Wala pa silang planong umuwi. Masiyado pang napapasarap ang kanilang kuwentuhan at parant sobrang marami pa silang kailangang pag-usapan. They found comfort in each other at mukhang nagkakasundo naman sila.
“Want to order lunch?” tanong ni Hezron kay Priscille dahil oras na para mananghalian wala pq silang balak umalis kaya doon na lqng sila kakain. Hindi puwedeng malipasan ng pagkain ang isang buntis. Makakasama sa nanay at kahit na sa batang nasa loob ng tiyan.
“This is a coffee shop!” natatawang saad ni Priscille.
“Oo naman coffee shop ’to pero sa kanila rin ang restaurant sa tapat. Kaya p’wede tayo mag-order ng pagkain sa kanila,” paliwanag ni Hezron.
“That’s great! Ngayon ko lang ’to nalaman! Kaya pala pareho ang uniform ng mga employee nila,” palatak ni Priscille na gulat rin sa nalaman, nagkaroon tuloy siya ng ideya sa susunod na punta niya rito. Sigurado na babalik at babalik siya sa lugar na ito dahil kahit papaano ay nakakahinga siya at nakakalimutan ang pinagdadaanan.
“Told you,” giit ni Hezron at tinawag ang isang waitress para humingi ng menu book. Naunawaan naman ng huli ang hinihingi niya kaya lumapit agad ito sa kanila para ibigay ang menu. Binuklat naman agad ni Priscille at pumili ng pagkain niya. Ngayong niya lang naramdaman na nagugutom na rin pala siya.
“I want rice, beef steak and soup.” Si Priscille habang tinuturo sa waitress ang order niya. “How about you?” dagdag tanong niya kay Hezron.
“Ganoon na rin sa akin, miss. Thank you,” maiksing saad ni Hezron. Mabilis na umalis ang waitress para kunin ang pagkain nila at sumunod naman si Hezron para bayaran sa counter ang order nila. Hindi siya magastos at wala siyang bisyo sa katawan kaya marami siyang ipon sa bangko. Malaki ang savings niya simula first year college dahil hindi naman siya tinitipid ng kanyang ama kahit may iba itong pamilya.
Mag-isa lang siyang anak sa unang asawa ng kanyang ama pero dalawa ang kapatid niya sa mistress ng ama niya. Ang mama niya naman ay nakatagpo na rin ng taong magmamahal at mag-aalaga sa kanya kaya hinayaan niya na lang ito. Nasa Pilipinas ang mama niya pero bihira sila magkita.
Ilang minuto lang sila naghintay para sa lunch, mabilis naman itong naserved sa kanila at walang paligoy-ligoy pa, tahimik silang kumain dahil tanghaling tapat na.
Maya-maya pa ay nagpaalam na si Priscille na uuwi dahil medyo sumama raw ang pakiramdam niya. Wala namang magawa si Hezron kundi ang mag-alala.
“Ihahatid na kita. Wala ka palang dalang service. At kahit may dala kang scooter ay hindi kita papayagang magdrive,” giit ni Hezron nang magpaalam na si Priscille. Hindi na lang tumanggi si Priscille dahil talagang biglang nag-iba ang pakiramdam niya. Nag-aalala rin si Hezron kaya makulit itong nag-offer sa paghatid kay Priscille kahit todo-tanggi ang huli.
“Wear my helmet.” Si Hezron at hinihintay si Priscille na makaangkas. “Ituro mo na lang kung saan ang daan,” utos ni Hezron.
“Diritso lang hanggang dulo ng highway na ito tapos liliko sa kaliwa.” Sabi ni Priscille na parang maduduwal. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng panghihina at pagsusuka samantalang tapos na naman ang paglilihi niya. Siguro hindi gusto ng tiyan niya ang kinain kaninang lunch.
Mabuti na lang nadatnan niya si Hezron sa shop. Bigla tuloy nang-init ang gilid ng kanyang mga mata, naawa na naman siya sa sarili dahil wala siyang kasama at walang nag-aalaga sa kanya sa mga oras na ganito.
Hezron was driving while she’s on tears. She’s crying quietly, hindi puwedeng makita ni Hezron na umiiyak siya baka anong isipin ng binata. Medyo mabigat talaga ang pakiramdam niya at nadagdagan pa ng kanyang emosyon kaya hindi niya na mapigilan ang sarili.
“Hold me tight. Liliko na tayo. Masukal ang daan,” giit ni Hezron. Wala sa sariling napakapit naman ng mahigpit si Priscille habang tumutulo ang maiinit at mapapait na luha mula sa kanyang mga mata. Bakit pakiramdam niya ay bigla na lang siyang nanghina? She feel weak and down. Is it because of Hezron? Is it because someone at her side giving attention and taking care of her?
Ilang minuto pa ang tinakbo ng scooter ni Hezron ng ituro ni Priscille ang daan papunta sa bahay niya. Dahan-dahan na lang si Hezron dahil baku-bako na ang daan.
“Sa gubat ka nakatira?” pagbibiro ni Hezron dahil halos matataas na kahoy ang nadadaanan nila at mangilan-ngilang bahay lang ang nakatirik sa lugar na iyon.
“I love this place. Okay. Diyan na lang sa tapat ng dilaw na gate.” utos ni Priscille at huminto naman ng dahan-dahan si Hezron.
“Pasok ka muna sa loob,” pagyaya ni Priscille habang binubuksan ang kanyang gate. Hindi mapigilan ni Hezron na magmasid sa paligid. Malaking kandado ang nakasabit sa gate na binubuksan ni Priscille at halos napapalibutan ng sementadong bakod ang bahay ni Priscille kaya kahit papaano ay safe siya sa loob. May alaga pa siyang malaking aso na nakabantay sa may gate.
“Hello, Kangchi! Gutom kana agad?” bati ni Priscille sa aso niya na gustong lumabas ng gate. Pero nakatali naman ito kaya safe sa mga taong pumupunta sa bahay niya.
“Cool naman ng pangalan mo,” saad ni Hezron habang nakatayo malapit sa kanyang scooter. “Kumusta pakiramdam mo?” tanong niya kay Priscille na nanatili lang sa tabi ng mataas na gate. Naghihintay siya na sumunod si Hezron sa loob pero nahiya na siyang yayain ito ulit dahil mukhang nahihiyang pumasok.
“Medyo okay na ako. Sobrang init kase roon sa shop hindi na naman kinaya ng katawan ko,” ani Priscille.
“Mabuti naman. Magpahinga ka na muna. Kailangan ko na rin naman umuwi e’ nagchat na kuya ko. Kanina pa raw ako hinihintay,” saad ni Hezron habang may binabasa sa phone.
“I know you’re crying hmmn, nagtext ako sa’yo. Save my number okay? If you’re not feeling well or kung gusto mo kausap. Anytime p’wede naman ako,” saad ni Hezron na medyo nahihiya pero kailangan niyang magpakatotoo sa sarili. Ayaw niyang sayangin ang pagkakataon.
Sobrang gaan sa pakiramdam ng marinig ni Priscille ang mga katagang iyon. Aside from Tyron ay nakahanap siya ng isang taong puwede niyang takbuhan. She try to trust this kid at mukha namang mabait at malinis ang intensiyon sa kanya.
Their friendship blossomed, she couldn’t help but wonder if there was something more between them. Then she want to say thank you but she can’t talk. Masiyado siyang masaya ngayong araw kaya naramdaman niya na lang na humakbang na siya palapit kay Hezron. She hug him tight to show that she is so grateful for having him today. She’s thankful for his presence. Somehow she might forget her difficult situation.
Hindi yumakap pabalik si Hezron pero ramdam ni Priscille na nagulat ito sa ginawa niya kaya hindi nakakilos. This moment on, they discovered an unexpected connection. They shared not only pain but they offered friendship to each other.
They feel overwhelmed to each other, medyo lumalalim na ang kanilang kuwentuhan at alam nila pareho na mauulit ang ganitong sitwasyon. Komportable sila sa bawat isa. They plan to build a good relationship and getting to know more, and their shared pain created an unspoken bond between them.
“Pasok ka na, alis na ako,” sambit ni Hezron ng kumalas si Priscille sa pagkakayakap sa kanya. Priscille was so sweet and showy. Wala na siyang kailangang gawin para kagiliwan ng mga nasa paligid niya pero bakit iniwanan pa rin siya ng lalaking minahal niya at magiging ama sana ng batang nasa sinapupunan nito.
Maraming gustong itanong si Hezron pero alam niya na wala siyang karapatan para alamin ang lahat. Kailangan niyang ilugar ang sarili dahil baka isipin ni Priscille na interesado siya sa buhay nito. Kahit iyon naman talaga ang totoo, gusto niyang pasukin ang buhay ni Priscille hindi dahil mag-isa ito. Mayroong dahilan na nasa pagkatao niya pero kahit siya ay hindi niya maipaliwanag kung bakit gusto niyang kilalanin si Priscille at samahan sa tuwing malungkot ito.
Tahimik muna siya dahil wala pa siyang napapatunayan sa buhay, he is just a kid at sobrang malayo pa ang lalakbayin niya para maabot ang pangarap niya. Hindi siya p’wede magmadali at mas lalong hindi niya rin alam kung anong nasa isip ni Priscille. Kung pareho ba sila ng iniisip at nararamdaman o sadyang kailangan lang nitong kausap dahil malungkot siya sa buhay. Isang taongananatili sa tabi niya sa tuwing nahihirapan siya.
Z
YOU ARE READING
Courage To Let Go( Completed )
RomanceHezron and Tyron Casimir were inseparable cousins, but when Tyron's best friend Priscille Elano, a pregnant woman abandoned by her coward boyfriend, entered their lives, things took an unexpected turn. While Tyron selflessly offered to take care of...