7

821 28 2
                                    

Chapter 7

Crystal's POV

" Ano na ? May pambayad ka na ba ?"

Tanong ni Eric sa akin. Napaatras naman ako nong humakbang siya. Saan ba ako kukuha ng pambayad na 50,000 ?

" T-teka baka pwede pa natin pag-usapan yan, bigyan mo pa ako ng ilang buwan or isang taon Eric. Alam mo naman estado ng buhay namin !"

Kinakabahang sabi ko. He smirked at me tsaka namulsa.

" What ? Isang taon na lumipas Crystal at 5,000 palang yong naibigay mo sa akin !"

Inis niyang sabi. Napangiwi naman ako sa paghawak sa akin ng mga kaibigan niya. Ang higpit.

" E-eric, alam mo namang nawalan ako ng sideline diba ? Atsaka di kami kasing yaman mo na mabibigay ng buo yong pera sa tamang oras at araw eh. "

Inilapit niya naman yong mukha niya sa may tenga saka bumulong.

" Isang buwan Crystal kapag hindi ka nakapag bayad magiging alalay kita at di ko ipapangako na hindi kita papahiyain at papahirapan !"

Napalunok naman ako ng wla sa oras atsaka napayuko nalang. Napaayos naman ako ng tayo nong binitawan ako ng mga kaibigan niya. He lifted my chin up kaya napatitig ako sa mga mata niya.

" Nagka-kaintindihan ba tayo Crystal ? Kung di ka makakapag-bayad dadamayin ko pamilya mo !"

Tumango nalang ako at umalis na sila. Agad nanginig yong tuhod ko na parang matutumba ako pero mabuti nalang dahil nahawakan ako ng kung sino mula sa likuran ko. Napalingon ako at nakita ko si Tres na hawak ako at yong mga kasama niyang nakatingin sa akin.

" Are you okay Crystal ?"

Takang tanong ni Anthony na ikina tango ko at ngiti. Umakto akong okay at hyper sa harap nila.

" Nga pala, saan ba kaayo pupunta ? Sama niyo na ako total di rin ako nakaabot eh "

Masiglang sabi ko. Sa totoo lang ayaw ko ng pumasok sa huling subject ko. Nandoon rin yong bully na Eric,tsk.

" Sure ka ? Ano kasi mamimili kami ng gamit namin atsaka gala na rin "

Na excite naman ako sa sinabi ni Keith. Talaga ? Gagala sila ?

" Sama ako ! "

Sabi ko na ikina ngiti nila except don sa masungit na lalaki. Inakbayan naman ako ni Anthony na ikinagulat ko.

" Tara. Igala mo narin kami !"

" Let's go !"

----

Nandito kami ngayon sa bilihan ng damit. Naka-upo lang ako dito sa isang sulok habang sila ay namimili ng damit nila.

" Dalawa lang yong napili kong maganda "

" Okay na ba ito ?"

"Gwapo naman siguro ako kahit ganito damit ko diba ?"

"Mukhang hindi na bro "

" Tsk. Bilisan niyo nalang sa pagpili jan, babae pinag-aantay niyo"

Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Travis. Napatingin naman ang mga kaibigan niya sa akin at balik sa kanya at napailing ang mga ito.

" Take your time guys, okay lang tsaka baka may makalimutan kayo kaya chill "

Nakangiti kong sabi. Masadabi kong nahihirapan sila sa pagpili ng mga damit nila. Halatang may kaya kasi sila at masasabi kong di sila sanay sa mga ganyang klase ng damit, di branded at di masyadong maganda kompara sa mga suot nila ngayon.

Sana nga lang di sila mangati sa klase ng tela. Maya-maya pa ay dinala na nila sa cashier yong bibilhin nila. Napailing nalang ako sa mga taong grabe makatingin sa kanila,lalo na ang mga babae na pasimpleng kinukunan sila ng litrato at halatang kinikilig.

Yong mga kagaya kasi nila eh, di masyadong nakikita rito sa amin kaya kung makakita sila ng ganyang beauty, sure na pagkakagulohan ka.

---

"Gutom na ako "

Rinig namin na reklamo ni Ethan sa amin. Pati ako nagugutom na dahil gabi na rin. Naglalakad na kami ngayon patungong centro. Nasa kabilang bayan kasi kami para mamili ng mga gamit nila.

" Ako rin kumukulo na rin tiyan ko *pout*"

Rinig kong reklamo ni Keith. Ako nga rin eh nagugutom na. Tumigil naman kami sa paglalakad when we saw Travis na tumigil din sa harap namin. Napaka seryoso talaga ng mukha niya. Natigilan naman ako at napaiwas nang mapansin kong nakatingin ito sa akin.

"Dude hanap nalang tayo ng pwedeng kainan rito "

" Better idea Tres! Di rin naman tayo marunong magluto eh !"

" Waah ! Gusto ko ng makatikim ng mga pagkain dito !"

Nakatingin lang ako sa kanila habang may lumilipad na pagkain sa utak nila. Para silang nagpapantasya. Weird nila huh!

" We can't. Baka madumi---"

"Hey! Di naman lahat ng pagkain sa probinsya ay ganon, tsaka dipende yon sa klase ng tao na nagluluto"

Dipensa ko agad. Grabe naman itong Travis na ito. Hmp. Gaano ba siya kayaman ? -_- para sabihin na 'baka madumi' ?

He stared at me kaya napakagat labi nalang ako. Tae! Baka iba ibig niyang sabihin or tama ako ?

" Then take us to the place where foods are delicious "

Na excite naman ako. Seryoso ?

" Talaga ? E-eh, ihawan lang ang paborito kong kainan eh"

Nahihiya kong sabi. Wla naman kasing restaurant dito at mas lalong di afford ng mga taong kagaya ko.

" Ihawan ? Wah ! May isaw ba ?"

Masiglang tanong sa akin ni Keith na ikinatango ko. Pero yong iba parang nagdadalawang isip pa. Parang ayaw ata.

" Isaw ? You mean street food ang kakainin natin ? Walang restau--ah!"

Natigilan ako ng bigla nilang sikohin si Anthony dahilan para mapatigil ito sa sinasabi. Nahihiya naman itong ngumiti sa akin at sinamaan niya ng tingin sina Keith at Ethan.

" Crystal tara don gutom na ako "

" Oo nga. Kj mo naman dude kita mong nasa probinsya tayo naghahanap kapa ng restaurant "

Napakamot nalang ng ulo si Anthony. Ngumiti nalang ako rito. Na bigla ako nong biglang hinawakan ni Tres yong kamay ko at saka ako hinila.

" Saan ba ang daan Crystal ? Tara na gutom na talaga ako !"

"H-huh ? Ah sige. "

Lumingon naman ako sa iba para ayain narin sila. Ewan ko kung anong meron sa mata ko at napatingin ako kay Travis na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kamay namin ni Tres. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay sumeryoso yong mukha niya saka umiwas ng tingin.

Oh, okay ?

" Let's go guys !"

"Yay ! "

"Wala bang bar dito--Aray !"

Napapailing nalang ako sa kakulitan nila sa likod. Napatingin naman si Tres sa akin at kumindat tsaka napa ngisi. Ang gwapo niya pero di ko gets kong anong pinaparating niya.Hawak niya parin ang kamay ko.  Maya-maya pa ay napatigil kami at napalingon sa likod  ng marinig namin silang sumigaw ng..

"Travis ! Hoy uuwi kana ?!"

"Oh, I see"

Napalingon ulit ako kay Tres na ngayon ay naka-ngiti ng matamis habang nakatingin sa kakambal niya. Anong meron ?

----

HAHAHA sino magaling mag ML ? Pabuhat naman, char 😆 Enjoy reading and lemme know your thoughts ♥ 👇

Nakakatamad kapag wlang kausap mga bes, sana okay pa kayo kagaya ko 😂
--Lovelots

TBSW BOOK 2 : SUMMER PARADISE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon