Chapter 21

26 4 0
                                    

KHARL

As someone who grew up in a loving family, I never experienced harm or violence from the hands of my parents. Although they're not my biological mom and dad, but they love me so much and I'm always grateful for that everyday.

In my 21 years of living in this planet, never pa akong nasuntok ng kung sino man tapos masusuntok lang pala ako for the first time ever ng introvert na 'to?!

Takte ha! Sobrang sakit! Feeling ko mamamaga 'yung mukha ko nito kapag 'di ko nilapatan ng ice.

Bwiset!

Tao ba 'tong kaharap ko ngayon? Base sa physical features niya, hindi mo aakalain na ganun kalakas 'yung suntok niya!

Bwiset talaga! Sobrang sakit! Hindi ako makapag-concentrate sa nilalaro namin ngayon!

"Kharl, it's your turn," sabi ni Brien.

Kumuha ako ng card at binasa iyon.

"Have you ever hurt someone?" I read the question while still holding my face kung saan ako nasuntok ni introvert.

Hurt someone? Ako? Mukha ba akong bayolenteng tao?! 'Yung nasa harap ko, 'yan 'yung bayolente!

Shit! Ang sakit talaga!

"Wala," I answered irritably.

"Both physically and emotionally, wala?" Yvette asked.

Bigla naman akong natahimik doon. A memory suddenly flashed in my mind but I quickly dismissed it.

Physically wala, emotionally...

...meron.

"M-meron pala."

"Physically?"

Umiling ako. "Emotionally."

"Uy, share ka naman," sabi ni Wesley.

"Matagal naman na 'yun. Besides, it happened way back when I was still little. At tsaka matagal ko na iyong kinalimutan so it's really not that important."

Shit! Ang sakit talaga ng mukha ko. Magkakapasa na ba ako nito? 'Wag naman sana huhuhu! Paano na ako magpapacute niyan kay Nathalie?

"Eyyy! The bottle landed on you, Jesh! Kumuha ka ng card and read to us what's written on it," Kisses said sabay pumalakpak pa.

Kumuha si introvert ng card sa sahig at binasa niya ang nakasulat roon.

"Have you ever been in love?"

"Kyaahhh! I wonder kung sinong nagpapatibok sa puso mo, Jesh! Kung sa tingin ko ay bagay kayo, magpapaubaya ako ngayon din mismo!" sabi ni Eloisa.

"Nakakahiya ka bhie! Minsan, try rin nating i-stapler 'yung bibig ha? Ako 'yung nahihiya sa mga pinagsasasabi mo eh!" sabat ni Stephanie.

"Ehhh! Shhhh ka muna riyan bhie! Hinihintay kong sumagot si Jesh oh!"

Sus, may jowa nga 'yan eh! Muntik ko pa silang mahuling maghalikan dalawa! I started to wonder if ano ba talaga ang pakay ng lalaking iyon at bakit sila nandito kasama sa activity namin.

"Y-yes."

"OMG! Sinong maswerteng babae 'yan?!"

"It's a b-boy, actually."

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila.

Hindi ba halata sa kanila na bakla 'yang introvert na 'yan? Ba't gulat na gulat sila? Tch!

"Wala pala akong pag-asa from the start bhie," sabi ni Eloisa sabay nag-acting na nagpupunas ng luha.

"If you don't mind, can you describe him for us?" Liam asked.

Captivated by Your Introverted Personality Where stories live. Discover now