Epilogue

461 10 1
                                    

PATAMAD na inabot ni Abba ang cellphone niya nang tumunog iyon. Binuksan niya ang inbox. Napakunot-noo siya nang makita ang pangalan ni Zach na nakarehistro doon.

Zach:
1 day, u'll ask me, "which is mor important 2 u, me or ur lyf?" I'll say, "my lyf." U'll go & liv me w/out even knowing dat "UR MY LYF."

Napangiti siya nang mabasa iyon. Her husband was being romantic again. Katatapos lang ng kasal nila nang nagdaang araw na sinaksihan ng kanilang mga pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Sa labis na kaligayahan nila ay dumating ang pamilya Cua. Patunay iyon na tanggap siya ng mga ito bilang bagong kapamilya.

Nag-iisip pa lang siya ng isasagot sa text message ni Zach nang may pumasok na namang mensahe mula rito.

Zach:
I can tel how much u love me jst by d luk on ur face. Its 2 much 2 ever expres in words. But dat look captures it ol. Thank u 4 dat gift of innocence which u shared wid me las nyt. I wil 4ever b grateful dat u r my wife.

Nag-init ang buong katawan niya nang maalala ang unang gabi nila bilang mag-asawa. He was a very generous lover. He made her a complete woman last night.

Nag-type siya ng text message para dito.

Abba:
Once in a while, ryt in d midle of an ordnary lyf, love gives us a fairy tale. I hope like dat fairy tale, ours wil hav dat "& dey live hapily ever after" ending.

Mayamaya ay bumukas ang pinto ng silid nila at bumungad si Zach. May dala itong isang tray na puno ng pagkain. Nalanghap niya ang mabangong aroma ng kapeng barako. Inilapag nito ang tray sa bedside table, pagkuwa'y umupo sa tabi niya.

Zach:
"Breakfast for my beautiful wife," nakangiting sabi nito.

Bago pa siya makasagot ay kinintalan siya nito ng halik sa mga labi.

Zach:
"Ours will have that happy ending," sabi nito.

He looked lovingly at her.

Kunwari ay lumabi siya. "Kaya pala natagalan bago ka uli nagpakita sa akin pagkatapos ng reunion ng pamilya n'yo sa Batangas."

Napakamot ito sa ulo. Maybe he was not expecting that she would throw some tantrums on their second day as husband and wife.

Zach:
"I wanted to give you enough time para masiguro mo kung mahal mo nga ako o natsa-challenge ka lang dahil hindi kita pinansin noon sa resort. Ikaw na rin ang nagsabi, my dear wife, that you have quite a reputation when it comes to relationship. Ayoko namang right in the middle of our relationship, bigla mo na lang sabihin sa akin ayaw mo na dahil na-realize mong hindi mo pala talaga ako mahal," mahabang paliwanag nito.

Ang totoo ay alam na niya ang tungkol doon. Ilang beses na nilang napag-usapan iyon. Pero gustung-gusto niyang marinig iyon mula rito. It made her heart swell. Ganoon pala siya kamahal nito.

Abba:
"And what makes you think I cannot change my mind right now?"

Napatingin ito sa kanya. He gave her a quick kiss on the lips. Napapikit siya. Para siyang palaging nalalasing sa halik nito.

Zach:
"I am quite sure, Mrs. Abba Cua, because I won't give you a reason to change your mind," wika nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi. "Our marriage is a lifetime contract. And there's no way I can let you go." His hot eyes were looking at her.

Abba:
"What about Jeff? Are you still jealous of him?" tanong niya.

Umiling ito. "Ngayon ay malinaw na sa aking kaibigan mo lang talaga siya. At walang dahilan para pagselosan ko siya. Nabulagan lang ako noong makita kong niyakap mo siya sa tapat ng pinto ng unit mo. And that you missed him," sagot nito.

Nalaman niyang nakita pala nito si Jeffrey noong pumunta ang huli sa unit niya. Iyon ay noong panahong nagmumukmok siya dahil akala niya ay wala nang pag-asa sa pagitan nila ni Zach. And he actually got jealous of Jeffrey.

Abba:
"He's just a dear friend," paniniguro niya rito.

Zach:
"Will you promise me na hindi mo na ako uli iimbestigahan?"

Nakangiting umiling ito. "Never again. Saka wala nang dahilan para imbestigahan kita."

Ipinulupot nito ang braso nito sa baywang niya.

Zach:
"You're mine now. And as your husband, I am entitled to know everything about you. I have access to any personal information."

Napangiti na rin siya. Inamin na nito sa kanyang hindi naman pala totoong umupa ito ng detectives para paimbestigahan siya. Personal na nagtanung-tanong ito tungkol sa kanya. Well, some of the information he got came from her bitter ex-boyfriends. Kaya maraming impormasyong nakarating dito na hindi maganda.

Abba:
"And no more flimsy excuses from now on. Kung gusto mo akong kasama, hindi na kailangang idahilan ang reunion, birthday, at kung anu-ano pa," she demanded.

Zach:
"Well, it's not my fault na napaniwala kita sa alibi kong kailangang may magpanggap na fiancée sa reunion namin." Tinitigan siya nito. "You were a willing fiancée anyway."

Umangat ang isang kilay niya.

Abba:
"Teka nga muna, kanina pa ako nakakahalata sa iyo," reklamo nito. "Parang kanina mo pa gustong palabasing patay na patay ako sa iyo. Let us see, sino kaya sa ating dalawa ang trying hard na nagpapansin sa resort noon? At sino kaya sa ating dalawa ang nagtago pa bilang isang textmate?"

Napasimangot siya.

Pareho silang natahimik. Tila kontento na lang sila habang magkayakap at nakatingin sa isa't isa.

Zach:
"It doesn't matter anyway," mayamaya ay sabi nito. "Kahit sino pa ang naunang na-in love sa atin, o kung sino pa ang unang gumawa ng paraan para magkalapit tayo, it doesn't change the fact that we are madly in love with each other now. And we will be husband and wife for the rest of our lives. Any objections?"

Umiling siya. They didn't have to argue about it. They both knew what they felt.

Abba:
"I love you, Zach," sabi niya.

Zach:
"I love you, too, Abba," sagot nito.

Nang tangkain nitong muli siyang ihiga sa kama ay nagprotesta siya. "Lalamig ang breakfast na pinaghirapan mong ihanda."

Ni hindi nito sinulyapan ang dalang tray nito kanina. "We'll have our breakfast later. In the meantime, allow me to satisfy my hunger for you."

His eyes showed that hunger he was feeling. At hindi na siya nagtangkang pigilan ito. Dahil kagaya nito, she also felt that hunger for him. She closed her eyes as he started to undress her.

Their story started as a make-believe. Pero nasisiguro niyang ang katapusan ng kuwento nila ay panghabang-buhay.


Wakas

Make Believe That I Love You - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon