"ZACH?" tanong ni Lean kay Abba nang magkita sila pagbalik niya sa Maynila.
Tila hinalukay ni Lean sa kanyang memory bank ang pangalang iyon.
"Iyon ang pangalan ng 'papang' na sinundan ko sa Palawan," sagot ni Abba habang nagsasalin ng carbonara sa plato.
"Nasaan na ang Zach na iyon ngayon?" curious na tanong ni Lean.
Nagkibit si Abba ng balikat. The truth was, she had no idea.
"Akala ko ba'y sinundan mo siya sa Palawan? Bakit parang hindi ka man lang naka-first base?" natatawang tanong ni Lean. Kabisado ni Lean ang pagiging persistent ni Abba kapag may gusto ito.
Sa halip na sumagot, inilabas ni Abba ang kanyang cellphone. Hinanap niya sa Phone book ang number ni Zach at iniabot kay Lean ang CP.
"Ano'ng gagawin mo sa cellphone number niya?"
"Suplado kasi si Zach na iyan. Hindi niya pinapansin ang beauty ko, kaya dadalhin ko siya sa pamamagitan ng pagtetext. I'll make him fall in love with me," desididong sabi ni Abba.
"Nakita ka na niya nang personal. If he wants you, dapat ay hindi ka niya pinagsupladuhan. How can you be sure na papansinin niya ang mga messages mo?"
"Oh, come on, Lean. Huwag mong pabagsakin ang morale ko," protesta niya. "Besides, ikaw ang dapat na higit na bumilib sa power ng texting." Sa text lang din niya nakilala ang boyfriend ni Lean na si William. And from the way she looked at her, there was no doubt that she was happy. Nangingislap ang mga mata ni Lean at hindi napapalis ang ngiti sa mga labi.
"Just wish me luck, okay?" sabi niya rito.
"I'm wishing you luck, Abba," sagot ni Lean.
Sa history ng pagsusuplado sa kanya ni Zach, talagang kakailanganin niya ng maraming good luck. Sana ay suwertihin siyang mag-reply ito sa mga text messages niya.
ISANG linggo ang pinalipas ni Abba bago simulan ang i-text si Zach. Baka kasi magduda agad ito sa kanyang identity.
Naghanap siya sa inbox ng kanyang cellphone ng magandang message.
"We were initially born as one. At birth, a lightning bolt struck us down the middle and split us apart. To the end of the world we were sent, only to find each other when the time is right."
Pagka-send niyon ay inilapag niya ang cellphone sa kama. Habang naghihintay sa reply ni Zach, pinilit niyang magbasa ng paperback. Pero hindi siya makapag-concentrate sa pagbabasa. Maya't maya ay sinisilip niya ang cellphone kung may dumating na mensahe. Baka hindi lang niya narinig ang message alert tone nito.
Ngunit ilang minuto na ang nakalipas, wala pa rin siyang natanggap na reply. Muli siyang naghanap sa inbox ng isa pang message at ipinadala ito.
Ngunit kagaya ng una, napanis din siya sa paghihintay. Hanggang sa inabot na siya ng antok, wala siyang natanggap na reply.
"JULY, nasa loob lang ako ng opisina kapag may naghanap sa akin," bilin ni Abba sa kanyang hairdresser.
"Yes, Madame," sagot nito.
Tuluy-tuloy siya sa loob ng kanyang opisina.
Pagkaupo niya sa swivel chair, agad niyang inilabas ang kanyang cellphone mula sa dalang bag.
Nakaramdam siya ng matinding disappointment nang makitang wala pa ring text message mula kay Zach. Tatlong araw na niyang itinext ito pero hindi man lang ito sumagot kahit isang beses.
Naghanap siya sa inbox ng isa pang message.
"Ancient lovers believed that a kiss would literally unite their souls. Because the spirit is said to be carried in one's breath. I wonder if it's true. Want to try it with me?"
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
Roman d'amourAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...