25

58 5 1
                                    

" Are you even aware that you're effortlessly beautiful? "

Biglang tanong ni Travis. Napalingon naman ako sa kaniya at agad din na nag-iwas ng tingin. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina. Ba't ganiyan oalagi linyahan ng mga lalaki ?

" Wag mo nga ako bolahin. Isa pa, mas maganda pa si Clara no"

Agad na depensa ko para di ako mahiya. Tsaka totoo naman kasi napaka sophisticated tignan ni Clara. Anak mayaman din eh. Lawak din kaya ng hacienda nila rito. Travis lifted my chin and tilted it para magkaharap kami. Ang gwapo ng seryoso niyang mukha, pero mas gwapo siya pag naka ngiti. Yong ngipin kasi at ngiti parang pang model lang.

" Stop bringing up Clara. I don't find her attractive and I only want you. You're the one I want to pursue Crystal and not Clara, okay ?"

Seryosong sabi niya. Hinaplos niya naman ng bahagya yong mukha ko. Ba't ang lambot ng kamay niya ? Sanaol talaga. Ang tahimik lang naming nagtitigan.

" T-Travis..."

"Shhh...as days go by I've realized that I'm really falling hard Crystal. Gusto kita kasi napaka natural mo. You don't even have to make an effort para lumingon mga tao sayo. I don't even understand why di mo mapansin yong mga lalaking tumitingin sayo and why other girls secretly hate you. Kasi totoo ka... you don't even have to pretend "

I'm just staring at him. Ngumiti ito kaya hinaplos ko din yong mukha niya. Ang amo, napaka amo ng gwapong ito.

" Crystal, will you be my girlfriend?"

Natigilan ako sa tanong niya. Is he even serious right now ? Namuo agad yong luha ko. Di ko alam pero sobrang saya ko sa tanong niya. Tumango ako bago sumagot.

" Y-yes Travis. Yes. "

Naiiyak na sagot ko. Tinuyo niya naman yong luha ko habang naka-ngiti kami pareho.

" Oh my--what? Walang bawian Crystal ha"

Hinampas ko siya sa braso niya at natawa nalang kami. Ba't naman kasi yong reaction niya. Parang di makapaniwala. Di naman kasi ako sikat na babae eh para ganon reaction niya. Parang nanalo lang sa lotto. Di nga ako nangangalahati sa artista.

" I love you Crystal Samson. I love you so much"

Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Sobrang saya ng puso ko sa mga nangyayare ngayon.

" I love you more Travis Yu. "

Mahinang sabi ko sa kaniya. Kumawala naman siya sa mga yakap ko at ngumiti siya ng napaka tamis. No joke, ang gwapo niya talaga. Jusko, baka araw-araw ako mag overthink nito dahil kahit siguro ibang babae, maattract talaga sa kaniya.

" Actually Crystal, I have something to tell you "

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Hinawakan naman niya yong mga kamay ko atsaka pinisil yon ng bahagya.

" I don't want you to ignore me after this and besides you're my girlfriend now. I want to be completely honest with you starting tonight. "

"Huh? Bakit ? May di ba ako alam ? "

Ay tanga lang Crystal? Eh pangalan lang naman alam mo sa kanila at yong fact na pamangkin sila ni Tita Scarlet mo. Hays.

" Tell me first what you know about me "

He didn't ask, it's more like a statement. Nakatingin lang siya sakin ng seryoso. Shit, di naman siguro sila killer or may mga mapapangit na background no? My body shivers sa inisip ko. Sige Crystal, takotin mo lang yong sarili mo.

Ano ba 'to, first night palang sinusubok na yong tiwala ko. Pero maganda narin kasi kung mag open siya.

" Travis Yu. Nephew of Scarlet Yu-Zaires. Ahm, ang alam ko lang kay Tita Scarlet is mag kaibigan sila ni Mama dito sa lugar nila. Tsaka sabi din nila na nakapag-asawa ito ng Bilyonaryo and currently nakatira sa parte ng Luzon. Naging issue nga 'yong kagulohan dito eh"

Mahabang linya ko. Nagtaka naman siya sa sinabi ko. Baka na curious. " What? What issues?"

" Ito kasing family ni Tita Scarlet ay may utang sa mga Santos and to settle that kailangan daw pakasalan nito si Calid Santos which is Daddy ni Eric Santos. Yon nga, nagkagulo kasi di naman na pwede ikasal pa si Tita Scarlet kasi siya pala yong most talked na secret wife ng billionaire. Akalain mo yon, magugulat ka nalang siguro pag tayo mismo naka witness doon. Gulat na gulat nga si Mama eh. Pero dahil doon nakunan siya... hanggang doon lang alam ko "

Napatango-tango naman si Travis. Siguro di rin ako makahinga sa mga revelations na 'yon. Nag ku-kwento si Mama nong ganapan nila sa fiesta dati, naku para lang palabas eh.

" What if I tell you that Scarlet's child didn't really die..."

Nagtatakang tumingin naman ako sa kaniya. Eh, wala naman akong balita na after noon. Tsaka wala kaming tv pa dati or what. Wala naring nag-uusap tungkol sa kanila rito kasi nakalimutan na rin yong issue dati.

" Malabo 'yon. Sensitibo daw pag bubuntis ni Tita Scarlet non, pero di ko din alam eh kasi wala na akong balita sa kanila. Ngayon lang yon na tumawag ito at pinapatignan kayo mga kamag-anak niya"

" No, Crystal--"

"Shhh. Hayaan mo na 'yon baka mag-away pa tayo nito HAHAHAHA anyways, ano ba gusto mong tawagan natin ?"

Napa-iling nalang siya. Eh, ayoko pag usapan eh baka ano lang isipin ko, maalala ko na naman na mukha siyang taga langit tapos ako lupa. Tsaka issue ni Tita Scarlet wag na balikan.

" Okay, if you say so. Anyways, just call me whatever you're comfortable with. I'll do the same "

Di ba pag mag jowa kailangan may endearment kayo ? Yong kayo lang talagang dalawa ang pwede tumawag non.

" Okay. Mas okay sakin Travis itawag sayo. "

" Yes and I'll call you Crystal. Ang ganda mo. "

Hinampas ko nalang siya at natawa nalang kami. This is so rare ha. Isang Travis tumatawa eh napaka suplado nito.

" I love you Crystal. Please stay with me ... "

Sabi niya habang pinagdidikit yong mga noo namin. Ngumiti naman ako at bahagya tumango.

" I love you more Travis. Please stay real with me "

Naramdaman ko siyang natigilan pero agad niya nalang ako niyakap ng mahigpit. Sana nga di ito nagsisinungaling sakin. Gosh, I really love this man. Sana, kung saan man kami dalhin ng panahon. Sana kami parin.

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon