10

749 20 5
                                    


Chapter 10

Tres's POV

I really don't know what happened pero hanggang ngayon napapaisip ako kung ano ang naging dahilan para maging ganon ang itsura ni Crystal. Pati sila nagtataka. Si Travis naman ayaw magsalita. He's thinking too deep. Pinauwi muna namin si Crystal sa kanila nong kumalma na siya and of course binihisan. We don't want tita to worry, sapat nayong kami lang nakaka-alam.

" What really happened Dude ? Bakit ganon ? "

Keith asked. Lahat kami naghihintay sa sagot ng kambal ko pero walang ni isang salita siyang binitawan. He just frustratingly leaned back sa sofa and hear him cussed.

Mukhang may malaking problema si Crystal dahil umabot siya sa point na yon.

" What are we gonna do ? "

Tanong ni Ethan sa amin. I just shrugged, diko alam eh. Tumayo namam si Travis and left us. I can feel him, she really cares for Crystal. Di naman kasi mahirap sabayan si Crystal, honestly nakuha niya agad atensyon namin lalo na kay Travis. Yong vibes kasi niya, iba.

"Let's figure out kung anong nangyare and also bantayan siya, protect her. "

Saad ko na sinang-ayunan nila.

" She's like a sister to us specially she's a happy pill "

" Yep. I also have a sister dude and like a brother I will protect her, kung sino man bumastos sa kanya napaka walang hiya niya"

Mabuti at nagkakasundo kamo rito. Kung meron mang mas nag-iisip rito ng mas malalim tungkol sa nangyare, walang iba kundi yong kakambal ko.

---

Crystal's POV

Alas kwatro palang ng umaga pero gising na ako. Di ako masyadong nakatulog dahil sa nangyare sa akin. Binabagabag ako.

Kumuha ako ng jacket atsaka lumabas ng bahay. Mas gusto kong makapag-isip kung ano ang gagawin ko. Paano ako makakalusot kay Eric. Naglalakad lang ako at wala pang masyadong tao ang  gumigising ngayon, yong mga matatanda lang. Routine na nila yon na mag-wawalis para narin exercise.

Napadpad ako sa dagat kung saan ang ganda ng kulay ng langit. Nakaka-kalma at napaka presko talaga. Hinayaan kong mabasa yong paa ko sa tubig dagat. Wala rin akong naging problema dahil naka tsinelas naman ako. Napa-pikit ako at mas pina-kiramdaman yong simoy ng hangin habang tinatangay nito yong buhok ko.

" Why are you up so early ? "

Napamulat ako at napalingon sa nagsalita. Si Travis. Naka jacket ito ng itim at diretso ang tingin sa kawalan. Bakit nandito siya ? Lumingon naman ako sa paligid kung kasama ba niya mga kaibigan niya pero wala naman. Humarap naman ito sa akin at tinitigan ako ng seryoso.

" B-bakit ka nandito ? Kanina mo pa ako sinusundan ? "

Nagtatakang tanong ko. Those stares, nakaka intimidate. Tumikhim ako at tumingin ulit sa kawalan. Awkward.

" What happened to you ? Di ako makatulog kakaisip kung ano ba talaga ang nangyare kahapon."

Seryosong saad niya. Napangiti ako ng mapakla at ginalaw-galaw yong mga daliri ko sa paa para laroin yong tubig.

Sasabihin ko ba ?

" A-ah wala yon. May di pagkakaintindihan lan--"

"Don't lie to me. Tell me. Para di ako mabagabag "

Sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay sa sinabi niya.

" At bakit ka ba nababagabag ? Just forget it Travis--"

"I can't.  I want to know damn it ! "

Nagulat ako sa medyo pag taas niya ng boses sa akin. Mukhang siya rin ay nagulat sa sinabi niya.

" I-I'm sorry. Just that *sigh* forget it. Alis na ako "

Atsaka siya tumalikod at naglakad palayo. Ano bang nangyayare don ? I just shrugged atsaka tumitig ulit sa kawalan. Gustong gusto ko ng makatapos para makapag trabaho na ako at makabayad. Pero paano ko yon gagawin ? Tatawagan si papa ? Paano kung mas mahirap buhay niya kesa sa amin dito? Ayaw ko ring mapaaway si Mama.

Juice colored !

>>>>

*School*

" Okay class listen. May field trip na gagawin at dahil soon to be negosyante kayo kailangan niyong sumama para makakuha rin kayo ng data. Required to sa inyong lahat. Pupunta kayo sa mga hotels, resorts and companies na nkasulat sa papel at hihingan niyo ng tips and of course mag O-OJT kayo pero may companies na maa-assign sa inyo. After one month pa namam yon and it will be the last day of your other classmates na pinadala rin lang dito for projects nila"

Napatingin naman kaming lahat sa kanila Travis. Classmate ko lang sila sa subject na ito, yon lang rin naman yong pinapasukan nila dahil yon lang yong kailangan nilang ma kompleto.

" Sir sa Manila po tayo ? How about the expenses?  Mahirap po sa amin ang maghanap ng pera, mukhang malaking gastosan yan!"

Reklamo nong kaklase namin. Natahimik naman ako. So ano to ? Uutang na naman ako para makasama ? Bumigat naman don ang pakiramdam ko. Makaka problema na talaga ako nito.

" Don't worry guys sabi ni Madam principal na walang gagastosin sa stay niyo. Okay na ang lahat and may tumulong sa atin for this. No worries, mag paalam lang kayo sa parents niyo na mag O-OJT kayo one month din don, and if you all passed, kasali kayo sa magtatapos ngayong taon "

Paliwanag ni Sir na ikinagising ng diwa ko. T-totoo ba ito ? Napangiti ako ng wala sa oras. Nabawasan rin yong problema ko !

"Yey ! Excited na ako !"

" Sir kilala niyo po ba ang tumulong?"

Tumango naman si Sir.

" Yes. Si Mrs. Scarlet Zaires na daw bahala. Dito rin kasi siya nag-aaral nong mga panahon nayon kaya bumabawi. She's the top student back then at nagpatuloy yong swerte niya sa buhay. Ka batch ko yon. "

Napa 'oh' naman kaming lahat. Napansin ko pang natigilan at nagkatingin yong mag babarkada nila Travis at Tres. Kilala ba nila yon ?


" So guys I hope you will do your best para maganda ang feedback at record niyo sa kanila or kung sino man ang ma b-boss niyo don, goodluck ! Class dismissed"

At nagsitayoan na sila at nagsilabasan.  Ah bahala na basta ako masaya dahil libre yong trip at expenses ng stay namin kapag nag OJT na kami.

----

Sorry guys. Ngayon lang naka load ulit 😅 sana po patuloy niyo parin akong supportahan 😆 kahit medyo natatagalan UD ko. Enjoy reading.

Not Edited

Love lots 😘

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon