang may pulang bato.

Hindi na ko nagsalita at kaagad ko siyang niyakap ng ubod ng higpit. After ng ilang years ay nagkita na din kami sa wakas!

"Ace." Maluhaluha kong tawag sa kanya. "Haven ko." Kumalas siya sa yakap at hinalikan ako sa noo. "Miss na miss na kita." Ngumiti ako, "Ako din"

Nang maramdaman namin na may paparating ay kaagad kaming naglayo sa isa't isa. Mahirap na may makakita sa amin, lalo na sa nakikita kong uniform niya ay sa isang Elite school siya nagaaral at malayo ito sa lugar namin.

Matataka sila kung bakit may nakarating dito na Elite. Pagkadaan ng ilang students, ay tama nga, pinagtingan kami lalong lalo na si Ace. Napatikhim siya at natawa ako.

"Hmm. Ert. Ert Sarmiento." Inalok niya ang kamay niya. Ngumiti ako. "Sky Vasco."

"Nice to meet you." Nakangiti niyang sabi. At sinuklian ko din ang ngiting iyon.

THE END.

The Demon's Angel

By: Eecyah

June 1, 2014 - July 9, 2015

The Demon's AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon