Chapter 19 ~ Feeling Betrayed

42 40 0
                                    





Hilam sa luha ang mga mata ni Tyron habang pauwi sa kanyang apartment. That was it all about. Actually he noticed it from the start, napapansin niya ang mga titig ni Hezron kay Priscille sa simula pa lang pero ayaw niya lang bigyan ito ng pansin dahil alam naman ni Hezron na mahal niya si Priscille. At mayroon naman itong girlfriend na matagal ng iniiyakan, si Rexcine. Alam ni Hezron na mahal niya ang bestfriend niya pero bakit nagawa siyang traydurin ng pinsan niya? Sinasadya niya ba lahat ng pangyayari?

Mabigat ang mga paa niyang ihinakbang palayo sa locker room kung saan nakita niyang magkayakap sila Priscille at Hezron. Akala niya ay hanggang sa yakap lang ang makikita niya dahil napansin naman ni Tyron na natatakot si Priscille at baka tinawagan nito si Hezron dahil nahihiya sa kanya. Ilang beses na rin kase tinanggihan ni Priscille ang mga offer niyang paghatid-sundo sa kanilang mag-ina.

Now, he finally discovered the reason why Priscille slowly avoiding him at halos hindi na rin siya nito kinakausap. Mali ang hinala niya na dahil sa pagbabalik ni Onyx kaya siya nito iniiwasan, si Hezron pala ang dahilan ng lahat. Bakit ngayon niya lang narealize ang lahat-lahat? Priscille was a pretty woman kaya hindi niya ito masisi na marami ang magkagusto pero kung si Hezron. Paano niya nagawa ang lihim siya nitong traydurin?

“Damn it!” Hinahampas niya ang manibela habang binabaybay ang kalsada pauwi sa apartment niya. Ilang ulit nagflashback sa isipan niya ang mahihigpit na yakap at halikan ng dalawa. That’s not a game, that’s not an acting para pagselosin siya. Tyron feels the genuine love between his bestfriend and his youngest cousin.

Hindi niya kinakaya ang sakit ng dibdib at bigat ng pakiramdam na parang bumagsak sa kanya ang mundo. Ihininto niya ang kotse sa tabi ng kalsada at doon pinakawalan ang naninikip na dibdib. He is feeling betrayed by both of them. Isang sigaw ang pinakawalan niya sa madilim at malungkot na gabi na tanging sarili niya lang din ang makakarinig dahil walang katao-tao sa lugar na iyon.

“Damn it! Fucking asshole!” Lumabas pa siya ng sasakyan at sinisipa ang gulong nito. Hindi alam ni Tyron kung saan kukuha ng lakas-loob para harapin ang pighati ng puso niya. “I love her! I love her so much!” sigaw at palayaw na iyak ang ginagawa niya. “I love her! More than my life!” he is sobbing and his heart throbbing painfully like he’s going to die.

“I love my best friend, I love my daughter...” umiiyak pa rin siya sa labis na pagkadismaya para kay Priscille. He gave his life for her. He gave his everything for her pero bakit parang hindi pa sapat ang lahat? Kulang pa ba ang mga ibinigay niyang oras at atensyon sa kanya? Bakit parang hindi man lang nito nakita ang kanyang mga effort at sakripisyo?

“No. Calm down, Tyron,” pag-aalo sa sarili. Priscille was a kind woman. She never asked anything. He gave her heart voluntarily. She’s an innocent woman. Hezron played her heart. Hezron was a playboy. He planned it all. Kasalanan niya kung bakit nahulog sa kanya si Priscille, sa tuwing wala siya ay pumupunta ito sa bahay ni Priscille, sinasamantala nito ang kahinaan ng bestfriend niya.

“Hezron was evil! Pagbabayaran niya ang lahat ng ito!” sigaw ni Tyron habang pabagsak na isinara ang kotse at marahas na pinaandar ang sasakyan.

“How to confront them?” kinakausap ni Tyron ang sarili. Kagabi pa siya walang tulog. Hindi umuwi si Hezron kaya halos ikamatay niya ang pag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa kanilang dalawa. Wala naman siyang karapatan para ipagdamot si Priscille dahil hindi naman naging sila. Wala silang relasyon ni Priscille kaya paano siya magdedemand ng explanation galing sa kanilang dalawa? Tyron wants to confront them pero baka magmukha lang siyang tanga.

“I’m so worried, Priscille. Hindi mo man lang sinagot ang mga tawag ko kagabi,” tanging nasambit ni Tyron ng pagbuksan siya ni Priscille ng gate ng umagang iyon. Pinuntahan ni Tyron ito sa bahay para sana komprontahin dahil sa nakita niya kagabi pero hindi niya magawang awayin ang best friend niya.

“Someone tailing me, then I texted Hezron,” pagsusumbong ni Priscille habang isinasara ang gate at saka sila sabay na naglakad papasok sa bahay ni Priscille.

“Where is Hezron?” tanong ni Tyron. Gusto niya agad malaman kung dito ba natulog sa bahay niya para hindi na siya magulat kung sakali man na makita niya ito sa loob ng bahay ni Priscille.

“Hinintay niya ako hanggang matapos ang shift ko tapos ihinatid ako rito. Kaaalis niya lang din, hindi kayo nagkita? May exam raw siya ngayon. Nakitulog siya doon sa guard house,” paliwanag ni Priscille at nakahinga naman ng maluwag si Tyron. So, walang nangyari kagabi after he left in hospital.

“Okay. Si Cecille?” pag-iiba ng topic ni Tyron.

“Nasa kusina. Almusal pa lang, may pasok siya ngayon,” sagot ni Priscille.

“Ako na maghahatid, magpahinga ka na muna,” Tyron trying to offer his help again for his bestfriend.

“Baka nakakaabala na ako sa’yo?” nahihiyang tanong ni Priscille.

“No. It’s okay. Sinabi sa akin ni Hezron na nagpakita na raw ulit si Onyx?” napahinto si Priscille sa paglalakad dahil sa tanong ni Tyron. Pumihit siya paharap dito at nagtatanong ang mga mata. Wala bang ibang nabanggit si Hezron? Kung paano sila nagkita ni Onyx? Pinakiramdaman ni Priscille ang kaharap ngunit wala naman siyang kakaibang nararamdaman.

“Pumunta siya rito sa bahay at pinalayas ko siya,” saad ni Priscille at tumango-tango lang si Tyron.

“Nagkausap na kayo?” tanong ni Tyron.

“He’s trying to explain himself pero hindi ko pinakinggan at wala akong balak na pakinggan siya. Matagal na siyang wala sa buhay ko at wala na siyang puwang sa aming mag-ina,” mahabang saysay ni Priscille.

***

Hindi alam ni Tyron kung tatakbo o magtatago siya sa kung saan dahil may isang pamilyar na imahe ang palapit sa kanya. Hindi niya mabasa ang emosyon nito kaya medyo kinabahan siya ng kaunti. It was Onyx; and ex ng bestfriend niya na ngayon ay mahal na mahal niya at iniiyakan pa.

“How are you dude?” kalmang bati ni Tyron sa dumating at nginitian naman siya nito at nakipagkamay pa.

“Not okay. Kumusta na ba? Wala pa ring asawa? Girlfriend?” curious na tanong ni Onyx at hindi naman nagpahalata si Tyron na kakaiba ang pakiramdam niya.

“Wala e’ palagi kaseng busy sa trabaho,” sagot ni Tyron.

“How about you? Balita ko nga nagkita raw kayo ni Priscille? Kumusta ang status? Bakit kase bigla ka na lang nawala, pare. Alam mo bang halos mabaliw si Priscille kakahintay sa’yo.” Nahiya si Tyron ng kaunti sa mga tanong niya pero kahit siya rin naman ay curious kung bakit nawala si Onyx, dapat nga galit na galit siya sa lalaking ito e’ kaso mukhang guilty rin siya ng umalis ito dahil minahal niya si Priscille at nagkakamabutihan sila. Kung hindi lang nakisawsaw si Hezron ay baka dumating si Onyx na nagsasama na sila Priscille.

“I’m sorry for that bro. Alam kung sobrang mali ng naging desisyon ko sa buhay na iwanan ang mag-ina ko pero ayoko rin kase na magsisi habangbuhay kaya sinunod ko ang sinabi ng mga magulang ni Priscille na mag-aral ako ng med school--”

“Ano?! Nag-aral ka ng med? What are you trying to do? May natapos ka na naman a’ may trabaho ka na bakit hindi mo man lang pinaalam kay Priscille ang balak mong gawin?” hindi alam ni Tyron kung magagalit siya o maawa kay Onyx.

“I love her, alam mo ’yan at ayoko na magalit sa akin ng tuluyan ang mga magulang niya kaya nag-aral akong nursing, nagfocus ako para makapagtapos ako agad. Alam mo bang tinapos ko yon ng 3and a half year lang dahil gustong-gusto ko ng bumalik sa mag-ina ko.”

“You’re stupid bro. Alam mo naman na tanggap ka ni Priscille at proud siya sa’yo. Bakit hindi mo pinahalagahan ang nararamdaman niya. Dapat nag-consult ka muna sa kanya bago ka gumawa ng hakbang para sa sarili mo o para sa mag-ina mo,” saad ni Tyron na medyo naiinis sa kausap dahil hindi man lang ginamit ang utak.

“I know I’m so stupid! Matagal ko ng tinanggap ’yan at mas lalong napatunayan ko na stupid ako ng marealize ko na wala na pala akong Priscille na babalikan. May mahal na siyang iba at alam kong masaya siya sa lalaking iyon. Kaya hindi ko rin siya masisisi na tumanggap siya ng iba dahil basta ko na lang siya iniwan sa ere,” mahabang saysay ni Onyx.

Gusto sanang mag-react ni Tyron sa huling sinabi ni Onyx ngunit bigla siyang namanhid sa narinig. Hindi niya alam kung anong reaction ang gagawin niya dahil baka mahalata ni Onyx na minahal niya ang bestfriend niya.



Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now