Chapter 23 ~ Cause Of Guilt

51 33 2
                                    



Hurting someone is necessary but nothing to be proud of, you can't be happy by making somebody cries because it is your loss too. Hindi lang naman siya ang nawalan, ikaw rin. Dahil minahal mo rin naman siya kaya lang hanggang doon lang ang tadhana para sainyo kaya kahit masakit ay kailangang tanggapin na may masasaktan kapag nagpakatotoo sa sarili. Hezron trying to untangle his thoughts, he try to control his feelings and focus to his job but seems he can’t do this anymore.

After a month after the confrontation between him and his Kuya Tyron. And after breaking up with Priscille halos isang buwang pinag-isipan ni Hezron ang dapat niyang gawin at isang buwan rin siyang nagtiis na hindi makita ang taong pinakamamahal niya, para na siyang baliw na pilit pinipigilan ang sarili ngunit hanggang isang buwan lang pala iyon. Hindi niya na kakayanin pa kung tuluyan na siyang iiwas kay Priscille, hindi rin siya sumasagot sa mga tawag nito at hindi rin siya nag-oonline sa messenger.

Totoong gusto ni Hezron na iwasan si Priscille para sa kuya niya at umaasa pa rin na makakaya niyang kalimutan ito ngunit natagpuan na lang niya ang sarili na nasa harapan na ni Priscille at labis na pagkasabik ang nararamdaman niya ngunit ang malungkot na mga mata ng Kuya Tyron niya ang kanyang naalala kaya paano siya magiging masaya kung alam niyang may mga taong nasasaktan dahil sa kanya? At hindi pa rin maalis sa isipan niya ang pag-iyak ni Rexcine sa harapan niya pero wala siyang magawa dahil si Priscille ang hinahanap-hanap ng puso niya.

“Not busy? No work?” gulat man si Priscille dahil sa biglaang pagpunta ni Hezron sa bahay niya ng walang pasabi ay hindi siya nagpahalata na nagtatampo siya at maraming gustong itanong. Hindi niya inaasahang magpapakita na ito sa kanya makalipas ang isang buwan. Akala nga ni Priscille ay tuluyan na ring lumayo si Hezron dahil kay Tyron o kaya busy lang sa trabaho minsan rin naiisip niyang si Rexcine ang dahilan kaya hindi na ito nagparamdam sa kanya.

Tanghaling tapat kaya gising si Priscille para mananghalian. Night shift pa rin ang schedule niya kaya matutulog pa siya after lunch. Pansin rin ni Priscille na umiwas si Hezron sa kanya at halos hindi na nga ito pumupunta sa bahay niya, gusto niya sanang puntahan sa apartment kaso nahihiya kay Tyron dahil hindi pa ito nakakalipat sa ibang lugar dahil tinatapos pa ang project na nasimulan nang nakaraang buwan lang. Ayaw rin ni Priscille na tanungin si Hezron kung bakit bigla na lang hindi nagparamdam sa kanya. Hinayaan niya lang ito sa gustong sabihin at gawin dahil alam naman niya na sobrang hirap rin ito sa sitwasyon nila.

“Half day lang kami ngayon at hindi ka maalis sa isip ko kaya tumuloy na ako rito, mukhang hindi ko na kakayanin pa kapag hindi pa kita nakita ngayong araw,” saad ni Hezron. Hindi umimik si Priscille, hahayaan niyang magkuwento si Hezron ng mga nilalaman ng isipan nito. Ngunit kalahating oras pa ang lumipas ay tahimik na lang ito hanggang sa niyaya siya ni Priscille ng pananghalian ay wala pa rin itong imik at maya-maya pa ay nagpapaalam na.

Pero bago siya umalis. He hugged her tight and kiss her lips and savour every seconds like he don’t want to waste that moment. A kiss that never last but it gives so much comfort in their heart. They are happy yet hesitating dahil alam nilang may mga tao na nasasaktan ng lubos nang dahil sa kanila. They need to choose para sa ikakatahimik ng lahat. Kailangan nilang mamili dahil iyon ang dapat na gawin.

“Para saan ’yon?” pagtatakang tanong ni Priscille, kakaiba ang mga halik na iyon ni Hezron. A kiss that full of love and pain. Siguro dahil sobrang miss lang nila ang isa't-isa kaya ganoon kainit ang mga halik nila at umaasa si Priscille na hindi lang halik at yakap ang mangyayari ngunit kontrolado ni Hezron ang emosyon nito at sitwasyon nila.

Lumayo ng bahagya si Hezron bago sinagot ang tanong ni Priscille, “Goodbyes,” he replied emotionless.

“What kind of goodbye?!” paasik na tanong ni Priscille na biglang nanghina pa ang tuhod dahil sa sagot ni Hezron pero hindi naman ito natinag sa kinatatayuan. Halos isang buwan siyang nawala tapos babalik sa bahay niya para magpaalam? Nababaliw na ba siya? Siguro tama ang nasa isip niya kanina na si Rexcine ang dahilan kaya iniiwasan siya ni Hezron ngunit para saan pa ang mga halik at yakap na iyon?

“This is the last,” nagtataka man si Priscille sa mga pinagsasabi ni Hezron pero nananatili pa rin siyang kalmado. Hindi niya alam kung seryoso ito sa mga binibitiwang salita dahil kanina lang sinasabi nito na hindi na makakaya pa kapag hindi pa siya nakita ngayong araw tapos ngayon iba ang kinikilos nito.

“Kaya ba?” pinatulan na ni Priscille ang pag-eemote ni Hezron. Baka ito ang dahilan kaya halos isang buwang hindi nagpakita sa kanya? Balak niya bang hindi ituloy ang nasimulan na nila?

“Kaya ko,” tugon nito. Yabang niya a’ para namang si Priscille lang ang may gusto ng lahat na nangyari.

May balak siyang hindi ipagpatuloy ang namamagitan sa kanila? Plano niyang isuko siya para kay Tyron? O para kay Rexcine? Hindi alam ni Priscille ang isasagot pa kay Hezron. Walang emosyon ang mukha nito na nakatuon sa malayo. “Baka hindi ko kayanin. Malalim na,” saad ni Priscille na nagpatahimik sa kanilang dalawa. Unang beses na narinig ni Hezron iyon. Ibig sabihin pareho na ang nararamdaman nilang dalawa?

Malungkot rin ang mga mata ni Hezron na tinitigan si Priscille ngunit litong-lito ang isipan niya. Tama ba na ipagpatuloy pa? Hezron's feelings for her only grew stronger, despite his guilt and inner turmoil. He tried to push his feelings aside, knowing that it would betray his cousin Tyron, who had been nothing but supportive and caring towards Priscille.

“That was a mistakes but I enjoyed. That was a sin but I’m contented,” saad ni Priscille at humugot pa ng malalim na hininga sabay buga na parang kumukuha lang ng lakas para sabihin pa ang mga susunod na salita. Siguro iyon ang ikakatahimik ni Hezron kaya ibibigay niya. Sino siya para pigilan ito sa nais na mangyari?

“Don’t worry kakalimutan kita. Kakalimutan kita. Okay. Sana maging masaya ka sa naging desisyon mo,” dagdag pa ni Priscille na hindi pinapahalata na nasasaktan na siya dahil sa mga naririnig niya. Hindi na nakapagsalita si Hezron dahil mukhang seryoso rin ang kausap na suportahan siya sa magiging desisiyon niya.

“You played well and yes, you won! and I’m the loser in this game,” walang alinlangang sambit pa ni Priscille. Halos maiyak siya sa mga sinasabi niya, hindi niya alam ang dahilan kung bakit bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin.

Why he become cold? May nagawa ba siyang mali? Halos hindi na rin ito pumunta sa kanya simula ng mapang-abot sila ni Onyx. Hezron was trying to reject her? He is ignoring her? Is he really toying her from the very beginning? ‘Stupid! Priscille,’ she sighed heavily and suddenly bursting into tears. ‘You trusted him yet he is ignoring your presence.’

Lutang ang isip ni Priscille pagkaalis ni Hezron ng hapon na iyon, hindi niya expected na sasabihin sa kanya nito ang mga katagang iyon. Siguro naguguluhan lang si Hezron sa mga pangyayari kaya hindi rin makapag-isip ng maayos at alam niyang nasasaktan ang Kuya Tyron niya sa ginawa nila at hanggang ngayon ay halata naman na guilty pa rin ito kaya siguro susubukan nitong lumayo sa kanya? Pero puwede naman siyang kakausapin ng matino e’ hindi ’yomg pahalik-halik at payakap-yakap pa siya tapos sasabihin na hindi na kakayanin pa kapag hindi pa siya nakita? Minsan talaga magulo kausap ang mga bata. Natawa na lang si Priscille sa naiisip, imbes na magalit siya kay Hezron ay nag-aalala pa tuloy siya sa mga kilos nitong ipinakita sa kanya.

Pero wala namang nagawa si Priscille kundi ang pag-isipan ang mga sinabi ni Hezron, alam niyang siya rin ang makakapagdesisyon ng para sa kanilang dalawa dahil mas matured siya kaya kailangan niya ring isipin ang mas makakabuti para sa sitwasyon nilang tatlo at alam niya rin na magkakalamat ang relasyon ng magpinsan kapag pinagpatuloy pa nila ang relasyon nila ni Hezron kahit pa naiintindihan sila ni Tyron ay alam ni Priscille na hanggang ngayon masakit pa rin para sa best friend niya ang nangyari.

Pero anong magagawa ni Priscille? Alangan namang diktahan niya ang sarili at pigilan na huwag magkagusto kay Hezron na hanggang ngayon nga ay hindi niya alam kung bakit tumibok ang puso niya sa lalaking iyon? Bakit nakuha nito ang atensyon niya sa maiksing panahon lang? Wala naman itong ginawa kundi ang mag-alala lang sa kalagayan niya at magpakatotoo ng nararamdaman para sa kanilang mag-ina.

Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now