Chapter 22 ~ No Regrets For Choosing Her

47 35 0
                                    


"You are a liar! You are a cheater!" Rexcine can't control her emotions while talking to Hezron in the park. After two days when Tyron asked him about his feelings towards Priscille, si Rexcine naman ang nasa harapan niya at galit na kinokompronta siya. Alam niyang masama ang loob ni Rexcine at masakit ang ginawa niya ngunit marunong itong magdala ng galit at problema. Nakilala niya ito na sobrang mahaba ang pasensiya at nakakaintindi ng mga bagay-bagay ngunit alam ni Hezron na may karapatan na itong malaman kumg ano talaga ang katotohanan. Hindi niya na rin kase naitatago ang nararamdaman kaya ayaw niya na rin na patuloy pang saktan si Rexcine.

"Please.. let me explain," pakiusap ni Hezron na hindi alam ang isasagot sa bintang ni Rexcine dahil totoo naman talaga lahat-lahat. Hindi lang siya handa na iyon pala ang pag-uusapan nila ngayon. Akala niya ay gusto lang siya nitong makasama dahil siya ang unang nagyaya na magkita sila sa park na palagi naman nilang ginagawa tuwing linggo. Akala niya ay normal na araw lang nila ito subalit nagkakamali pala si Hezron.

"Siguro hindi na kailangan ang paliwanag mo dahil mayroon na naman akong ebidensya na siya talaga ang gusto mo. Ay mali, siya naman talaga ang mahal mo sa simula pa lang," saad ni Rexcine na nanlilisik ang mga mata ngunit may bahid kalungkutan ito. Minsan kase ay si Cecille ang topic nila sa tuwing may pagkakataon. Akala ni Hezron ay hindi halata ni Rexcine na sabik siya palagi na makita ang batang iyon.

Hindi na isang hinala ang kanyang nararamdaman dahil kitang-kita ng dalawa niyang mata ang mga pangyayaring hindi niya inaasahan. Noong una hindi man lang siya naghinala sa mga kilos ng boyfriend niyang si Hezron kapag magkakasama sila sa bahay ni Priscille at ayaw niyang pagtuunan ng pansin ang mga maliliit na bagay na napapansin niya ngunit ngayon ay mayroon talaga palang kahulugan ang lahat ng iyon. Ang mga ngiti ni Hezron, ang mga pagdikit kay Priscille at mga pag-aalala ng binata sa mag-ina; lahat pala iyon ay may ibig sabihin na ngayon niya lang lahat napagtanto.

"Nakita ko siyang pumunta sa apartment ninyo at ikaw lang mag-isa doon diba? Medyo matagal siyang nanatili, kaya nagtataka ako kung ano bang pinag-uusapan ninyo. Naghintay akong umalis siya ngunit hindi ko na kinaya kaya ako na ang unang umalis," mahabang saysay ni Rexcine at alam ni Hezron ang tinutukoy ng girlfriend niya kaya hindi siya nakaimik. Naalala niya na may-usapan nga pala sila ng araw na iyon pero hindi na siya kinulit ni Rexcine at sinabi na may ginawa na lang sa bahay kaya hindi nakaalis.

"Anong ginawa n'yo?" tanong ni Rexcine na kahit pilit kinakalma ang sarili ay halata namang nasasaktan ng labis dahil sa hindi inaaming pagkakamali ni Hezron.

"Nag-usap lang kami," maiksing sagot ni Hezron.

"Okay, gusto kong maniwala." Natatawang saad ni Rexcine. "How about that night na hindi ko matawagan ang phone mo magdamag? Where have you been?" tanong ulit ni Rexcine na may panghihinala sa boses at alam ni Hezron na kahit ano pang sabihin niya ay hindi na ito maniniwala sa kanya.

"I'm sorry, hon." Hindi alam ni Hezron kung para saan ang sorry niya dahil sobrang malaking kasalanan ang nagawa niya, sa simula pa lang ay alam niyang mangyayari ito. Akala niya si Rexcine ang pupuno ng pagkatao niya subalit iba ang tinitibok ng kanyang puso.

"Hindi.. hindi iyan ang nais kong marinig. Umaasa pa rin ako na itatanggi mo ang lahat-lahat ngunit nararamdaman kong kakaiba ang kilos mo. Why you pursue me? Akala ko totoo ka kase ilang taon mo ako hinintay hanggat sa maging ready na ako. Pero bakit ganito ang nangyari? Sinayang mo 'yong panahon mo kakahintay sa akin tapos lulukuhin mo lang pala ako sa bandang-huli?" salaysay ni Rexcine.

May punto siya. Lahat ng sinabi niya ay totoo at tagos sa puso ni Hezron. "Sorry, hindi ko alam bakit humantong sa ganito ang nararamdaman ko," sambit ni Hezron.

"Ngayon? Paano na ako? Alam mong ikaw pa lang ang minahal ko, sumugal ako kahit hindi ko pa alam paano makipag-relasyon dahil akala ko magtatagal tayo. Diba sabi mo? Ako ang gusto mong makasama habangbuhay diba? Pinaranas mo sa akin 'yong mga bagay na hindi ko pa nararanasan dahil sobrang pokus lang ako sa pag-aaral noon. Paano na?" saysay ni Rexcine na humihikbi pa habang tumutulo ang mga luha. Awang-awa si Hezron sa girlfriend niya. Oo inaamin niya na nagkamali siya pero totoo naman lahat ng pinakita niya.

Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now