9

815 23 2
                                    

Chapter 9

Travis's POV

Days later...

We're here in someone's private resort. Dito lang din sa probinsya, I don't know exactly kung sino yong owner but sabi sa bulong-bulongan ay kaklase lang din namin, mayaman daw kasi.

Kakatapos lang namin sa activity kanina and mag pa-party daw kami ngayon. I'm with my friends and I don't know where's my twin kasama niya kasi si Crystal. Tsk.

" Hey boys, pwede maki-sabay ?"

Tanong nong dalawang babae na morena pero magaganda naman. Well. I just shrugged when my friends look at me. Hapon na kasi at papalubog na yong araw , nakatingin lang ako sa kawalan habang umiinom nong juice na gawa ng mga kaklase namin. Napatingin naman ako don sa isang babae na tumabi na sa akin at nginitian ako. Tumingin ako sa mga kasama ko at may kanya-kanya na itong kausap na babae.

Nasaan na ba sina Crystal at Tres ? Tinitigan ko yong babae when she suddenly grabbed my glass and put some wine on it. She just smiled and handed back my glass. Gusto kong umalis pero ayoko maging bastos.

" So handsome, taga saan ba talaga kayo ? I mean woah! Iba kayo sa amin at halatang may kaya, by the way I am Clara the SSG President sa campus and you are ?"

Tinignan ko muna siya tsaka yong kamay niya. I heard her chuckles kaya napatingin ulit ako sa kanya.

" Don't just look at my hands c'mon do you know handshaking ? *chuckles*"

Kahit ayaw kong makipag kaibigan dahil hindi naman talaga ito yong sadya namin dito pero para di mapahiya itong kasama ko tinanggap ko yong kamay niya na ikina-ngiti niya. Bahagya nalang rin akong ngumiti. Kapag ngumingiti siya mas lalo siyang kumo-cute nawawala kasi ang mata niya but that doesn't mean I like her--maybe someday.

" Travis Yu. "

" Oh. So Travis Graduating narin kayo di ba ? "

Tumango nalang ako at ininom yong wine na nilagay niya saka tumingin sa kawalan. Nagsimula naring mag-ingay yong musika mukhang magsasayawan pa sila.

" Dito rin ba kayo mag s-stay ngayong gabi sa rest house  ? You know we can kill some time if you want besides busy na rin naman yong mga kaibigan mo "

Nagtaka naman ako. Anong ibig sabihin niyang 'kill some time ?' Nagkibit balikat nalang ako di rin naman ako sure eh. Nag vibrate naman ang phone ko na agad ko rin tinignan yong caller. Si Tres. Sinagot ko naman yon.

" Hey dude, kasama mo na ba si Crystal ?"

Tanong niya agad sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit sa akin niya hinanap ito.

" What ? Diba sabay kayo umalis--"

"No dude, nagpaalam siya sa akin. Sabi niya babalik rin siya agad but pansin kong may lalaking lumapit sa kanya at sumama siya"

Napatiim bagang naman ako. Fvck. Saan na naman yon nagpunta kami malilintikan ni Tita pag di namin yon kasama umuwi.

" Did you call her ? "

Tumayo na ako at di pinansin ang tawag nong babae at ng mga kaibigan ko.

" Wala yong phone siguro and also I dont have her number "

" Tres hanapin mo sa loob ng mga rest house si Crystal, ako na mag lilibot sa labas if 30 minutes or an hour na ang lumipas sabihan mo mga kaibigan natin but make sure na di mahahalata ng iba baka masira ang araw nila at paginitan lang tayo "

" Okay. "

Agad akong naglibot. Damn girl, where are you !

Crystal's POV

Nandito ako sa tabi ng dagat naglalakad habang umiiyak. Umalis ako kanina at iniwan si Tres ayokong marinig niya yong sasabihin ng mga kaibigan ni Eric sa akin. Lalaitin na naman nila ako at ayokong sa harap ng mga bagong kaibigan ko. Baka mag-alala lang sila or worse ay laitin rin nila ako.

Napayakap ako sa katawan ko na punit na ang damit. Malamig narin at padilim, tanging luha ko nalang ang mainit. Diko talaga aakalain na mamagawa sa akin ito ni Eric. Laitin na niya ako at lahat pero yong ganon ? Nakakababa ng dignan ko yon, dahil hinayaan ko silang bastosin ako. Huminto ako at nakatingin nalang sa kawalan habang humahagolgol.

" Aaaaahhhh !"

Sigaw ko sa kawalan at umiyak ng umiyak. Nang dahil sa utang na iyon wala akong magawa para pigilan sila.

" Eh kung katawan mo nalang kaya ang ipang bayad mo"

Napapikit ako nong marinig ko ang sinabi ni Eric sa akin habang siya ay nakadagan sa akin. Muntik na akong magahasa sa mga oras na iyon. Mga walang hiya talaga.

" Ito ang gusto ko Crystal, makinig ka nalang sa akin at ibigay mo ang katawan mo sa akin at di na kita sisingilin !"

Buti nalang nakatakas ako don. Buti nalang talaga, nanginig bigla yong tuhod ko at bago pa ako makaluhod ay may mga kamay na nanaka-alalay sa katawan ko. Napatingin ako rito only to see Travis with his worried face.

Sa diko malamang dahilan bigla nalang akong yumakap ng mahigpit sa kanya at  naiyak. Hinagod niya naman ang likod ko at binalik ang mga yakap ko. Then suddenly I feel secured. 

" H-hey what happened to you ? Bakit nandito ka ? Kanina ka pa namin hinahanap "

Umiling ako at bumitaw sa yakap still his hands are around me. Tinignan niya naman ako mula ulo hanggang paa at narinig ko siyang napamura ng mahina. He immediately removed his jacket atsaka yon ipinatong sa balikat ko.

" Sino may gawa niyan sayo ?"

Umiling lang ako at tinuyo yong mga luha ko. Ayoko silang damayin baka pag initan lang din sila ni Eric.

"W-wala, don't mind me--"

"What the heck ? "

Di makapaniwalang angal niya.

" Just p-please take me away from here..u-umuwi na tayo "

Pagmamakaawa ko. Tumango lang siya at saka ulit ako niyakap ng mahigpit na akala mo ay ilang taon akong nawala. Kahit nabibigla ako sa mga galaw niya ay di ko nalang yon pinansin. Umalis narin kami don at tinawagan niya nalang ang mga kaibigan niya para makauwi na kami.

Ayoko na dito.

---

Not Edited

Stay safe Everyone 😊

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon