Chapter 19

48 5 0
                                    

KHARL

"We're here, Davao City! Finally!" sabi ni Clint nang makalabas siya sa eroplano.

"OA mo. Parang 'di ka pa nakapunta rito," sabi ko at naunang bumaba sa kanya.

"Luh? Pake mo? Eh sa pangalawang balik ko pa rito eh. At tsaka may dalaw ka ba? Galit ka na naman. Lately, napapansin ko lang, napapadalas na 'yang pagiging masungit mo. Epekto rin ba yan nung CPR?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Pakiulit nga."

"Ay joke lang pala, hehe."

'Di ko nalang siya sinagot.

Ewan ko rin ba. 'Di ko rin maipaliwanag itong nangyayari sa'kin. Alam ko naman kung ano at sino ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh. Pero bakit?

Bakit kailangan kong magkaganito? Eh wala nga akong pake sa kanya diba?

Bakit ako naiinis nung magkausap silang dalawa kanina sa gilid ko?

Bakit kailangan kong makita ang mukha ng lalaking iyon? Nakakainis!

At tsaka bakit sila magkasama? Bwiset naman! Eh ano naman kasing pake ko kung magkasama silang dalawa diba? Magjowa ata 'yung dalawang 'yun.

So bakit ako makikisawsaw?

Wala nga akong pake diba? Wala nga! Ah basta wala! Bahala sila riyan!

Sakay ng bus, narating namin ang resort na nirentahan namin for 1 week. This is the resort we chose kasi wala lang, ito 'yung nakita naming maganda eh.

But on the other hand, I have a personal reason why I chose this one. Nagkataon lang na nag-agree silang lahat kasi nagagandahan sila.

Basically, part sa General Plan of Action namin ng Student Council ito. This is our last activity before election. 'Yung school mismo ang pipili ng lugar, kami naman ang pipili ng venue at kung anong mga activity ang gagawin namin.

We have already prepared various activities for the first 5 days at ang natitirang araw ay para mag-enjoy kami.

"Everyone, please form a straight line according to your respective department," sabi ko.

Kaagad naman silang nag-form ng straight line.

"So, ikaw pala ang President ng school niyo."

Kaagad na naningkit ang mga mata ko nang marinig ko ang boses na iyon.

Tinignan ko siya at nakita kong nakatayo siya sa gilid ko habang nakasuot ng sunglasses. Ngumiti lang ako nang pilit sa kanya.

Oo, alam kong wala siyang ginagawang masama sa'kin pero umiinit 'yung dugo ko sa kanya lalo na kanina sa eroplano.

Kung makangiti kay introvert, halatang inaakit niya 'yung tao! Grrr!

Tapos halatang close na close sila.

Eh baka sila talaga?

Ah ewan! Sabi ko na nga diba ayokong makisawsaw? Bwiset!

At tsaka sino ba ang nag-invite sa school nila rito? As far as I'm concerned, 'di sila kasali. Activity namin 'to, ba't may mga outsider?

"Since this is a recreational activity, our main goal is to establish strong bonds and relationships with one another and develop camaraderie among us. That is why I am grouping you into teams of ten members. Each member must be from a different department so that we have the opportunity to get to know students from other courses. These will be your teams for every activity and, of course, your roommates as well. Take note, everyone, that the group assignments were randomly selected by a generator. Neither I nor the other student council members have any control over who your groupmates or roommates are," sabi ko bago kinuha ang listahan ng mga names.

Captivated by Your Introverted Personality Where stories live. Discover now