Chapter 2

288 8 1
                                    

ABBA knew she looked stupid. Paano ay hindi niya magawang alisin ang kanyang mga mata sa guwapong nilalang na nasa harap niya.

She was fully aware of his thick brows that knitted. Ang mga mata nito ay mataman ding nakatitig sa kanya. And she instantly decided that he had pair of hot eyes. Singkit ang mga iyon. His nose was perfectly molded. And his lips... they were sinfully red.

Saglit na hinalukay niya sa isip kung sino ang kamukha nito. And her memory didn't fail her—Dao Ming Si ng Meteor Garden.

"If I were you, I will watch where I'm going," pasupladong sabi nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Awang ang mga labing nilingon niya ito. But all she could see was his back. Ni hindi ito nag-­‐‑abalang muli siyang lingunin.

Suplado! Katulad na katulad ang ugali nito ng bida sa Chinovela ng Channel Two.

Sinusubaybayan iyon ng mga tauhan niya sa salon kaya nakikipanood din siya.

Muling nag-­‐‑flash sa isip niya ang guwapong mukha nito. Nagkibit siya ng mga balikat bago muling humakbang.

Oh, well, you're forgiven. Kahit pinagsup-­‐‑laduhan mo ako, guwapo ka naman. At least, may "K" itong magsuplado sa kanya.

IPINASYA ni Abba na umahon na mula sa paglulunoy sa dagat. Ilang araw pa siyang mag-­‐‑i-­‐‑stay sa resort na iyon and she had enough time to get her tan.

Mula sa airport ay ipinasya niyang tumuloy sa Crystalline Resort. May isang customer sila sa salon na nagsabing maganda raw at very relaxing ang ambiance sa resort na iyon. At napatunayan niyang tama ang sinabi nito.

Kumunot ang noo niya nang makita ang isang batang lalaking nakaupo sa harap ng cottage na inookupahan niya.

"May problema ba?" tanong niya rito nang makalapit siya rito. Sa tantiya niya ay wala pa itong pitong taong gulang. Nakapangalumbaba ito habang nakatanaw sa dagat.

Nag-­‐‑angat ito ng mukha. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Narinig niyang bumuntong-­‐‑hininga ito pero hindi ito nagsalita.

Umupo siya sa tabi nito. Ginaya niya ang pangangalumbaba nito. "Nasaan ang mga kasama mo?" tanong niya rito.

Hindi pa rin ito nagsalita.

"Okay, kung ayaw mong magsalita, hintayin mo na lang na dumaan ang mga kasama mo rito. In the meantime, papasok na muna ako para magbihis." Tumayo na siya. "At saka o-­‐‑order na rin siguro ako ng pagkain. I'm really starving."

Para bang nasabi niya ang magic word, bigla itong nagsalita.

"I'm lost."

Aba't Inglesero pala ang batang ito.

"Obviously," sabi niya. Muli siyang umupo sa tabi nito.

"And I'm already starving."

Napangiti siya. "What do you say if I invite you inside? Order tayo ng food."

Bumakas ang pag-­‐‑aalinlangan sa mukha nito.

"I know, somebody told you not to talk to strangers. But I'm not a bad woman. Do I look like one?" tanong niya rito.

Tiningnan siya nito bago sunud-­‐‑sunod na umiling.

"Then you should trust me. Pagkakain natin, sasamahan kita sa reception area. Puwede nating ipa-­‐‑page ang mga kasama mo," pagbibigay-­‐‑assurance niya rito. Hindi ito kumibo. Muli siyang tumayo. "Okay, if you don't want to trust me—"

"I-­‐‑I do," putol nito sa sinasabi niya.

Nginitian niya ito, saka inilahad ang isang kamay rito.

Make Believe That I Love You - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon