08

19.4K 585 242
                                        

Aaron

Nagpatuloy ang basketball practice namin na binuo lamang ng walang hanggang pagpito at advice ni Coach Salazar, pagpapakitang gilas ng isang Aaron Escueta, at paghiyaw ng mga estudyanteng nakaupo mula sa benches tuwing makakatira ng tres ang kilalang 3-point shooter ng El U, again, Aaron Escueta.

Then, after over a couple of hours, we're in a trip to the club.

"Cap, patugtog ka naman. Boring," usal ni Xavier.

Nasa kotse ko kami ngayon nina Kieran, Xavier, Mac, Seb, at Jack papunta sa aming ultimate tambayan: Black Dog, BGC. Dalawa ang dinala naming kotse - ang isa ay sa akin at ang isa naman ay kay Landon - dahil dose kaming pupunta.

Sinungkit ng passenger princess na si Kieran ang phone ko mula sa isang compartment, saka hinarap ito sa mukha ko. Blanko akong sumulyap dito at walang segundo nang magbukas ito. Face ID.

He scrolled through my phone briefly until I finally heard the instrumental intro of the song he had chosen.

Nothing's Gonna Stop Us Now by Starship.

"Iyan!"

"Nice!"

"Bakit naman 'yan, Kieran?"

"In love ata si bro."

Bulalas ng mga kasama ko sa piniling kanta ni Kieran.

"Patapusin niyo lang. Daming sabi!" ani ni Kieran.

Wala ring naisagot ang iba nang mag-umpisa ang kanta at napasabay na ang lahat. Nanatili ako sa pagmamaneho at hindi pinansin ang mga ito.

Lookin' in your eyes I see a paradise...

Hindi ko alam pero nang marinig ko ang mga lyrics na iyon ay pumasok sa isipan ko ang mga mata ni Kakashi. Blue and brown? Napaka-interesting na combination. It's like when the vast ocean meets the rugged earth.

I scoffed. Ba't ko ba siya iniisip? Hindi! First time ko lang kasing makakita ng taong may ganoong condition. It's just a foreign sight to behold.

Let 'em say we're crazy, I don't care 'bout that...

Put your hand on my hand...

Baby, don't ever look back...

Hindi ko rin naman na napigilang makisabay sa kaingayan ng mga kasama ko, at naisigaw na rin ang mga lyrics pagtungtong nito sa pre-chorus. I mean, how can you resist jamming to a classic love song?

Lubog na ang araw nang makarating kami sa bar. Rinig na rinig na rin ang musika mula sa loob, at puno na ng varied neon lights ang gusali. Saglitan kaming nagparada ng kotse sa parking lot, at maya-maya ay sumunod naman ang kotse ni Landon.

Dumiretso kaming lahat sa loob ng bar. Per usual, marami ng tao at may sayawan na ring nagaganap. Naupo kami sa usual spot ng team every after game namin. Sa malaking round sofa na may round glass table sa gitna sa kaliwang corner ng bar.

Kung kaming tatlo lang nina Kieran at Landon ang napadpad rito, sa counter lang kami uupo, kumbaga madaliang inuman lang. Pero, kasama ang buong team ngayon. So, we need a much bigger space.

Sa maliit na stage sa harap ay may tumutugtog na banda. Every Friday, may pakulo ang Black Dog at nag-iimbita sila ng mga local singers at banda na mag-eentertain sa mga tao. That's why suki kami dito, e.

"Vodka tayo!" ani ni Kieran. "Kayo? May gusto ba kayo? Sa snack?"

"Nachos," sagot ni Jack.

"Dagdagan mo na rin ng fries," ani ni Landon.

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now