Rated SPG 🔞
After one year.
Ang pamilya ay pamilya. Kahit ano pang hidwaan ang mangyari o kahit ano pang sitwasyon ay sa bandang huli pamilya mo pa rin sila at hahanap-hanapin mo kapag humupa na ang unos at tumahimik na ang alon.
Pagkatapos ng pamamanhikan ni Hezron ng araw na iyon ay naging maayos na ang sitwasyon nila Priscille at ng mga magulang niya. Bumalik na sa normal ang lahat; dalawang beses na ring pinuntahan sila sa Tarlac ng mga magulang niya at kinukumbinsi na bumalik na ng Maynila upang doon na manirahan kasu ayaw iwanan nila Priscille at Hezron ang probinsiya kung saan sila nagkita.
Si Onyx naman ay may sarili ng pamilya ngunit tuwing sabado ay hinihiram niya si Cecille upang makasama naman niya at pinupunuan ang pagiging Ama. Unti-unti na ring nauunawaan ni Cecille ang sitwasyon nilang mag-Ina at ng totoong Ama niya.
Hindi na rin nagpaawat si Tyron. May ipinakilala na rin itong girlfriend ng minsang dalawin niya si Cecille at isinama niya pa ito para makilala raw ang best friend niya at pinsang si Hezron. Kasamahan niya rin naman ito sa trabaho at isa ring Engineer. Si Keira Madrid, anim na buwan na silang magkarelasyon ngunit wala pa namang balak lumagay sa tahimik.
Hezron was the most luckiest man in the world that day in Elano’s Residence at Pasig during his ‘Pamamanhikan’ to Priscille. Without a second thought her parents gives permission to Hezron and Priscille. They promised not to interfere a life of their daughter ever again. Naging masaya ang lahat nang araw na iyon at nawala na ang bigat na nararamdaman ni Priscille.
At lumipas na ang isang taong pagtitiis ng binata. Dahil humingi si Priscille ng isang taon para paghandaan ang paglagay nila sa tahimik, hindi naman nila kailangang magmadali ng mga oras na iyon dahil maayos na naman ang lahat-lahat at marami pa silang inuna bago ang pagpapakasal nila. Hindi rin muna sila nagsama dahil iniisip nila ang kapakanan ni Cecille. Dahan-dahan nilang ipinapaliwnag sa bata ang sitwasyon nila ng halos isang taon at tuluyan na ring naiintindihan nito ang lahat dahil matalino naman siyang bata.
Hezron was excited to going home. Weekend ngayon kaya sinundo rin ni Onyx si Cecille para ipasyal sa kung saan. Hezron hurriedly entered in a balcony of their new house then he saw a woman from inside seating in a wooden chair while holding a paint brush firmly. She’s painting something interesting but seems his more than a paint. She noticed his presence as soon as he sat in wooden bench outside.
‘Sarap sa pakiramdam na bigla na lang siya susulpot sa bahay para lang makasama ako. Hindi na siya kumatok, diritso na siya sa sala at tiningnan ako. Omg! He is super hot! Sinong hindi kikiligin sa guwapo niyang mukha? Tapos pinagpapawisan pa dahil nagjogging siya papunta sa bahay,’ kinikilig ang isip ni Priscille.
They stared each other within hidden emotions. “How cute that puppy, saan galing ’to?” a man diverting his feelings but deep inside he wants to approach her, grab her and kiss her passionately.
“Uhh I bought from a pet shop yesterday,” she replied while putting down her eye glasses and paint brush. Biglang huminto ang oras at kakaibang pakiramdam ang nadama ni Priscille dahil sa presence ng binata; ng boyfriend niya, kahit pa magkunwari siya na hindi siya apektado ay useless din. Hindi niya makontrol ang sarili na hindi titigan ang binata na komportableng nakatayo sa loob ng bahay nila. Napahaplos ng mukha si Priscille gamit ang mga palad niyang may mangilan-ngilang bahid ng pintura. Nang-iinit na rin ang magkabilaang pisngi.
“Almusal ka muna.” Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo ng tuluyang lumapit si Hezron sa kinaroroonan niya. Walang imik ang lalaki na sumunod sa kusina, pumuwesto sa upuan at pinagmamasdan lang si Priscille habang nagtitimpla ng kape.
YOU ARE READING
Courage To Let Go( Completed )
RomanceHezron and Tyron Casimir were inseparable cousins, but when Tyron's best friend Priscille Elano, a pregnant woman abandoned by her coward boyfriend, entered their lives, things took an unexpected turn. While Tyron selflessly offered to take care of...