12

17.7K 619 218
                                        

Aaron

Me:

May painkillers ba kayo diyan, mga bro?

Nagtipa ako ng text sa group chat namin nina Kieran at Landon. My nose hurts like a bitch; I can't even bring myself to sleep because of it. Feeling ko ay dudugo ulit ang ilong ko anumang oras ngayon.

Landon:

Wala ako.

Why? Masakit pa rin?

Kieran:

Wala rin ako, bro.

Hindi mo sinabi kanina, ibinili ka sana namin.

Napasinghal ako, saka inis na ginulo ang buhok. Goddamn it! Hindi ko naman kasi alam na ngayon pala susulpot 'yong sakit! Ngayon pa talagang patulog na ako.

Sumulyap ako sa oras sa itaas na bahagi ng screen ng phone ko. It's already past ten, which means it's curfew. No student is allowed to leave the university, or even this building, anymore.

Landon:

Curfew na, Ron. Bawal nang lumabas.
Itulog mo nalang 'yan.

Me:

Gago.

'Di nga ako makatulog sa sakit!

Kieran:

Anong gusto mo? Padedehen ka namin?

Aaron:

Ang sarap niyong kausap.

I scowled as I rose from my bed to sit. Bahagya akong yumuko, kasi pakiramdam ko ay mas lalong pumapasok 'yong sakit sa loob ng ilong ko, at nadadamay pa ata 'yong mga internal organs sa ulo ko. Fuck! Can this day get any fucking worse?

Napabaling ulit ako sa phone na nakalapag sa kama ko nang mag-vibrate ito.

Kieran:

Alam ko na, bro!

Medyo nabuhayan ang kaluluwa ko sa sinabi nito, pero kung gaano kabilis nabuo iyon ay ganoon din kabilis naglaho. Expert talaga 'tong si Kieran sa pagsira ng mood, e!

Kieran:

Humingi ka kay Levi.

Landon:

Right.

Humingi ka nalang sa kaniya, 'di ba sabi mo binigyan ka no'ng sinuntok ka? Meron pa 'yan.

Kieran:

Try mo lang, bro.

I scrunched up my nose in annoyance. Pero, napadaing naman ako nang bigla itong kumirot. Fuck! Wala talaga akong choice. If it's the only way I could get sleep, I would do it. Saka... ba't ba ako nagdadalawang isip, e, hihingi naman ako nang maayos. Maayos. I don't plan on starting a fight with him for the hundredth time.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa pinto ng dorm ko. I hastily put on the slippers beside the door before opening it and stepping outside. Hindi ko na dinala ang phone ko at iniwan nalang ito sa kama. Katabing kuwarto lang naman ang pakay ko.

Medyo madilim ang hallway, at ang mga ilaw mula sa ilalim ng pinto ng mga kuwarto ay ang tanging nagbibigay sinag dito. Tahimik akong naglakad papunta sa harap ng pinto niya, pero napahinto rin ako nang may mapagtanto.

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now