KHARL
It's already evening and we are all here sa dalampasigan at kumakain ng dinner habang may bonfire sa gitna namin. Naka-form kami ng circle sa paligid at sobrang ingay nila.
I can say that the first day was successful. Sobrang nag-enjoy sila sa first activity namin. Kahit kami ng mga 2nd year student council ay nag-enjoy rin sa paglalaro.
I wonder if the other members of the student council who's not here are also enjoying. 'Yung iba kasi ay third year at fourth year na at wala sila dito, nasa kanilang activity rin sila that was held at other places.
Nilibot ko ang tingin ko at napangiti ako. This is the last event that I'll be handling bago ako ma re-elect or 'di na manalo. And if hindi ako manalo this time, at least I've served the students and made my alma mater proud.
Kami lang ata sa school na 'to ang nag-eelection ng ganitong date. Most schools kasi, 'yung election nila ay malapit na magtapos ang academic year, sa amin naman 2 months after mag-start ng academic year. That's the Constitution and By-laws of the ELECOM eh so might as well follow that.
Anyway, kasama ko sa aking gilid ang mga ka-roommates ko. Wala kaming napanalunan kahit ni isang game kanina kasi obviously, kulang kami ng isa. Hindi talaga dumating si introvert, kahit ngayon ay wala siya rito.
He looks bothered kanina. That's the first time I've seen him in that expression. Parang may hinahanap siya kanina sa mini library but he can't find it. I even offered to help him para mapadali 'yung paghahanap pero parang wala naman siyang pake sa mga sinasabi ko.
Speaking of the mini library, I'm glad na nandun pa rin pala 'yung children's book na dinonate namin nina mama at papa noon. And when I say mama at papa, what I mean is my real mom and dad.
Luma na siya since napakatagal na 'nun but the fact that it is still there makes me smile already. It only means na naalagaan iyon nang mabuti rito.
"I wonder kung saan nagpunta si Jesh," Stephanie said.
"Baka nasa room natin," I said.
"Wala eh. Kakagaling ko lang doon pero wala naman siya roon."
"Baka may pinuntahan lang," sagot ko.
O baka nga siguro kasama na naman 'yung boyfriend niya eh.
"Siguro nga. Anyway, magkaaway ba kayong dalawa ni Jesh? Sabi niya kasi kanina na ayaw niyang pumatol sa pangit tapos nagalit ka," tanong niya.
'Di ako nagsalita. Baka kasi kapag sinabi ko 'yung kasamaan ng ugali 'nun tapos ipagsasabi lang rin naman niya kay introvert, edi nakatikim na naman ako ng suntok.
Ang sakit pa naman manuntok 'nun, bwiset! Hindi halata sa pangangatawan niya.
But I already said sorry naman kanina and I mean it. I just realized na may kasalananan rin naman ako.
"So, magkaaway kayo?" inulit niya pa.
"Hindi."
"Ah. Para kasing magkaaway kayong dalawa. Anyway, I hope na okay lang si Jesh. Kumain na kaya 'yun?"
"Kumain na siguro 'yun," sabat ko.
Dumating 'yung 10 PM at required na kaming bumalik sa aming room. Kasalukuyan kaming naglalakad pabalik sa loob ng hotel kasama ng mga roommates namin.
Habang naglalakad sa lobby, napansin kong may mga pulis doon at parang may iniimbestigahan sila. Kausap rin nila 'yung mga staffs. 'Di ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang makarating kami sa room namin, wala pa rin si introvert doon.
"Saan kaya nagpunta si Jesh? 10 na kaya. Kanina pang hapon natin siya last nakita," sabi ni Brien.

YOU ARE READING
Captivated by Your Introverted Personality
RomanceYeshua "Jesh" de Mevius, a very intelligent and a well known son of the richest and most influential family in Los Angeles, California, failed his major subjects twice. Devastated by the news, his father, who is a well-known businessman, was forced...