21

49 3 2
                                    

Crystal's POV

Lumipas ang mga araw at back to normal na naman. Simula nong niyakap ako ni Travis di ko alam pero di ko siya iniimik. Ni tingin di ko pinapatagal, umiiwas ako bigla. Nahihiya ako atsaka nagugulohan ako. Tuwing niyayakap niya ako na fi feel ko talaga na secure ako. Na safe ako. Pero pangalawang beses niya palang yon ginawa at lahat ng 'yon ay dahil sa inaapi ako ni Eric. Ayoko talaga lagyan ng malisya pero kahit ako nagugulohan.

Kahit sa school hindi ako sumasabay sa kanila. Tapos di na ako masyadong tumatambay sa bahay nila Tita Scarlet. Bali, pumupunta lang ako don kapag hinahatiran ko sila ng pagkain. Niluluto ko nalang talaga sa bahay para ihahatid nalang. Na g-guilty ako sa pag iwas pero hays, nagugustohan ko na kasi si ano--aish.

Naiilang na ako.

" Anak, sigurado ka bang ayos ka lang ? Ang lungkot na ng bahay nila. Ikaw lang yong kaibigan nila rito"

Napatingin naman ako kay Mama na bigla-bigla nalang sumusulpot. Hinawi niya naman yong buhok ko at saka yong sinuklayan para maayos. Nandito lang ako sa kama ko. Sabado ngayon at dito muna ako natambay.

" Mama kasi...ewan di ko din alam pero okay naman po kami kaso medyo naiilang na kasi ako sa Travis na 'yon. Ang Bipolar pa minsan "

Natawa lang si Mama ng mahina. Napa pout naman ako. Di ako nahihiya ka mama at papa lalo na pag nag o-open up ako. Malapit talaga ako sa kanila. Lumaking may mapag-sasabihan ng problema.

" Siguro na a-attract kalang sa Travis na 'yon, anak. Di naman siguro sa kanilang lahat ka nahihiya diba ?"

Natatawang tanong niya. Umiling naman ako para sa pag sang-ayon na di ako nahihiya sa iba. Ka Travis lang talaga ako nababaliw, minsan nga di ako makasalita ng diretso.

" Gusto mo yong tao. Di mo kailangan e deny yon kasi nakikita ko din naman sa kanila comfortable ka talaga at ganon rin sila, pero minsan anak wagka basta-basta tumalikod sa kanila. Alam mo 'yong 'sumabay kalang sa agos' ganon lang. Di mo kailangan dumistansya para malaman mong ipag-papatuloy mo ba or hindi. Minsan kasi di mo dapat pigilan or planohan. Mas maganda kasi yong kusang nangyayare. Sa ngayon, wag mong pigilan na di sila maka bonding o makilala pa. Hayaan mo lang. "

Pinat lang ni Mama yong shoulder ko. Medyo na realize ko din na mali yong biglaang pag distansya ko sa kanila.  Ang selfish ko sa ganon.

" Ah, bahala na Mama "

Natawa lang si Mama at umiling-iling. Tumayo na rin ito at umalis na. Ano nalang ba gagawin ko? Nakakahiya naman ng mag panggap na parang di ko sila iniiwasan.

Hays.

Travis's POV

I really don't understand why she's ignoring us. After that talk sa gitna ng gabi, wala na. Nag bago nalang soya bigla pag uwi namin. It's been days since dumistansya siya. What's wrong with her ? Geez.

" Bro, si Crystal oh "

Anthony tapped my shoulder and pointed to Crystal. Nandito kami ngayon sa Farm. Inaaral yong mga halaman at tinuturoan paano yong pagsasaka. Yes, this is what we came for. To learn this. We do have consideration and special tasks. Yong project namin is to study the life here kasi yon din yong inagree ng parents namin and of course this is my Mom's idea.

My parents are the owners of that prestigious school. So yeah, they can easily follow what my parents want. I can't blame my Mom for this. I mean, since we are kids we were taught about companies already. My special class kami and about 'yon on how to build confidence, manners sa higher level sa industry like Mom and Dad. Special class about sa gina-galawan nila. Kaya sinabi ko na sanay kami humarap sa malalaking tao because every occasion ay sinasama kami, mostly nakikilala namin anak mayayaman rin but kami lang talaga yong nabuo na barkada since parents namin ay magkakaibigan lang din.

" So class, tuturoan namin kayo paano mag tanim ng palay "

And the discussion goes on. Nakikinig lang ang lahat while me was just staring at Crystal. Ang layo niya samin. Simula no'ng iniiwasan kami ng babaeng 'yan, yong ibang babae naman ang nakikisama samin. I mean 'yong SSG dito sa school.

Naka pang farm attire yong iba. Nag suot na din ako ng boots at ganon na din yong mga kaibigan ko. If ayaw niya sumama samin, okay. Wala akong magagawa don.

Crystal's POV

"  Crys, sabay na tayo pumunta sa gitna. Medyo natatakot kasi ako baka may anong insekto huhu "

Napangiti nalang ako sa isa kong classmate.  Mabait siya at tahimik kaya di masyado ginugulo sa room. Distant din siya eh.

" Sige ba, wala din akong kasama eh "

Sagot ko nalang. Kung nagtataka kayo asan si Eric, aba'y wag nyo ng hanapin. Buti nga pag uwi namin wala 'yon, biglaan alis niya kasi pinapunta ito sa Manila at nag excuse din sa school. Medyo inaasahan ko pa anman na may mang buwesit sakin kasi nga nagpadala siya ng sulat pero buti nalang talaga di pa umuuwi yong hinayupak na 'yon. Kaya ito buhay pa din ako.

I know, mali yong nagagalit ako sa inutangan ko. Mali ako at mas lalong mali siya dahil sa mga ginagawa niya. Hays buhay.

"Ahhhh, frog!  Ahhhhh!"

Nabulabog talaga lahat no'ng biglang sumigaw ang kaibigan ni Clara. Tsk, yong maarteng babae sa grupo nila. Actually, lahat sila maarte eh. Di nga nakalampas sakin yong pagka digusto nila sakin, no'ng sumasama pa ako nila Travis.

" Ms. Castro, minimize the shouting. You're supposed to be used in this place, lalo na at dito ka sa lugar na ito nakatira at lumaki. "

Medyo natawa naman ako sa sinabi ni Prof. Yan kasi ang arte, Si Clara lang talaga yong mas angat sa kanila mag babarkada. Yang mga kaibigan ni Clara ay na impluwensyahan niya lang rin sa kaartehan. Natawa lang 'yong ibang students sa eksena nila.

" Pasensya po pero takot talaga ako sa Frog eh. Keith pwede pa help naman *pout* "

Napa rolled eyes talaga ako. Lumalandi lang pala eh. Nakita ko naman si Clara na kinakausap si Travis, tumatawa ito na parang baliw kahit si Travis naman ay seryoso lang sa ginagawa. Alin ba ang nakakatawa don ? Teka nga, bakit ba ako naiirita.

" Uy, Crystal umuusok na yang ilong mo hahahaha may galit ka ba sa president natin ?"

Umirap lang ako sa classmate ko. Bahala na kung di ko siya close pero naiirita talaga ako eh. Gusto ko ba talaga si Travis? Shit naman oh. Ayaw ko ma buwesit araw² sa lumalandi sa kaniya.

Nakakaasar !

-----

Let me know your thoughts. 👇  Lovelots 💞

-ImOnIT14

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon