“What do you mean na may mahal si Priscille? Pinakilala sa’yo?” hindi na nakatiis na tanong ni Tyron kay Onyx.
“What? Hindi mo ba alam? Akala ko ba bestfriend kayo? Sa una nga akala ko kayo ni Priscille dahil nakikita ko kayo na laging magkasama sa bayan. Isang buwan na ako rito at nag-iipon lang ng lakas ng loob para lapitan siya kasu huli na pala ang lahat--” pinutol ng isang buntong-hininga ang mga sasabihin pa ni Onyx.
“Masakit, sobrang sakit na makita ko siyang masaya sa piling ng iba pero naiintindihan ko naman lahat ng naging sitwasyon niya at mas mahirap ang naranasan niya na wala ako,” dagdag pa ni Onyx.
Hindi na mapakali si Tyron sa mga nalalaman pa. Gustong-gusto niya ng itanong kay Onyx kung sino ang lalaking iyon at paano niya nasasabi na masaya si Priscille sa kanya.
“She is with someone? You saw her?” nag-aalinlangan na usisa ni Tyron.
“Yes, it was painful. Halos ikadurog ng puso ko ng madatnan ko siya sa bahay na may katabing iba sa kama at ramdam ko ang kaligayahan niya kasama ang lalaking iyon. I think he is younger than us. Wala na akong magagawa, hindi naman nawala ang respito ko sa kanya, nagulat lang ako dahil siya sana ang isu-surprise ko ng gabing iyon ngunit ako ang natulala sa mga narinig ko mula sa kwarto nila,” mahabang salaysay ni Onyx at doon na nabuo ang nasa utak ni Tyron.
Totoo ang hinala niya, totoo ang pakiramdam niya tungkol kila Hezron at Priscille. Huli na rin pala siya, mabagal siyang kumilos kaya naunahan na siya ni Hezron. Halos nadudurog rin ang puso niya sa mga naririnig mula kay Onyx. Pareho silang nasasaktan ngayon dahil sa iisang babae.
“What’s your plan, pare?” kunwaring tanong ni Tyron para baguhin ang mood niya. Nanggigilid ang mga luha niya pero hindi niya magawang ilabas ito. Kanino niya sasabihin na nasasaktan? Kay Onyx? Baka pagtawanan lang siya or baka magalit pa ito sa kanya. Mananahimik na lang siya at sasarilinin ang lahat ng sakit.
“Hindi ko siya guguluhin dahil tahimik na rin naman ang buhay nilang mag-ina. Gusto ko lang na makilala ako ng anak ko at susuportahan ko siya sa mga pangangailan niya. Alam kong wala na rin akong magagawa para bawiin siya,” saad ni Onyx.
“How about her parents?” si Tyron.
“I don’t care about them. Pinutol ko na rin ang ugnayan ko sa kanila since that night ng malaman kong hindi na ako hinihintay ni Priscille. Galit ako sa kanila dahil sinunod ko ang payo nila na hindi ko man lang naisip na puwedeng mabago ang lahat. They are worst parents for Priscille kaya bahala silang hagilapin ang anak nila. Hands-off na ako.” malungkot na saad ni Onyx.
Labis na panghinayang ang nararamdaman ni Onyx sa mga oras na ito at kitang-kita ’yon sa mga mata niya, bagsak ang mga balikat at nangangayayat pero wala siyang magagawa, kailangang tanggapin ang katotohanan. Priscille isn’t him anymore. His wife fell in love to another man because he is stupid. He abandoned Priscille and his daughter just because he can't control his pride and ego. Gusto niyang matanggap siya ng pamilya ni Priscille kaya gumawa siya ng hakbang para mangyari ang inaasam niya ngunit mali ang naging hakbang niya at hindi siya nakapag-isip ng mabuti at wala na rin siyang magagawa sa ngayon dahil alam niyqng huli na ang lahat. May mahal ng iba si Priscille at hindi niya puwedeng hadlangan ulit ang kaligayahan ni Priscille. Hahayaan niya na itong maging masaya at malaya.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nauna ng nagpaalam si Tyron dahil may gagawin pa raw ito kahit weekend naman ngayon. Mabilis na binaybay nito ang kalsada pauwi sa kanilang apartment ni Hezron dahil gusto niyang makausap ang pinsan niya. Mabigat ang kalooban niya habang nagmamaneho ng sasakyan, kanina niya pa ramdam na tumutulo ang maiinit na luha mula sa kanyang mga mata. He feels betrayal. Sobrang sakit ngayon dahil confirmed ng may relasyon sila Priscille at Hezron.
Bakit hindi niya man lang napansin ang bagay na iyon? Ngayon niya lang naaalala ang lahat ng pagkakataon na magkasama sila Hezron at Priscille, ang mga titig ni Hezron at mga galaw nito habang kausap si Priscille. Sobrang tanga niya sa part na iyon, akala niya kilala niya ang ang bestfriend niya at sobrang tiwala rin siya kay Hezron.
“What’s happening between you and her!” galit na bungad ni Tyron sa pinsan, nadatnan niya itong mag-isang kumakain sa kusina. Nakayuko na ito ng dumating siya at mas lalo pa napayuko dahil sa tanong niya at halata naman na galit siya sa pinsan. Ngayon lang ang unang pagkakataon na binulyawan siya ni Tyron.
“I-I’m so-sorry kuya,” garagal na sambit ni Hezron. Halos manginig ang buo niyang katawan dahil akala niya ay sasaktan siya ni Tyron ngunit sa halip na suntukin siya nito ay sa pader ibinuhos ang isang malakas na suntok na tumagos ang kamao, mabuti na lang gawa sa kahoy ang pader.
“Sorry?! Alam mong mahal ko siya! Hezron! Alam mong siya lang ang nag-iisang babae na gusto kong makasama habangbuhay! Bakit mo nagawa ito sa akin?!” sigaw ni Tyron na halos maiyak pa sa mga pinagsasabi.
Hindi makaimik si Hezron, hindi niya alam kung anong dapat niyang sabihin dahil alam niyang kasalanan niya. “Isa kang traydor!” sigaw pa ni Tyron sa pinsan.
“I-I’m sorry, kuya. Hindi ko kinaya ang nararamdaman ko para sa kanya. I tried so hard not to fall in love but she’s amazing-- pero huwag ka mag-alala dahil pilit ko pa rin naman na nilalabanan ang nararamdaman ko para sa kanya,” malumanay na paliwanag ni Hezron, kailangan niyang magpakumbaba dahil hindi biro ang sakit na nararamdaman ng Kuya niya dahil kay Priscille.
“Iiwasan ko na siya. Pasensya na kuya,” dagdag pa nito. Sinusubukan naman ni Tyron na pakalmahin ang sarili dahil lalala lang ang sitwasyon kung masaktan niya pa ang pinsan niya. Bigla tuloy siyang naawa kay Hezron dahil hindi naman ito sanay na pagalitan niya. Halatang guilty talaga ito sa nagawa at ramdam niya rin kase na nasasaktan ito dahil sa pagbabalik ni Onyx. Ano bang ikinalulungkot niya? E’ siya ang nanalo. Sa isip ni Tyron habang nakatingin lang kay Hezron na hindi pa rin matinag sa pagkakayuko. Alam niyang natakot ito sa ginawa niya.
“Sorry kuya. Pangako iiwasan ko na siya,” takot at lungkot ang tono ng boses ni Hezron.
“Pero dapat matagal mo na ’yang ginawa dahil alam mo naman na mahal ko siya e’ diba? Alam mo ’yon,” nanggigilid ang mga luha ni Tyron habang nakatingin lang kay Hezron na nananatili pa ring nakayuko.
“Matagal ko na siyang iniwasan kuya. Sa simula pa lang, iniwasan ko na, noong una hindi ko alam na siya ang tinutukoy mong bestfriend mo, wala akong ideya na siya iyon Kuya,” paliwanag ni Hezron.
“Anong ibig mong sabihin? Magkakilala kayo?” curious na tanong ni Tyron.
“Oo, sa coffee shop ko siya nakilala, lihim akong nagkaroon ng pagtingin sa kanya, alam kong buntis siya ng mga oras na iyon ngunit hindi ko napigilan ang puso ko. Patawad kung hindi ko siya nakalimutan,” balik-tanaw ang isip ni Hezron sa araw ng unang pagkikita nila ni Priscille. ‘Sobrang ganda niya ng araw na iyon. So, paano ko makakalimutan ang maamo niyang mukha? This is love at first sight.’
“Hindi mo naikuwento sa akin na nagkakilala na kayo, sana sinabi mo Hezron,” giit ni Tyron na medyo kalmado na.
“Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong sabihin saiyo kuya dahil alam ko naman na mahal na mahal mo siya. Kaya akala ko makakalimutan ko siya at ibinigay ko kay Rexcine ang atensyon ko ng ilang taon ngunit hindi--hindi ko siya magawang kalimutan. Patawad sa nagawa ko,” paliwanag nito.
“Don’t be sorry. Wala ka namang kasalanan sa akin,” tanging nasambit ni Tyron at saka tumalikod kay Hezron naglakad papunta sa kanyang kwarto. Wala na naman siyang magagawa dahil talo na rin naman siya sa umpisa pa lang at hindi niya puwedeng ipilit pa ang sarili dahil masasaktan lang siya. Wala ng magbabago pa, kahit kailan talagang best friends lang sila ni Priscille at magiging masaya siya sa buhay na pipiliin nito.
YOU ARE READING
Courage To Let Go( Completed )
RomanceHezron and Tyron Casimir were inseparable cousins, but when Tyron's best friend Priscille Elano, a pregnant woman abandoned by her coward boyfriend, entered their lives, things took an unexpected turn. While Tyron selflessly offered to take care of...