3

953 31 1
                                    

Chapter 3

Crystal's POV

" Crys, hatid mo nga ito doon sa bagong naninirahan sa bahay ng Tita Scarlet mo "

Napa 'huh' naman ako sa sinabi ni Mama. May bago palang naninirahan don ? Sino naman ? At bakit kailangan pa bigyan ng pagakain ? Lumapit ito sa akin at inabot sa akin yong pagkain na nakalagay sa di kalakihang Tupperware. 

" Ma, bakit kailangan natin silang bigyan ng pagkain ?" Nagtatakang tanong ko. " Baka di pa sila nakakakain atsaka binilin sila ni Scarlet sa akin, mga lalaki pa naman yon, o siya, bilisan muna " atsaka niya ako tinutulak palabas ng maliit naming bahay. Ano ?!

I know Tita Scarlet. Kaibigan ni Mama, na kwento narin ni Mama yong nangyare dito nong fiesta mga ilang taon narin ang nakalipas, nakunan daw ito ng anak dahil sa kagagawan ng pamilya ni Calid Santos. Masasama talaga sila, lalo na yong pamangkin nila, tsk.

Wala na akong nagawa kundi ang lumakad. Pagkarating ko kasi sa bahay nagbihis agad ako, kakagaling ko kasi sa school. Nagabihan lang ako ng uwi dahil may gingawa pa kami at natagalan lang dahil sa psting Eric na yon.

Nangmakita ko na ang bahay ni Tita Scarlet ay sumang-ayon narin talaga ang utak ko na may nakatira nga. May narinig akong nag-uusap pero di ko maintindihan yon dahil medyo mahina ito. Kumatok nalang ako. Hinampas ko pa yong lamok na dumapo sa braso ko, kaloka. Maya-maya pa ay bumukas na yong pintoan. Ewan ko, pero bahagya akong nagulat sa lalaking nasa harapan ko.

Ang gwapo. Tae. Nakatingin lang ito ng diretso sa akin. "Ah, pinapabigay nga pala ni Mama sa inyo. Sana magustohan niyo " sabi ko. Salamat nalang at di ako nautal sa kaba ko. Tinanggap niya naman yon at di nagsalita. Ang awkward naman nito.

" By the way I'm Crystal Samson at sa unahan lang ako nakatira. " sabi ko at bahagyang kumaway at nginitian siya. Tumango lang ito " Travis Yu " maikling sabi niya. I want to meet Tita Scarlet's relative here, kong sino man sila. " Ah, Hi Travis. Pwedeng pumasok?" Ilang minuto niya akong tinitigan na para bang sinusuri niya kaluluwa ko. Hello ! Di ako gaya sa ibang babae diyan na ang dudumi ng utak -_- di ako makati. Psh.

Maya-maya pa ay nilakihan niya ang pagkabukas ng pintoan at hinayaan akong makapasok. Mabuti naman, pinag pyestahan pa naman ng lamok yong braso ko. Natigilan ako ng makita yong nasa loob. Puro lalaki ! Halatang natigilan ang mga ito ng makita ako. Okay, alam kong di ako kasing puti kagaya nila pero tao parin ako, kaloka !

"Hi !" Bati ko at nginitian sila. " Hello. Anthony nga pala " sabi nito at sinaludohan ako. " I'm Keth and this is Ethan " nginitian naman ako nong Keth samantala yong isa ay sinamaan ng tingin ito " Dude, bakit ikaw nagpakilala sa akin ? Aish!" Inis na sabi nito na ikinatawa ko ng bahagya,nginitian rin naman ako nito.

" and that is Tres, my twin brother " sabi ni Travis na nasa likuran ko lang. Bahagya lang akong kumaway sa kanila at nginitian.

" Dude ano yan ?" Tanong nong Ethan kay Travis at lahat na sila ngayon ay nakatingin sa hawak nito. Nga namam, diko rin alam ang laman non. Di ito nagsalita, inilapag lang niya yong Tupperware sa maliit na lamisa. " Wow cake ! Ahh chocolate my favorite! " masayang sabi ni Anthony. Agad na tumakbo sa kusina si Keth at kumuha ng kutsara. " Thank you dito Crystal ha"

" Walang ano man. Sana magustuhan niyo yang gawa ni Mama. " nahihiyang sabi ko habang pinanuod sila nong apat na pinag tya-tyagaan yong dala ko. " Uy bigyan niyo pa ako !" " Teka Keth, inuubos muna !"

Natawa nalang ako sa naririnig ko. Lumingon naman ako don sa lalaking nasa likuran ko at tinitignan lang pala ako nito. Nailang naman ako sa tingin niya na agad niya ring iniwas ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Nginitian ko naman ito. " Uuwi na ako--" " Alam mo kong saan yong San Pedro's community college? " putol niya sa sasabihin ko. Ang lamig ng boses niya at napaka lalim non. Lalaking-lalaki talaga.

Tumango naman ako. " Doon ako nag-aaral, bakit ?" Takang tanong ko. " Help us to get there,tomorrow and.." Parang nagdadalawang isip pa ito sa sasabihin niya. " We don't know how to cook and I only knew how to be bake at di naman sila mahilig kumain palagi ng harina, I hope tutulungan mo kaming mabuhay rito "

Mahina akong natawa sa sinabi niya. " Seryoso kayo ?" Natatawa kong tanong. Pero nagulat ako nong umiba yong mukha niya at naging seryoso kaya nagtaka ako. " I've change my mind, wag nalang pala. "

Napa 'huh' nalang ako. Hinawakan niya ako sa braso at iginaya palabas ng pintoan. " Forget it. Bye. "

At sinara niya yong pintoan. He left me dumbfounded. Anong nangyare don ? Kahit nagtataka ay tumalikod nalang ako at umalis. Kainis yon ah ! Feeling ko nabastos ako, hindi, nabastos talaga ako ! Kaloka di pa ako nakakapag-paalam sa iba pinalabas na ako ? Aish. Ano bang mali sa sinabi ko ? Kainis yon ha !

Pagkarating ko sa bahay ay nakita ko si Bunso at Mama na nanonood ng palabas sa TV. Si papa wala kasi, nagtatrabaho, ewan ko pero siya lang kasi yong naghahanap buhay sa amin. Ayaw niyang paalisin si mama sa bahay at mahirapan. Private driver daw yon, sa ewan basta mataas rin naman ang pasahod sa mga kagaya dw niya at kaya kaming buhayin at patapusin ako sa pag-aaral.

" Ma. Nandito na ako " agaw ko ng pansin nila " Mabuti naman. Nakita mo yong bagong naninirahan don ?" "Opo" lumapit ako sa kanila at tinignan yong pinapanuod nila. Tsk. Hilig talaga nila sa horror movies. " Ma. Maaga ako bukas dahil babalik ako don " paalam ko kay mama habang naglalakad na patungo sa kwarto ko.

"Bakit naman ?"

" Eh kasi, halatang di marunong yon sa gawaing bahay at mukhang kailangan nila ng tulong, total mga kamag-anak naman yon nga best friend mo " tumayo naman si Mama at nilapitan ako. " May nagustohan ka sa kanila Anak ?" Itinirik ko naman ang mata ko na ikinatawa niya. " Ma. Wag ka ngang mag-isip ng ganyan atsaka mababait naman sila except don sa lalaki na bipolar at ang cold, tsk "

Sabi ko na ikina-iling ni Mama. " Ma, kaano-ano ba yon ni Tita ? " Basta. Hahaha pwede ka naman makipag-kaibigan sa mga yon dahil mababait naman daw yon "


Sabi niya at umalis sa harapan ko. Ganon lang ? Hays. Pumasok nalang ako sa kwarto at humiga. Shit. Pag-iisipan ko pa pala yong sinabi ni Eric. Kainis !

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon