Levi
Nagising ang diwa ko dahil sa malakas at paulit-ulit na pag-alingawngaw ng telepono.
Nakakapit pa ang antok sa mga talukap ng mata ko habang pilit kong inaabot ang cellphone sa gilid ng kama. Nang makapa, agad ko itong sinagot at inilapit sa tenga.
"Sino 'to—"
"Levi, tarantado ka! Nasaan ka na?!" sigaw ng pamilyar at putanginang boses ni Abby.
Napa-ngiwi ako’t bahagyang inilayo ang phone sa tenga.
"Umagang-umaga, nagsisigaw k—"
"Umagang-umaga?! Boy, magtatanghali na!"
Napamulat ang mga mata ko, hindi dahil sa sinabi niya, kundi dahil may naramdaman akong matulis na tumutusok sa hita ko.
Unti-unting nagbalik ang lahat ng senses ko.
"Na-miss mo na ‘yung first class mo! Kailangan ka na rito sa lab!" patuloy ni Abby.
Dama ko ang mainit na hininga ng dambuhalang damulag sa leeg ko. Mahigpit na nakaakap ang mga braso niya sa bewang ko, tila ba kakawala ako sa bisig niya anumang oras.
At anak ng kabayong may pakpak, naka-big spoon ang gago sa'kin.
Nanginginig ang boses kong sumagot, "S-susunod na ak—Tangina. Lord!"
Putangina. Gumalaw ‘yung tusok sa hita ko. ‘Di ako makagalaw, mga pre. Ang higpit ng yakap niya, para akong naka-glue gun sa katawan niya.
Ba’t ko ba pinatulog 'to sa kama ko kagabi? Eh alam ko na ngang maliit lang ‘tong kama, tapos parang koala pa ‘to kung kumapit 'pag tulo—
Ay, puta. Ayun na naman!
Gago, ayoko na.
"Lev, ang bastos mo. Ba't mo minura si Lord?" ani Abby.
Napa-sign of the cross ako ng wala sa oras nang bumalandra na naman ang imahe ng alaga niya sa kokote ko.
Legit, ba't ganu'n 'yun? Normal ba 'yun? Parang alien, eh. Hindi pa buhay 'yun, ah. Pa'no na lang 'pag...
Napalunok ako, napapikit.
Hindi ko rin alam paano nae-enjoy ng mga babae niya noon ‘yun. Hindi ako nag-e-exaggerate. Pramis. Talagang... gano’n lang ka-out of this world ‘yun.
"Bilisan mo na! Wait kita dito. Bye!" ani Abby sabay baba ng tawag.
Napabuntong-hininga ako. Wala ring kaalam-alam 'yung si Abby na nakikitira sa’kin ‘tong si Supremo. Kahit alam niya ang meron sa'ming dalawa, ayaw kong sabihin.
Baka mag-isip lang siya ng kung anu-anong hindi dapat iniisip. Saka, sigurado akong 'pag sinabi ko sa kaniya 'yun, araw-araw na akong masasalang sa Tonight with Boy Abunda.
Kaya habang kausap ko siya kanina, todo "patience is a virtue" ako.
Pero, ‘tangina. Back to reality tayo. Sobrang late ko na. First time kong ma-late ng ganito sa unang taon ko rito sa El U.
"Hoy," bulong ko.
Ay, gago. As if magigising ‘to sa bulong lang, Levi.
Nagiging bonak na ako, putek.
Nanatili akong nakaharap sa pader. Hindi ko maigalaw ang leeg ko kasi nga nakapatong mukha niya sa balikat ko. At ‘yung... ano niya, buhay na buhay sa hita ko. Para bang bulateng inasinan.
Putangina. Bahala na. Hindi ko na kaya.
"Sunog! Sunog!!"
Kahit marinig pa ‘ko ng kapitbahay, wala akong pakialam. Mailayo lang sa’kin ‘yang nakakakilabot niyang kamandag.
