Chapter 12 ~Someone To Comfort

60 48 0
                                    


That was Saturday night. Magkasamang pumunta sila Tyron at Hezron sa bahay ni Priscille. Every weekend ay normal na iyong nangyayari. Palagi silang nagpapalipas ng oras kasama si Cecille, nakasanayan na nilang tuwing linggo ay magpo-foodtrip sila, or iinom o kaya naman movie marathon, pero minsan hindi nakakasipot si Hezron dahil mayroon silang date ni Rexcine at ngayon sumama si Hezron sa pinsan ngunit nakakapanibago dahil tahimik lang ito. Hindi rin siya nakipaglaro at nakipagharutan kay Cecille.

Tumunog ang messenger ni Priscille. Hindi niya pa pala na-off ang wifi niya. Tiningnan muna ang oras; alas nuwebe na ng gabi, tulog na tulog na rin ang anak niyang si Cecille.

She thought a friend or co-workers message her but to her surprise, it was a kid. “Ate.” Isang chat ng taong hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya. Hindi naman sila nag-uusap nito sa chat kung hindi importanteng bagay ang pag-uusapan kaya nagulat siya at kinabahan ng mabasa niya iyon sa.ganoong oras.

“Yes,” sagot niya rito na parang normal lang ang pakikipag-usap niya kay Hezron.

“Don’t want to join me?” he replied.

‘Huh?’ Kunot-noo si Priscille na nag-isip. Gising pa pala siya. Akala niya ay sabay na silang natulog ni Tyron sa kabilang kuwarto. Sa kuwarto ni Cecille na pinagawa niya pero hindi pa naman puwedeng magsolo ang bata kaya sa tabi niya pa ito natutulog at doon niya naman pinapatulog ang dalawa kapag hindi na ito nakakauwi.

‘Ano kaya roblema niya?’ sa isip ni Priscille. Tiningnan niya muna si Cecille bago dahan-dahang lumabas ng kuwarto. She’s worried so she hurriedly join him. Mukhang may nararamdaman itong sakit or problema at kailangan ng kausap. Wala siya sa sala dahil madilim doon. Nakita niyang maliwanag ang kusina kaya doon siya pumunta at nadatnan niya itong nakasandal sa upuan at umiinom ng beer. Nangangalahati na ang pangalawang bote. May dala pala ito kanina hindi niya man lang napansin, busy kase siya magluto sa kusina.

“Anong atin?” tanong ni Priscille habang inaayos ang isang upuan para makaupo siya sa kaharap ni Hezron sa dining table. Kinuha niya rin ang isang baso at tinungga ang laman na isinalin niya habang nakamasid kay Hezron dahil parang sobrang laki ng problema niya. Mukhang seryoso ito, nakayuko lang at hawak ang cellphone sa kabilang kamay.

“Si Rexcine? Magkaaway kayo?” tanong niya ulit dito dahil parang walang balak magsalita at tanging iling lang ang sagot ni Hezron sa mga tanong niya.

“Sure ako, babae ’yan,” pangungulit ni Priscille ngunit wala pa ring imik si Hezron.

“Sino?” usisa niya ulit sabay hikab dahil inaantok na siya.

“Nothing” mahinang saad niya.

Hindi na nakatiis si Priscille dahil ramdam niya naman na mabigat ang nararamdaman ni Hezron, lumapit siya rito at umupo sa tabi then she tap on his back twice then she say, “Share mo para mabawasan ang bigat na dinadala mo.”

“Ang daya,” he murmured.

Napaisip si Priscille sa sinasabi ni Hezron, ano bang problema nilang dalawa ni Rexcine na halos bagsak na ang mga balikat ni Hezron at mas lalong nagulat pa siya ng humagulhol na ito ng iyak. Medyo nakainom na rin ito kaya hindi na nakontrol ang emosyo. Wala ng nagawa si Priscille kundi ang hagurin ang likod nito na mas lalo pa lumakas ang iyak at parang bata na sumandig sa balikat niya.

Ramdam ni Priscille ang kalungkutan nito dahil dumaan rin siya sa ganitong sitwasyon at sobrang mas malala pa nga ang sa kanya na halos mabaliw siya. “Tell me. Nandito lang rin ako, share mo na,” saad ni Priscille. She try to make him calm pero mas lalo pa tuloy lumala at sumisigok pa dahil sa sinabi niya.

This is the first time na nakita niyang umiyak si Hezron ng ganoon kalala. He is truly in agony. Sobrang naawa na siya sa kanya na halos gusto na niyang yakapin ng mahigpit kaso hindi puwede dahil baka bumalik na naman ang nararamdaman nito para sa kanya.

Walang ginawa si Priscille kundi ang masdan na lang si Hezron, inayos ang pagkakaupo, nagsalin ng alak at nilagok. ‘I don't know what to do to ease his pain,’ sa isip ni Priscille. Natataranta siya. He is young for this kind of situation, he was crying as if no one loves him. Sobrang bata niya pa para umiyak sa isang babae. Seryoso ba talaga siya kay Rexcine Grabe tinamaan siya ng ganoon katindi? Mukhang iniwanan lang siya sa ere na parang bata e’, suwerte naman ng babaeng ’yon.

“S’werte niya naman,” sambit ni Priscille na ikinalingon ni Hezron sa kanya at tinitigan siya ng makahulugan.

“What? Ano ba kase ’yang iniiyakan mo?” usisa ulit ni Priscille. Minsan nakakainis ang Hezron na ito e’ minsan sobrang kulit tapos kapag tinotopak ay sobrang tahimik naman.

“Kase hindi kami puwede,” saad nito.

“What? Masiyado bang komplikado para iyakan mo?”  inis na tanong ni Priscille. Ayaw pa kase ikuwento kung anong dahilan. Nahihirapan tuloy siyang manghula kung anong problema ng lalaking ito.

“Imposible na maging kami," bulong niya at sabay lagok ng beer.

“At baket?” mataray na tanong ni Priscille. Inaantok na siya kaya gusto na niyang malaman ang buong detalye pero hindi na naman ito sumagot sa tanong niya.

“Ipaglaban mo siya kung mahal mo siya,” saad ni Priscille at tanging iling na naman ang sagot ni Hezron.

“Piliin mo lagi ang maging masaya! Huwag ninyong isipin ’yong mga taong nakapaligid sainyo!” dagdag pa ni Priscille. “Hangga’t wala kayong naapektuhan na tao or naapakan man, sige lang! Ipagpatuloy ninyo ’yan,” dagdag pa nito.

“No. Hindi talaga puwede,” matigas na giit niya.

“Kapag hindi mo sinubukan talagang hindi mo masasabi na p'wede pala,” ani Priscille.

“Hindi ka niya pinaglaban?” usisa ulit ni Priscille.

“Break na kami ni Rexcine. Hindi niya raw kaya suklian ang pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya.” Nakayukong sambit ni Hezron. “Hindi pa raw talaga siya ready sa isang relasyon,” dagdag pa nito.

“Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi mo. Bukas na nga lang tayo mag-usap dahil kahit ako ginugulo mo utak ko e! Hindi puwede maging kayo tapos ngayon--break na kayo. Ay naku! Kala ko pa naman ibang babae ’yang pinoproblema mo dahil talagang malaking problema kapag ibang babae at hindi si Rexcine!” pagsesermon ni Priscille, dahil hindi na siya nakatiis ng pangbibitin ni Hezron sa buong k’wento.

“Ang daya ni kuya Tyron dapat nauna pa ako sa kanya mag-asawa e’ kaso nakakahiya kung uunahan ko siya,” walang emosyong saad ni Hezron.

“Puwede ka na namang mag-asawa kahit anong oras mo gustuhin e’ wala namang pipigil sa’yo,” giit ni Priscille.

“Wala e’ inunahan niya na ako,” sambit pa ni Hezron na mas lalong ikinakunot-noo ni Priscille.

“Is it because of him kaya nahihiya kang mag-asawa?  Just because ayaw mo lang siyang unahan na lumagay sa tahimik?” paglilinaw ni Priscille.

“Sort of,” maikling tugon ni Hezron.

“Basta ang sabi ko sa’yo, ipaglaban mo siya para hindi mo pagsisihan ’yan sa bandang huli. Either maging kayo man o hindi ay kailangan mong tanggapin, ang mahalaga; ipinaglaban mo ang nararamdaman mo para sa babaeng iniiyakan mo,” mahabang saysay ni Priscille at tahimik lang naman si Hezron na nakikinig pero may bahid pa ring luha ang mga mata.

“Okay ka na? Matutulog na ako dahil sobrang antok na ’ko. Tama na ’yan. Bukas na lang ulit,” paalam ni Priscille kay Hezron na mukhang nagdadrama lang. Baka nag-away lang sila ni Rexcine tapos hindi pa sila nag-uusap kaya ganito ang lalaking ito. May nagawa siguro itong kalokohan dahil siya nga ang hindi mapakali at parang batang naiwanan ng magulang.

Courage To Let Go( Completed )Where stories live. Discover now