33

20.9K 721 697
                                        

Levi

Ipinarada ko ang motor sa harap ng isang two-story party house na may malaking neon sign sa taas: Casa Loco. Sa unang tingin pa lang, mukhang magulo na sa loob-maingay, siksikan, amoy pawis at alak.

Inis kong tinanggal ang helmet ko. Punong-puno ng nakaparadang kotse ang harapan, karamihan mamahalin.

Burgis na burgis.

"Huwag ka nang sumisimangot diyan, Lev. Minsan lang naman eh," sabi ni Abby, sabay talon pababa ng motor.

"Tss." Napapintig ako ng dila sa inis, sabay baba rin. Labag man sa loob ko, nandito na ako, eh. Wala nang atrasan.

Halos pagkaisahan ako nina Abby at ng mga miyembro ng Thunderhawks kanina sa pagpilit na sumama sa "after party" para i-celebrate kuno ang pagkapanalo nila.

Ayos na sana ako sa pagpapanatili ng angas ko at pag-reject sa offer nila pero nang biglang nakisawsaw si Supremo...

Puta, nahiya akong tumanggi.

Ending? Ayon. Nagmaneho ako ng mahigit isang oras papunta rito. Sana man lang hindi traffic, pero hindi eh-ang tagal kong naipit sa kalsada. Nasayang pa gas ko.

Pagpasok namin sa Casa Loco, sinalubong agad ako ng malakas na tugtog at nakasisilaw na ilaw. At puta, halos buong populasyon ng El U ata, andito.

Grabe rin 'tong mga 'to mag-celebrate, ano? Akala mo kung nanalo sa Olympics. Eh first game pa lang naman 'to.

Sinipat ko ang paligid, pero wala akong makitang Supremo, o kahit sina Kieran at Landon. Ayoko namang magmukhang tangang nakatayo lang dito, kaya binuksan ko na lang ang phone ko para i-message siya.

Laking gulat ko nang makita ang sunod-sunod niyang messages.

Aaron:

Where are you na?

Hey, it's been 47 minutes. Pupunta ka ba?

Just call me if you're here na.

Andito kami sa sofa near the bar counter.

Timang. Napailing ako bago ibinulsa ang phone ko. Hinawakan ko si Abby sa pulso at sinimulang makipagsiksikan sa gitna ng mga nagdidikitang katawan papunta sa bar counter.

Hindi pa kami nakakatuntong sa mismong counter nang biglang may sumigaw ng pangalan namin.

"Dito, Levi! Abby!"

Umikot ang ulo ko para hanapin ang boses, at doon ko nakita ang isang malaking bilog na sofa kung saan nakaupo ang magbabarkadang ngayon ay nakatingin na sa amin.

Si Kieran, nakasandal sa backrest, hawak ang isang baso ng whiskey, malaki ang ngiti. Si Xavier, abala sa pagpakyaw ng pulutan. At si Aaron-

Si Supremo, nakabukaka sa upuan, isang braso nakapatong sa sandalan, at isang kamay may hawak na bote ng beer. Mula sa sahig, dahan-dahan gumapang ang tingin niya pataas, hanggang sa magtagpo ang mga mata namin.

Medyo mapungay na ang mga mata niya. Tss, nakainom na yata ang gago.

Sinamantala ko ang pagkakataong umiwas ng tingin nang magsalita si Xavier.

"Akala ko hindi na kayo tutuloy, eh," humalakhak siya.

"Sobrang traffic, buwisit," singhal ni Abby bago walang paalam na inagaw ang baso mula kay Kieran at diretsong lumagok. Pagkatapos no'n, nagpakabusog naman siya sa pulutan. "Bad trip tuloy," sabay turo sa 'kin gamit ang labi.

Napairap ako at dumampot na rin ng pagkain sa mesa.

"Aw, sorry na, Lev..." ngumuso si Kieran. "Ano bang gusto mo? Order-an kita?"

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now