Aaron
I awkwardly cleared my throat. "What did you just say?"
A smirk curled on Xavier's lips. "Naku, kunwari pa!"
I raised an eyebrow.
"Pinag-uusapan ka kaya kahit saang lupalop kami magpunta dito sa El U, di ba, Jack?" dagdag niya, sabay lingon kay Jack na tumango naman agad.
"Pati ako tinatanong ng mga tao, eh. Kaumay, promise," sabat ni Jack.
I felt my heart thump. Wala pang kahit isang galaw si Kakashi simula pa kanina.
I turned to look at him. I'm worried. Very much.
His eyes weren't on me - nakapako pa rin ang tingin niya kay Xavier. Pero nang maramdaman niya na nakatitig ako sa kaniya, sinalubong niya ang mga mata ko.
They spoke nothing. Wala akong mabasa.
Agad din siyang umiwas at ibinalik ang tingin sa iba.
Lintik ka talaga, Xavier.
Lumingon ulit ako kay Xavier. "I don't know what you're talking about. What is this even about?"
I had an idea, pero gusto kong makumpirma. Tang ina, 'wag naman sana. Mas lalo lang akong mahihirapan nito, eh.
Jack rolled his eyes. "Kesyo nililigawan mo raw si Abby..."
Agad akong umiling, denying it. "That's just gossip. Gago, lahat na lang pinaniniwalaan niyo."
Xavier chuckled a little, then reached for his phone on one of the bleachers. He unlocked it, opened something, and pushed the screen in my face.
Saglit kong kinurap ang mata ko para maayos ang tingin ko. Nang luminaw, nakita ko ang nasa harapan ko.
It was a picture of me with Abby sa Nursing Department, our hands holding one coffee. Another one was from our table sa cafeteria. Then there were many other photos na magkaharap kami.
Oh, fuck me.
"From Telegram," sabi ni Xavier, ang ngisi niya mas lalong lumaki. "Ang bilis kumalat. Laman na agad ng account ko kaninang umaga."
I gulped down the lump forming in my throat. "Sa'n galing mga 'yan?"
"Jack," Xavier answered casually.
Jack raised his hands defensively. "Gago, sinend lang din sa'kin ni Mac 'yan, eh."
"Sinend lang din sa'kin 'yan ng classmate ko, Cap. Hindi ako, promise!" pagdepensa ni Mac.
"Tss, hayaan niyo na. Ang mahalaga, natututo nang mag-pursige sa babae si Cap," singit ni Rhea, nang-aasar.
Biglang nagsihiyawan ang iba. Parang mga sira. Can't you guys read the fucking room?!
"Di ba?! Di ba?! Palakpakan naman diyan," dagdag pa ni Rhea.
Nagsi-clap sila.
"Oo nga, 'no? Takte, parang kailan lang nung mga girls pa ang bumibili ng kape para sa kanya," singit ni Jack, while clapping. "Ngayon, siya na!"
"At hinahatid pa sa room!" he added with a playful smirk.
Nagkasalubong ang mga kilay ko. Ang sarap magdabog!
"Seriously, hindi ko siya nili-"
"Pero... kidding aside," putol ni Xavier, kunwari nag-iisip. "May hitsura nga naman si Abby... medyo boyish and tough."
"Gano'n na pala tipo mo ngayon?" dagdag niya, genuinely curious.
Hindi ako nakasagot agad. Walang 'ya, pati ako napapaisip.
