Levi
Saglit akong naligo bago kami umalis ni Supremo papunta sa kung saan mang lugar ang naisipan niyang puntahan. Ika niya, kilala raw niya ‘yung guard kaya may lusot kami kahit lagpas na ng curfew.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga inarte niya kanina. At hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.
Ewan ko ba. Hindi yata naka-online utak ko nu’ng mga oras na ‘yon.
"Sa'n lakad natin?" tanong ko habang isinusuot ang seatbelt sa passenger seat ng kotse niya.
"We'll eat," sagot niya.
Napaismid ako. Ayos ah. "Saan nga?"
"Trust me na lang, honey," sabi niya, sabay arangkada ng kotse palabas ng kalsada.
‘Yan! ‘Yang mga banat niyang ganyan ang hindi ko alam kung gugulpihin ko ba siya o ano. Putcha. Pakiramdam ko kasi... unti-unti nang tumatabla sa’kin ‘yung mga linyahang binibitawan niya noon sa mga ka-one night stand niya.
Alam kong hindi ako bading. Pero, pre, tangina lang nitong si Supremo.
Hindi na lang ako umimik at tumingin sa rearview mirror para silipin siya.
Iba ang pormahan niya ngayon. Isang coffee-colored leather jacket sa ibabaw ng itim niyang T-shirt. Grey na sweatpants ang pang-ibaba at may baligtad na cap sa ulo.
Pormado. Akala mo kung sa Tagaytay ang punta.
Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Naka-dilaw lang kasi akong T-shirt at lumang sweatpants. Para sana pag-uwi, hilata na agad. Hindi ko naman alam na kailangan pogi pa rin pala kahit dis-oras ng gabi na.
Maya-maya, napansin ko na lang ang malaking ngiti na sumilay sa mukha ni Supremo.
"I would get real happy if you keep looking at me like that," bulong niya, sabay salubong sa tingin ko sa rearview mirror.
Agad akong umiwas ng tingin. "Kapal," sabi ko, saka tumingin na lang sa labas ng bintana.
Narinig ko ang pigil niyang tawa. Naku, buti na lang talaga gabi na at dim lang ang ilaw sa loob ng kotse. Kasi kung hindi…
"You're so cute talaga when you blush," dagdag pa niya.
Paksyet. Akala ko hindi kita.
"Huh? Sinong nagba-blush?" balik ko, kunwaring abala sa pagtingin sa paligid.
Rinig ko siyang tumawa. Mababa ang timbre ng boses niya — ‘yung tipong mapapalunok ka na lang bigla kasi parang may demonyo sa tabi mo? Gano’n.
Pagkatapos no’n, bumalik sa katahimikan ang loob ng kotse. Tuloy lang siya sa pagmamaneho, pero nanatili ‘yung ngiti sa labi niya.
Parang timang, amputa.
Nakasandal ang ulo ko sa bintana, pinagmamasdan ang dahan-dahang paglabo ng paligid habang umaandar ang sasakyan. Kasabay ng ugong ng makina ay ang unti-unting pagpungay ng mga mata ko. Pero nilalabanan ko.
Nakakahiya namang matulog habang siya ‘tong nagmamaneho, may makainan lang kami.
Dapat nga nag-dinner na lang ako sa Black Dog. May pagkain naman du’n, eh. Kaso nag-text si Supremo, hihintayin daw niya ako. Alangan namang dedmahin ko?
"You can sleep," bulong ni Supremo. "I know pagod ka from work."
Bahagya kong iminulat ang mga mata ko, tumingin sa kaniya, at nagkibit-balikat. "Sabi mo, eh…" bulong ko, sabay ayos ng upo.
Ngumiti siya. "I’ll wake you up when we get there."
At pagdilat ko?
Naknampucha, dinala nga talaga ako sa Tagaytay ng loko. Wala man lang pasabi, hanep. Counted as abduction na 'to, eh.
