Chapter 24 ~ Guilty and Hesitation

13 13 0
                                    


‘Para saan ang luha ko kahapon?’ Naiinis na natatawa si Priscille sa sarili dahil iniyakan niya ang mga sinabi ni Hezron at nagmukha pa naman siyang teenager na pumasok sa kuwarto niya para magkulong at umiyak. Buti maghapon nasa school si Cecille kaya hindi nakita ang kadramahan ng kanyang Ina.

“No I think, we really need to stop this,” mahinahon na suhestiyon ni Priscille habang kaharap at kausap si Hezron sa sala.

Napaaga ang punta nito sa bahay niya para raw makausap siya ng masinsinan, hindi ito pumasok sa trabaho dahil mukhang galing rin sa iyak, mugto ang mga mata pero guwapo pa rin sa paningin ni Priscille. Kaaalis lang din ni Cecille papunta sa school kasama ang tagapangalaga nito kaya hindi na nadatnan ni Hezron. Nababaliw na ba siya? Kahapon lang ang lakas ng loob niyang sabihing ‘Goodbyes' tapos ngayon nandito na naman siya? Taas ang kilay ni Priscille habang pinagmamasdan ang kaharap, hindi niya tuloy alam kung magagalit siya o tatawanan na lang ang sitwasyon nila.

“May nasabi ba akong mali kahapon?” kunot-noong tanong ni Hezron. Hindi naman agad nakaimik si Priscille mas kunot-noo ito dahil sa tanong ni Hezron. Lasing ba talaga siya kahapon? Mukhang matino naman ito kausap kahapon e’ iyon nga lang amoy alak talaga ito ng halikan siya. Bakit hindi niya maalala ang mga pinagsasabi?

“Hiwalay na kami ni Rexcine. Halos isang buwan na, kaya huwag mong isipin na kapag hindi ako nagpaparamdam saiyo ay nasa tabi niya ako,” giit ni Hezron na mas lalong nagpakunot-noo kay Priscille. Well, tama naman ang nasa isip niya na iisipin talaga iyon ni Priscille.

“Itigil na rin natin ’to,” giit ni Priscille.

Gulat si Hezron sa sinabi nito at kitang-kita ni Priscille ang pagkadismaya nito at bagsak ang mga balikat ni Hezron na halos hindi makatingin ng diritso kay Priscille. Inaalala niya pa rin kung may nasabi siya kahapon, nakainom kase siya bago pumunta kay Priscille kaya hindi niya matandaan kung anong pinagsasabi niya. He is feeling guilt toward his cousin, napapansin niya kase ito na palagi na lang tulala tuwing galing ng trabaho. Ayaw niya naman tanungin dahil alam niya na isa siya sa dahilan kaya nangyayari iyon kay Tyron kaya uminom siya sa kung saan kasama ang mga katrabaho niya, actually halos ilang linggo na siyang umuuwing lasing at hindi naman siya pinapakialaman ni Tyron.

“Let me hug you. Last? This is the last,” parang batang pakiusap ni Hezron, at umiling-iling naman si Priscille dahil kilala niya ang sarili niya kapag niyayakap ni Hezron. ‘Really? Mukhang defensive sa una nang sabihin na hindi si Rexcine ang katabi niya kapag hindi nagpaparamdam sa kanya tapos ngayon wala siyang balak na kontrahin ang sinabi niyang itigil na rin?’

“Hindi na kailangan ang last hug,” matigas na tanggi ni Priscille.

“Ayaw mo? Last na lang,” ulit pa ni Hezron na dahan-dahan ng lumapit kay Priscille habang nakaupo ito sa mahabang sofa. Ang gulo niya kausap kahapon pa, bakit may hindi tama sa mga pinagsasabi niya? Natatakot ba siya? Hindi niya kayang panindigan ang nangyari? Hindi kaya ng isip niya? O natatakot lang siya sa mga magiging desisiyon?

“If we continue this. If we make it happen again now. Hindi ka na makakabitaw sa akin,” warning ni Priscille. “A mistake repeated more than once is a decision,” dagdag ni Priscille habang nakatitig kay Hezron na hindi mapakali ang titig, sinusubukan ring basahin ang nasa isip ni Priscille.

Kilala ni Priscille ang sarili niya, medyo malalim na ang puwang ni Hezron sa puso niya kaya nag-aalala rin siya sa puwede pang hantungan ng pagkikita nila ngayong araw. Kung kahapon kontrolado ni Hezron ang sitwasyon, hindi na siya sigurado ngayon. Wala pa naman siyang tulog, kakauwi niya lang galing hospital dahil night shift pa rin siya kaya medyo inaantok na at lutang pa dahil sa mga kadramahan ni Hezron.

Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now