22

39 1 0
                                    

Ilang oras ang lumipas at napag desisyonan na muna na mag pahinga. Whole day kasi yong activity eh. Pinag-papawisan na ako pero may towel naman ako na nakasampay sa balikat ko. Parang kargador lang eh no ?

" Ibigay niyo yan sa kanila at yan sa inyo "

Napalingon naman ako sa dumating. Si Madam principal narito sa palayan. Ano ba gingawa niya rito ? May dinala itong mga pagkain at palamig. Hinati 'yon pero mas sobra yong kina Travis. Bali sila magbabarkada at kay Clara ang magkasama. Ako nandito lang sa iba naming classmates.

" Pag pasensyahan niyo na ha at 'yan lang muna. Ano ba gusto niyo ? Ang init-init pa naman dito."

Ang polite naman masyado ni principal sa kanila ni Travis.  Tumikhim lang si Anthony at nagkatinginan naman yong mag babarkada. Tumawa lang si Clara.

" Tita, thank you sa snacks po. Ako na po bahala sa kanila rito mag assist since mag kaibigan naman na tayo rght ? "

Naka ngiti niyang tanong kanila Travis. Tumango lang si Keith. Buti naman at nagkakasundo na pala talaga sila. Umiwas nalang ako ng tingin. Bumalik nalang ako sa trabaho ko para matapos na. Iniwan ko na yong classmate ko at pinag patuloy nalang yong gagawin.

Ano naman kong magkakasunod sila ? Edi mas maganda diba ? Tsk.

" Why are you even chopping that ?"

Natigilan naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mata sa nakita ko. Shit, na chop ko na paranh sibuyas yong palay na itatanim. May maliit kasi ako na itak dala pang bungkal sana kasi may ibang parts na matigas yong tataniman ng mga puno. Aside kasi sa palay nag t- tree planting kami . It means nasa mataas ako, wala sa baba kung saan yong palayan at saan sila naka tambay.

" Shit, wala na. Sira na yong plastic niya "

Sabi ko sa sarili ko. Inagaw niya naman 'yon at siya na nag tanim.  Napatingin nalang ako kay Travis. Oo si Travis. Ewan ko nga kung bakit ito nandito eh.

" Ba't andito ka ? Ba't iniwan mo mga kaibigan mo?"

Tanong ko habang lumilingon sa tinambayan nila kanina. Nakatingin din samin yong mga kaibigan niya puro naka ngiti, except do'n sa mga babae. Umirap lang si Clara. Luh, may kaaway agad ako ?

" Tsk, don't mind them. And next time, remove the subtitle on your face"

Sabi niya sakin. Napa 'huh' naman ako. Di ko talaga ma gets. Napa-iling nalang siya pero natawa din ng mahina. Baliw talaga ano ba ibig niyang sabihin ?

Tumalikod na siya kaya sumunod nalang ako kasi magtatanim naman siya doon sa may ibabaw pa.

" U-uy, anong ibig mong sabihin ?"

Todo kulit lang ako sa kaniya pero di niya talaga ako iniimik. Ano ba yan ! Mas nakakainis siya kesa don kina Clara.

" I said..."

Napatingala naman ako sa biglang lumapit. Si Travis. Ang gwapo niya talaga kahit pinag-papawisan na. Umatras naman ako ng konti kaso na namali yong tinapakan ko kaya napaatras talaga ako at napasandal sa puno.

" Aray! Shit ang sakit !"

Biglang sabi ko habang nakakapit ako sa kaniyang balikat at siya naman inalalayan ako sa likod. Parang nag slowmo talaga yong paligid eh. Ang lapit niya. Napaka lapit. Naku, Crystal wagka basta-basta nabibigla sa mga ganito. Magiging marupok tayo niyan.

" You should learn how to be careful. Nagiging clumsy kana sakin. This is just me "

Kaya nga, ikaw lang yan pero nabo-bobo ako. Umayos naman na ako ng tayo atsaka umupo sa malaking ugat ng puno. Kami nalang yong narito. Walang ibang tao. Lumuhod naman na siya at hinawakan yong paa ko na natapilok sa pag atras. Tanga ko talaga.

Ba't kasi ang lapit eh !

" Tell me where it hurts"

Sabi niya but it sounded as if he was worried. Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinahaplos niya paa ko. Nakakahiya, naka tsinelas pa ako at sobrang dumi na ng mga paa ko.

Para na akong nasa palabas eh, panira lang talaga yong itsura ng paa ko. Ang dumi jusko, medyo mataas pa mga kuko ko. Di kasi ako naka boots. Hinubad ko kanina kasi namamawis na. Ayoko naman mangamoy. Di naman talaga nangangamoy pero ayoko din na namamawis sa loob. Madulas.

" Hey, Crystal. You're spacing out. Sabi ko asan yong masakit ?"

"H-huh?"

"You're answering my question with another question. Mali yan. "

Sabi niya. Di nalang ako nagsalita. Biglang sumeryoso yong paligid. Ramdam ko talaga dahil narin sa pagtitig niya sakin. Na conscious naman ako. Nakakahiya. Iniwas ko nalang ang paningin ko.

" What's wrong Crystal? May mali ba kaming nagawa na di mo na gustohan ?"

Seeing his apologetic face di ko maiwasang di ma guilty.  I'm sure of what's happening right now. I really like this guy. Parang gusto kong haplosin yong mukha niya, pero pinigilan ko sarili ko.

" Wala naman. Walang mali. "

Yan lang ang sinagot ko at saka iniwas ang tingin. Nakaluhod lang yong isang tuhod niya habang ako nakaupo lang talaga dito sa malaking ugat ng puno. Medyo masakit pa.

" Then why? Why did you keep on ignoring us ? Kung walang mali ba't di ka na sumasabay ? You keep on pretending as if we're not there---"

"Does it bother you? ---"

"Yes, sobra!"

Nabigla ako sa biglaang pagtaas ng boses niya at pag sagot. This is not him. This is not the Travis I used to know. Masungit yon at cold. Judgemental pa. Bakit ganito ito ngayon ? Nakakapag taka.

" Dapat hindi. Stay away from me. I don't belong in your group. Ang layo ko, na realize ko din at napansin na di ko kayo ka level or kaparehas--"

" The hell I care about the status! I like you Crystal. So freaking much ! I don't know. ---"

"Maybe, you're just confuse---"

"What if I'm not ? Will you risk it with me, Crystal?"

Sa tanong niya ako natigilan. Naiiyak ako. Di ko alam ang sasabihin. Kahit ako, gusto ko siya pero alam kong mali ito. Di ako nababagay sa kaniya. Pagtatawanan lang ako ng iba, maybe okay sa kaniya pero sakin hindi. Ako 'tong mapi-pressure pag nagsama kami. Pina pangunahan ako ng takot.

Di ako pwedeng mangarap ng sobrang taas, kasi alam ko kung gaano kasakit ang babagsakan ko. Ito lang ang alam ko.

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon