Chapter 6

12.7K 375 59
                                    

Aaron

"Hi, boys!"

Napabaling ang atensyon naming tatlo nina Kieran at Landon sa boses na sumigaw habang nag-uusap kami tungkol sa basketball, specifically our known sports rival, Northfield University.

We're currently seated in our first period, and as usual, wala pa rin si Mr. Samson. I don't even know why he remains employed. Siguro dahil in-demand din ngayon ang mga history teachers na may alam din sa architecture.

Napansin kong papunta sa amin si Audrey.

Nakasuot ito ng napakahapit na pink tank top, na ipinares niya sa umbrella jeans at itim na stilletos, saka may sunglasses pang naka-sukbit sa ulo nito.

Puno ng kompiyansa ang paglalakad nito papunta sa table namin sa loob ng kuwarto. Sumasabay pa sa paghakbang niya ang pag-alog ng kaniyang dibdib, habang iniirapan niya ang mga lalaking pumipito 'pag dumadaan sa harap nila ito.

How did she even get here? Wala ba siyang klase?

Ngumiti ito nang makapunta sa harap namin, saka umupo sa desk ko.

"Hi, Aaron. How are you? I've missed you so much," ani nito saka inilapit ang mukha sa akin, bago inayos ang kuwelyo ko.

Pumito naman si Kieran sa tabi ko, kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Audrey has had a fat obsession with me since we were college freshmen. Same batch kami, and we're both third-year students now. I remember her being obsessed with me from the very beginning. Medyo nabawasan naman na ngayon, pero malala pa rin.

I never liked her. Masyado siyang kapit na kapit sa akin, and we're the exact copies of each other. Lalakero siya. Mahilig din sa parties at one-time hook ups. Mahilig uminom. Messy. At sikat, kahit pa sa ibang colleges.

"I'm throwing a party tonight. Come, alright?" Sunod nitong inayos ang mga strands ng buhok na nahuhulog sa mukha ko.

"For what?" Irita kong sagot, saka inusog ang kamay niya.

"Oh, come on," ika nito sabay irap. "Of course, I'm throwing a big big party after matapos ng two-week suspension ko. Even though I hate school, I missed the people." Bahagyang ngumiti ito.

Naalala kong nasuspende nga pala siya nang may muntik na itong kalbuhing babae, dahil lang hindi nito sinasadyang natapunan ng milkshake sa damit si Audrey. Horrifyingly horrible, I know. And, I am not in that level of insanity. At least, mas malala 'yong rason ko sa mga ginawa ko kay Kakashi! Saka bumabawi rin naman siya, ano!

El U really has that strict no-violence/bullying policy. Perhaps, dahil mayroon din silang kailangang alagaan na reputasyon.

"Ba't hindi kami imbitado?!" Kunwaring nag-pout si Kieran.

"Of course, you are, baby Kieran," nag-baby voice pa si Audrey, at saka pinisil ang pisngi ni Kieran.

"You too, love." Kumindat ito kay Landon.

See? Ganiyan din ako, e. Lahat nalang nilalandi. Mabuti ngang wala pang nangyayari sa aming dalawa. Siya lang ata ang sikat na babae dito sa El U ang hindi ko pa nai-kakama. And, I don't plan to.

Biglang nadisturbo si Audrey at muntik nang mahulog sa mesa, nang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok si Mr. Samson.

"Out, Ms. Villanueva!"

~

"Sumama ka na, bro!" bulalas ni Kieran.

"Sasama nga ako kung sasama si Landon," sagot ko.

The Art Of UsWhere stories live. Discover now