24

57 3 0
                                    

Crystal's POV

Medyo nahihiya ako na natatawa sa kalokohan nila. Paano ba kasi eh binigyan nila ako ngayon ng manok. Tatlong buhay na manok. Sabi ni Ethan nanliligaw daw itong kaibigan nila. Ewan, ko ba sa mga ito.

" Parang nahuhulog na talaga 'yang Travis na 'yan ah. Naku! "

Biro ni Mama. Nahiya naman ako kasi araw-araw may pasabog sila, jusko. Noong nakaraan binigyan ba naman ako ng roses na pinitas lang nila sa kapit bahay kasi wala naman nagtitinda ng bulaklak rito, pero may mga tanim halos yong kapit bahay ng mga magagandang bulaklak. Buti naman binigyan ang mga ito.

Tapos kahapon binigyan nila kami ng pagkain medyo napangiwi nga kami ni Mama sa lasa eh HAHAHAHA pero sinabihan naman namin sila na medyo di okay yong mga ulam na binigay nila kasi minsan maalat, minsan matabang mga ganon. Pero kanina cupcakes gawa daw talaga ni Travis tapos bumalik ulit rito binigyan ba naman ako ng manok. Napa-iling nalang talaga ako. Kahit di naman na kasi kailangan eh. Okay namana na ako na gusto namin 'yong isa't-isa pero ayaw niya. Manliligaw daw talaga siya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko. Bigay ito nila Tres and yes, nandito din lahat ng contacts nila. Nagpapaturo pa ako eh kasi medyo nalilito pa ako eh keypad lang naman yong samin dit. Pati sila mama at bunso binigyan lang nila. Magaganda din yong phones halatang di ko afford. Kaya ingat na ingat ako dito.

" Hello papa. Kamusta ho?"

Masayang bungad ko sa kaniya. Napalingon naman sila mama sa akin at lumapit narin. Nilagay ko sa loud speaker yong phone.

" Okay lang naman ako rito anak. Kayo ba ?"

Miss ko na si papa. Kailangan ba siya mag ba bakasyon.

" Ayos lang pa. Masaya naman kami rito at miss kana namin " Natawa lang si papa ng bahagya.

" Pa, itong panganay mo may manliligaw na HAHAHAHAA "

Nahiya naman ako sa biglang singit sa pang-aasar ni Mama. Napa-iling nalang talaga ako. Kailangan ba 'yon sabihin? Baka isipin ni Papa diko inaayos pag-aaral ko.

" Talaga ba Mahal ? Naku, anak kung nasa punta kana ng buhay mo na gusto mo pumasok sa ganiyan sana wag mo pabayaan ang sarili ko at lalo na pag-aaral mo. Iba na henerasyon ngayon. Yong ibang lalaki baka lolokohin kalang"

Mahabang linya ni Papa. Nakangiti lang si Mama habang nakikinig kami. Kaya nga, mas dapat talaga kilalanin muna. Mahirap ng maloko.

" Mababait naman 'yon. Kahit medyo walang alam sa gawaing bahay. Tsaka pogi. Kapit bahay lang natin "

Kinikilig na sabi ni Mama. Napa huh naman si Papa at di diretso kumibo. "Papa, hello? Andiyan ka pa po ba ?" Tanong ko sa kaniya. Bigla siyang tumahimik eh.

" Y-yong mga bata ba sa kabilang bahay ? Kina Ma'am Scarlet? " Tanong ni Papa. Bakit ? " Oo Papa. A-ah si Travis po yong pamangkin ni Ma'am Scarlet. Okay anamn po siya, medyo suplado lang at masaya sila kasama. Gusto ko rin----"

" ---Anak, hanap ka nalang ng ibang magugustohan mo. Wag lang yong mga pamangkin ni Ma'am Scarlet *nervous laugh* Mababait naman na mga bata 'yan pero iniisip lang kasi kita anak."

Nagulohan naman ako sa sinabi ni Papa. Pati kami ni Mama nagkatinginan, medyo nalungkot yong puso ko don. Halatang ayaw ni Papa. Di ko alam kung bakit.

" Bakit Papa haha. May mali po ba ? "

" Wala naman anak, hahaha medyo mahihirapan ka sa mga yon. Halata mo naman siguro na mayaman sila. Sila Tita Scarlet mo, best friend yan ng Mama mo. Malapit. Halos lahat diyan kilala siya. Mayayaman kasi nakapangasawa ng Bilyonaryo. Mataas sila,anak. Hanap nalang siguro ng ka level natin...ayaw kitang makitang masaktan pag dumating yong panahon na di na para sa inyo "

Natahimik ako sa sinabi ni Papa. Nahalata ko yong takot niya para sakin. Oo nga naman, si Eric nga salbahi sakin. Medyo nalungkot ako na baka pag nagkataon, ku-kwentahan lang din naman ako. Napabuntong hininga ako at hinaplos nalang ni Mama likod ko. Nalulungkot din siya sa narinig niya.

" Opo, Papa. Ako nalang po talaga iiwas. Alam ko naman na kasi iyan kaso si Travis kasi nag insist, wala din ako magawa"

Malungkot na sabi ko. Di ko alam pero ang bigat lang talaga sa puso na kahit saan titignan. Di talaga kami pwede.

" Mabuti sana kung seryoso siya, pero nasa iyo naman iyan anak, ayoko lang talaga na may masaktan sa inyo. Mama mo nga minahal ko at pinagsilbihan ko kasi ako yong lalaki. Pero pag mayaman kasi alam naman natin na ang mga mahihirap yong nagsisilbi sa kanila, mabait naman pamilya nila pero natatakot lang ako. "

" Okay lang Papa. Naiintindihan ko po. Kakausapin ko nalang yon at para matigil na. A-ayos lang naman po "

Medyo nag crack boses ko don sa huli. Di pa nga naging kami may tumutuldok na ng pagsasamahan namin. Nag paalam na din kami at pinatay ang tawag. Di ko talaga alam na. Hays.

'Crystal, risk it with me' umoo naman ako na isusugal ko din sarili ko sa pagmamahalan na yan. Na e ta-try namin at manliligaw muna siya. Pero ano na ?

-------------

Lumipas pa ang mga araw at tinatanggap ko lang lahat ng efforts ni Travis. Gusto ko talaga siya. Siguro maiintindihan din ni papa ang desisyon ko, habang okay pa, ipagpapatuloy ko lang ito. Inaya ako ni Travis na kumain. Di ko alam pero pinag blindfold niya pa talaga ako. Ang gwapo niya sa formal attire niya habang ako ang pangit ng dress ko parang duster lang. Low quality nga. Pero nag pulbo lang ako at lip balm. Wala naman talaga akong pera para madaming  pang kikay eh. Maayos pa din naman ang flats ko na sandals.

Dinala niya ako sa di ko alam. Nakahawak lang ako sa braso at kamay niya. Siya lang yong nag g-guide. Di ko nga alam kung kami lang ba or may kasama rito. Wala akong marinig na mga tao kundi soft music lang at crickets.

" Open your eyes now "

Sabi niya pagkatapos niya tanggalin yong folds sa mata ko. May nakita akong picnic blanket. May mga candles pa. Napaka raming candles na nasa malilit na baso. Naglakad ako habang tinitignan yong hinanda niya. May mga petals ito at yong basket maraming laman. May pa wine pa ito at ibang foods.

" W-wow, ang ganda rito. Tsaka nag trim ka pa ng damo sa banda rito. Ang ganda. F-first time ko 'to"

Nahihiyang sabi ko. " I'm glad you liked it. They helped me to finish this thing. It was my plan and we really did our best to prepare it well. "

Nakangiting sabi niya. Hinaplos ko naman yong mga braso ko kasi humahangin na. "Oh,wait. " Napalingon naman ako ulit sa kaniya at nakita siyang tinatanggal yong coat niya. Nakakahiya.  " Here. Feeling warm?"

Tumango lang ako at nag thank you. Umupo na kami at kinain yong mga dinala niya. Siguro, ito yong mga moment sa buhay ko na gusto ko palaging balikan.

--------

Don't worry. Mahaba pa ang chapters 💪

Let me know your thoughts 👇 Lovelots 💞

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon