40

15.8K 635 1.2K
                                        

Levi

Narinig ko lahat ng sinabi ni Supremo noong gabing 'yun.

Nakapikit ako, nakatalukbong ng kumot, pero gising na gising ang diwa ko, pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

Hindi ko nga alam kung paano niya 'di nahalatang gising ako. Sa lakas ba naman ng tibok ng puso ko...

Jusko. Baka pati mga ipis sa ilalim ng kama ko, napilitan nang maghanap ng bagong tirahan dahil nililindol na sila.

Mag-isa akong naglalakad ngayon sa kung saan mang lupalop ng El U. Maaga pa. Tahimik pa ang paligid.

Maganda ang sikat ng araw ngayon, hindi gaanong mahapdi sa balat. Asul na asul ang langit, at may kung anong kapayapaang dala ang huni ng mga ibon.

Umalis si Supremo nang maaga. Hindi ko na siya inabutang nakahilata sa sahig. Nagulat na lang ako nang makita 'yung note na iniwan niya sa bedside table ko.

Ewan. Siguro nga, lumalayo na siya.

Kung totoo man 'yun, ibig sabihin, gumagana na ang plano ko.

Naniniwala ako sa lahat ng sinabi ni Supremo nu'ng gabing 'yun.

Hindi ako bulag. Hindi rin ako tanga. Hindi mo kailangan ng mikroskopyo para makita kung gaano siya kaseryoso.

Ni minsan sa buhay ko, wala pa akong nakitang lalaking gano'n kadesperado patunayan na totoo siya sa taong gusto niya.

Malayong-malayo sa tarantadong ugali ng tatay ko.

Ilang beses na siyang nagbitaw ng makasaysayang speech sa harap ko, para isipin ko pang lahat ng 'yun ay pambawi lang sa suntok na tinanim ko sa mukha niya noon.

Dumiretso ako sa botanical garden bago ang klase. Alas otso pa naman ang simula, may halos isang oras pa ako para magliga-ligalig.

Umupo ako sa ilalim ng malaking Acacia tree. Pamilyar na pamilyar na 'yung likod ko sa ugat ng punong 'to. Dahan-dahan kong inilabas ang yosi ko, sinindihan, at humipak.

Unang hithit, Supremo agad.

Putangina 'yan.

Hindi na umalis-alis sa isip ko. Lagyan ko na kaya ng renta. Abusado na eh. Baka sakaling yumaman pa ako.

Napatingala ako nang biglang umihip ang hangin at magsihulog ang mga dahon ng puno na tila sumasayaw pababa sa aking ulunan.

Sa totoo lang? Buti na lang umalis siya noong gabing 'yun. Hindi niya nasaksihan kung gaano ako ka-lugmok pagkatapos ng naging sagutan naming dalawa.

Hindi ako nakatulog nu'n. Inatake ulit ako ng gago kong insomnia. Pagod ang katawan ko, pero parang nakasinghot ng Vitamin B-12 utak ko. Mas malayo pa ang tinakbo kaysa kay The Flash sa loob ng limang minuto.

Humipak ulit ako, pinintik 'yung abo sa damuhan.

Kailangan ko nang mag-invest sa vape. Legit. Nakakaitim ng labi 'tong yosi. Baka sa susunod na mga taon, mapagkamalan na ako ritong kapre ng Acacia tree.

Nang matapos ako, tinapon ko 'yung upos sa lupa, tinapakan.

Papunta na sana ako sa exit ng botanical garden, dun sa parteng maraming magkadikit na species ng puno, nang biglang may sumaplot sa paningin ko.

Itim. At madilim.

Parang sinako ang ulo ko.

"Putangina!" sigaw ko, pilit sinusuntok ang hangin.

Pero, dalawang kamay ang dumakma sa mga braso ko, at kasunod nu'n, ang lamig ng lubid na pumulupot sa pulsuhan ko

"Sino kayo?! Pakawalan niyo 'ko!" sigaw ko pa. "Wala akong pera, putangina niyo!"

The Art Of UsStories to obsess over. Discover now