Chapter 21 ~ Let Her Go Again

47 34 2
                                    




Nang biglang naglaho si Onyx Miranda sa buhay ni Priscille ay galit ang naramdaman ni Tyron dahil umalis ito ng walang paalam. Iniwan ang best friend niyang buntis at mag-isa. He loves her best friend kaya mas masakit para sa kanya ang makitang malungkot at nag-iisang lumalaban ito sa buhay.

Then time flies at nakikita niya na rin naman na okay na si Priscille ay nagkaroon siya ng pag-asa para ipagpatuloy ang naudlot na nararamdaman niya simula pa high school sila. Gagawin niya ang lahat para kay Priscille, hinding-hindi niya ito iiwan katulad ng ginawa ni Onyx. At ngayon akala niya nang umalis si Onyx ay matututuhan siyang mahalin ni Priscille at akala niya ay tatanggapin nito balang araw ang nararamdaman niya, akala niya okay lang sila, akala niya may puwang na siya sa puso ni Priscille pero nagkakamali siya, dahil sa umpisa pa lang naman ay alam niya na ang lugar niya sa buhay ni Priscille ngunit masiyado lang siyang assuming na may gusto rin ito sa kanya pero wala naman pala. That was all about a friendship love.

Kahit masakit para sa kanya ang kinahinatnan nilang dalawa ay kailangan niya pa ring isantabi ang nararamdaman niya dahil ayaw niya pa ring masira ang pagkakaibigan nila ni Priscille. Halos buong oras niya ay inilaan para sa mag-ina, ibinuhos niya ang atensyon kay Cecille at siguraduhing okay lang ang mag-ina, hindi puwedeng magtatapos lang sa hindi pagkakaunawaan dahil hindi naman siya pinilit ni Priscille na manatili sa tabi nilang mag-ina.

Kusang loob niyang ibinigay ang pagmamahal at atensyon niya kaya walang may kasalanan kung anuman ang naging sitwasyon nila ngayon. Tyron was a good person and a good man. Marunong siyang tumanggap ng pagkatalo at hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. Kahit noon pa man ay suportado niya si Priscille sa buhay na pinili nito. He loves her and he allow her to choose her life and happiness. Tyron willingly gave the unconditional love for her bestfriend.

“Tuloy ka,” sinalubong ni Priscille si Tyron kinaumagahan, tumawag naman ito bago pumunta sa bahay niya dahil gusto raw makita si Cecille pero ramdam naman ni Priscille na may ibang sadya ito.

“Si Cecille?” tanong ni Tyron dahil himalang hindi siya sinalubong ng bata, nakatanaw pa siya sa balkonahe ngunit wala ito. Bigla tuloy kumirot ang puso niya, nakakalungkot na mababago ang sitwasyon nila simula sa araw na ito.

“Hindi na ako tutuloy, may gusto lang akong itanong,” mahinahon na sambit ni Tyron habang nakatingin kay Priscille na halatang hindi mapakali sa sinabi niya.

“Sige, anong gusto mong itanong?” lunok-laway si Priscille dahil may hinala na siya sa nais malaman ni Tyron at hindi niya alam kung makakaya niya bang sagutin ang mga tanong nito.

“Minahal mo ba ako, Priscille?” diritsong tanong ni Tyron sa best friend niya na hindi agad nakasagot sa tanong niya, napayuko ito at napaluha. ‘Sabi na nga ba’ sa isip ni Priscille.

Biglang bumagsak ang mundo sa balikat niya, sobrang aga naman ng tanong na iyon, hindi niya maitago ang tunay na nararamdaman para sa kaibigan. Nanggigilid ang mga luha niya habang unti-unting iniaangat ang mukha niya at tinitigan si Tyron ng may pag-aalala. Matagal niya ng nararamdaman ang ipinapahiwatig ni Tyron at gusto niya rin naman ito ngunit hindi niya makita ang sarili sa hinaharap na si Tyron ang katabi hanggang sa pagtanda.

“Sorry.” Laglag ang balikat ni Priscille ng sabihin niya ang mga katagang iyon. “Sobrang marami ang utang na loob ko sa’yo, hindi ko alam kung paano kita susuklian, nahihiya ako saiyo--”

“Tama na,” putol ni Tyron sa sasabihin pa ni Priscille. Garagal ang boses nito at paiyak na dahil naaawa siya sa kaibigan. Sobrang bait at mabuting tao si Tyron ngunit hindi niya magawang ibigay ang buong puso niya para rito. Masaya siya kapag magkakasama silang tatlo nila Cecille at nag-eenjoy siya sa presensya nito ngunit hanggang doon lang iyon.

Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now