TWENTY-six-year-old, kind, and handsome Tyron Casimir was Priscille’s best friend, classmate sila since kindergarten until Grade ten sa isang pribadong paaralan. Isa na ngayong architect si Tyron, kung saan-saang kompanya’t lugar na ito napapadpad. Tyron doesn’t want to settle his life in one place. He always jokes with Priscille that he is a claustrophobic person, kaya ayaw niya mag-stay sa iisang lugar lang. He is adventurous and a traveler, and he promises to protect Priscille at all cost, lalo na nang malaman nitong iniwanang mag-isa’t nagbubuntis ang dalaga ng boyfriend niyon.
Magkakilala sina Tyron at Onyx, dahil batchmates sila sa university during college at doon na dumistansiya si Tyron kay Priscille dahil nagkaroon na nga ito ng boyfriend, pero hindi naman nagbabago ang pagtingin nila sa isa’t isa bilang magkaibigan at mag-best friend. Aware din naman noon si Onyx sa sitwasyon nila. Sa katunayan ay naging magkalapit pa nga ang dalawa dahil kay Priscille at buo naman ang tiwala ni Onyx sa girlfriend niya pagdating kay Tyron dahil magkababata na sila ng kaniyang girlfriend. Isa pa’y mabait naman si Tyron at mapagkakatiwalaan.
Minsan ka-chat ni Priscille si Tyron at hinahayaan naman siya ni Onyx dahil wala naman silang itinatago sa isa’t isa. Hindi naman ito nakararamdam ng selos kay Tyron. Kaya sa nangyaring pagkawala ni Onyx ay siguradong hindi iyon ang dahilan kaya iniwanan si Priscille ng boyfriend niya. Open sila sa isa’t isa at sa lahat ng sitwasyon, pati na rin tungkol sa pamilya at mga kaibigan ay walang problema, kahit pa lalaki ang best friend ni Priscille. Mayroong mas malalim pang dahilan kaya biglang naglaho si Onyx. Siguro nga babae—nakakita marahil ng mas higit pa kay Priscille.
“I’m going to work,” sagot ni Priscille sa kausap mula sa kabilang linya. Paalis na siya sa bahay nang tumawag si Tyron para i-check ulit ang kalagayan niya.
“Are you sure? Okay ka lang, Cille? Ang baby? Ingat kayo,” may pag-aalala ang boses ng kaibigan na halos ilang tawag or chat ang natatanggap ni Priscille mula rito.
“O.A. ka na naman, I’m strong! Remember?” sagot ni Priscille para manahimik na si Tyron, masyado na kasing halata ang pag-aalala nito sa kaniya, lalo’t nasabi niya kagabing medyo sumasakit ang kaniyang tiyan.
“Mag-ingat ka, papasok na rin ako sa trabaho,” he’s updating her. “At masama bang mag-alala? Basta nandito lang ako para sa ’yo, okay?” dagdag pa nito.
“Oo! D’yan ka lang. Don’t you dare to go here again,” pagbibiro ni Priscille; but sounds like a warning. Parati kasing sumusulpot si Tyron sa bahay niya sa tuwing nag-aalala ito.
Si Tyron Casimir ay nagdesisyon na manirahan at lumipat ng trabaho sa Tarlac dahil kay Priscille, siya kasi ang unang nakaalam ng kalagayan ng dalaga, lalo’t wala naman itong ibang mapagkukuwentuhan dahil galit kay Priscille ang sarili nitong pamilya. Sa kaniya lang din kasi may tiwala si Priscille. Siya lang din ang nakaaalam ng mga pinagdaanan ng dalaga sa boyfriend nito—si Onyx. Ayaw rin naman ni Priscille ang pinaplano ni Tyron, ngunit sadyang mapilit ang binata—talagang hindi nagpapigil sa desisyong sundan siya sa Tarlac, kaya agad siya nitong pinuntahan. Hindi naman nahirapan si Tyron na hanapin at puntahan ang dalaga dahil minsan na siyang dumalaw sa bahay nito noong kalilipat lang nina Priscille at Onyx.
Pinakiusapan si Tyron ni Onyx na hanapin at bilhin ang paboritong painting ni Priscille sa mismong kaarawan nito bilang regalo, kaya nagkaroon ng pagkakataon si Tyron para malaman kung saan nakatira ang best friend niya. Wala siyang pagtanggi dahil para sa kaibigan niya iyon. Kahit malayo ay bumiyahe siya mag-isa gamit ang sasakyan niya para hindi masira ang painting, nang sa ganoon din ay mismong siya ang magdala at mag-abot sa kaibigan. Para na rin makita niya ito. Halos dalawang taon na niya kasing hindi nasisilayan ang kaibigan. Walang mapagsidlan ang saya ni Priscille nang mga oras na iyon dahil dalawa ang nagbigay sorpresa sa kaarawan niya; ang painting na regalo nina Onyx at Tyron—best friend niya.
YOU ARE READING
Courage To Let Go( Completed )
RomanceHezron and Tyron Casimir were inseparable cousins, but when Tyron's best friend Priscille Elano, a pregnant woman abandoned by her coward boyfriend, entered their lives, things took an unexpected turn. While Tyron selflessly offered to take care of...