11

721 29 0
                                    

Chapter 11

Travis's POV

I immediately dialed Mom's number nong makalabas kami at medyo nakalayo ako sa kanila. Kasama kasi nila si Crystal at yong SSG president sa campus -_-

Nakailang ring ito bago sinagot.

" Hello Travis? "

Agad na bati niya sa kabila.

"Mom ? Why did you do that ?"

"Do what?"

" About don sa field trip na gaganapin. Are you serious about that ? For real ?"

Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. I heard her chuckles at yong boses ni Dad sa kabila.

Si Mommy kasi di basta-basta tumutulong kapag di talaga necessary at walang tamang rason.

" Baby there's nothing wrong about that and yes for free and I'm serious. Me and your Dad already talked about that and I just want to help our Driver,Travis. Si Manong, may anak jan na babae at nag-aaral sa school na yon, gusto ko lang bumawi sa kanya and sa family niya. Mahirap mawalay sa pamilya baby at sana maintindihan mo "

Napabuntong hininga naman ako. Di naman ako pumalag eh, I just want to know the reason why she's doing it.

" I understand Mom and thanks for helping the students here "

" No problem Son. Btw, did you meet Crystal Samson ? She's the daughter of our driver. Kaibigan ko Mommy niya, nakilala niyo na ba siya ?"

Natigilan ako sa narinig ko. What ? Si Crystal ang anak ng driver namin ? What a coincidence!  Napatingin naman ako sa gawi nila at nakita yong babaeng tumatawa ngayon.


" Crystal Samson ? We met her first day namin dito. She helped us out through things na di namin alam, she always cooks for us at nakasabay namin siya. S-she's amazing "

I feel my ears heated up nong mautal ako. I heard my Mom's chuckles through the phone.

" Awe. She got your attention baby. I'll be more happy if siya magustohan  mo *chuckles* "

" Mom!"

Shit. Kahit wala si Mommy rito nahihiya ako sa pinangsasabi niya. Honestly, this is new to me. I never courted a girl or minahal man lang bukod kina Mom at sa kapatid kong babae. Si Travis may minahal na yan pero iniwan siya eh. Ewan ko ba don. Kung totoosin ang swerte na niya.

" I'll hang up now Son. Take care there and with your twin. Send my I love you to him. Bye I love you also. "

" Bye. You too Mom. I love you. "

And then hang up. Napatingin naman ulit ako sa kanila, bago lumapit. Nagtatawanan parin sila habang napansin ako ni Crystal sa tabi nila.

" Hi Travis. Saan ka galing ?"

Nakangiting tanong sa aking nong president. Bahagya lang akong ngumiti pabalik at saka sumagot.

" Kinausap ko Mom ko. By the way, anong gagawin natin ngayon ? "

Tanong ko. We don't have class na kasi, di naman mahirap pakisamahan si Clara yong tinutukoy kung president. Mabait naman siya at makulit rin.

" Camp ! Ano? Game ?"

Excited na suhesyon ni Clara sa amin. Napatango-tango namam ang iba. Di ko maiwasang di mapatingin kay Crystal na parang napipilitan nalang makisama sa amin kapag kasama si Clara. Nang mapansin niya ulit ako ay ngumiti naman ito ng matamis na akala mo di lang naiilang kanina pero agad rin siyang umiwas ng tingin sa akin.

"Payag ako jan. Wala naman tayong ibang gagawin diba ? Tara. Gusto ko talaga ng adventure. "

Wala na akong magawa kundi ang pumayag narin dahilan para umibabaw na naman ang pagka hyper ng kakambal ko.

" But we don't the have things to use. Wala tayong tent--"

Tanong ni Anthony. Nga naman.

"Meron sa akin. Actually plano namin ng friend ko mag camp ngayon but nalilito kami kung saan mag punta sa may dagat ba or sa bundok "

Kibit balikat na sabi niya.

" Mas maganda sa dagat mahangin at baka maabotan pa natin ang sunset. Wag nalang sa bundok baka maraming hayop don na delikado at makati wag na. Sensitive pa naman ako kapag damohan "

Maktol naman ni Ethan. " Yes we might get rashes" sabat ko naman. Napatango-tango naman sila.


" Okay to the beach then ! So tara na ? Para mataas pa bonding natin don, magtatayo pa tayo ng tents "

" Sige/Okay!"

>>>>>

At dahil malapit lang ang dagat rito nilakad nalang namin. Kumuha kami ng kailangan lang namin. Napaka OA na if we will bring all our things at baka mawala pa.

When we reached the beach agad kaming nagtayo ng tents namin. This is the first time na sumabay kami sa ganitong klaseng hang-out at sa mga babae pa at mas lalong di inutos ng school.

Lumipas ang oras ng matapos namin lahat yong mga kailangan ayusin.

"Woohh! Guys palubog na ang araw ! Bonfire tayo !"

Sigaw ng isang kaibigan ni Clara. Tama nga siya papalubog na ang araw. Mukhang dito nga kami magpapalipas ng gabi.

" Tara keith at Tres samahan nyo ako mamulot ng mga kahoy. Para may makain yong apoy mamaya "

Sumang-ayon naman ito sa sinabi ni Ethan. Naiwan nalang kami ni Anthony dito. Inaayos niya yong pinamili ng mga kaibigan ni Clara na pagkain. Magsusugba siguro sila mamaya.

" Guys tara maligo tayo !"

"Di na masyadong mainit. Di na ako iitim nito "

"Oo nga. Tara !"

Napatingin lang ako sa kanila magkakaibigan. Morena sila pero takot silang umitim at mas masunog. I really want to make my skin brown pero namumula lang kami ni Travis kapag naiinitan. I think I'll never get the chance to experience that kind of skin tone. 

They're all wearing their swimming attires and spend their time in playing volleyball on the beach.

" Ladies here are really different right dude ? They dont care about their figures "

Napatango naman ako. Iba sila sa nakilala ko. Kung yong nakilala ko ang gaganda ng katawan kapag nag s-swimsuit , sila naman ay walang pake. Mas may tiyan pa sila kesa don sa mga babaeng ang f-flat ng tiyan.

Diko alam pero napunta yong atensyon ko sa nag-iisang babae na tahimik na nakatingin sa kawalan habang tinatangay yong buhok niya ng hangin.

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon