Levi
"It's fine if we don't go to school muna ngayon," kalmadong sabi ni Supremo.
Pero kahit anong kalma ang ipakita niya, ramdam kong kabado rin siya. At ako? Hindi lang kabado. Natatae rin.
Kagabi lang, noong pinadala ni Abby sa akin 'yung mga screenshots, parang may yelo na dumaloy sa batok ko pababa sa gulugod.
Akala ko tatlo, lima, siguro pito, mga random lang na kuha sa amin na magkasama. Pero hindi. Tangina. Siksik 'yung buong folder, pre.
May kuha noong parehas kaming naka-pula, nitong kamakailan lang.
May kuha noong nasa parking lot kami, magkalapit, magkausap, magkaharap. Iba-ibang araw, iba-ibang anggulo.
May Acquaintance Party pic pa. Nakatalikod siya sa camera, at ako ang nakaharap. Medyo blurred, pero kitang-kita 'yung mukha ko.
At 'yung pinaka-putangina sa lahat, 'yung kuha nung gabing hinalikan ako ni Supremo sa dilim, sa parking lot ng Black Dog. Kitang-kitang magkalapat 'yung mukha naming dalawa.
Napa-standing ovation ako sa effort ng letseng kumuha at nagpakalat ng mga litratong 'yon. Gusto kong ipalakpak sa mukha niya itong kamao ko nang paulit-ulit.
Ang lupit kasi. Kung maka-zoom, parang may lente ng sniper. Dinaig pa mga paparazzi ni Britney Spears, amputa.
Ngayon, nakaupo kami sa kama. Nakaligo't nakabihis na. Ready na dapat.
Hawak niya ang kamay ko, parehong kamay, at dahan-dahan niyang minamasahe gamit ang hinlalato niya.
Tumingin ako sa kaniya, umiling. "Hindi. Kailangan nating pumasok. Iisipin nila, apektado tayo."
Tiningnan niya lang ako. Walang imik. Pero hindi niya binitiwan ang kamay ko.
Alam kong apektado siya. Ginugulo rin siya ng lahat ng 'to. Pero ayaw niyang ipakita.
Expected ko naman na darating 'to, eh. Alam kong hindi kami invisible. Lalo na siya. Eh, sikat na pogi na basketbolistang fuckboy 'yan. May fanbase pa sa facebook.
Pero tangina, kahit alam mong pwedeng mangyari, iba pa rin 'pag nangyari na.
Sobrang napaaga pa.
Hindi pa nga ako nakakaamin sa kaniya, eh. Ligawan stage pa lang kami. Wala pang label. Wala pang sagutan. Ni hindi ko pa nga naco-conduct 'yung SWOT analysis ko. Tapos biglang gano'n? Biglang may dating allegations.
"Sorry," mahina niyang sabi. "That you have to go through this."
Kagabi, halos makiusap siya na maglabas ng statement. I-deny daw niya. Sabihing hindi totoo na mag-syota kami, para hindi raw ako mapano.
Pero sinabi ko sa kanya na huwag.
Hindi nga naman totoo. Pero pa'no 'pag totoo na?
Saka, hindi kakagat ang mga tao sa denial. Hindi kung ganun karami ang resibo.
Baka mas lalong sumabog.
Mas makabubuti pang manahimik. Hayaan silang maglaway.
At habang bumubula sila sa tsismis, kami, magpapatuloy.
Tumango siya kagabi. "Whatever your decision, I'm with you."
Tss. 'Yan 'yung mga linyahan ng walang ambag sa group projects, eh.
Anyway, ang naging usapan namin sa huli: walang magco-confirm, wala ring magde-deny. Tahimik lang. Normal lang. Go with the flow ba. Unbothered lang.
"Tara na," sabi ko. "Pupunta ka sa klase mo. Pupunta ako sa akin. Gets?"
