"Alam ba ni Serena na kasama mo ako?" tanong ni Abba kay Zach bago sila bumaba ng sasakyan nito. It was their second day as "engaged couple."
Nang sunduin siya nito sa salon, ay nagsabi itong tumawag daw si Serena at nakikiusap na i-baby-sit nila si Jiro nang gabing iyon.
Umiling si Zach. "I want her to be surprised," sagot nito.
Kumunot ang noo niya. "You mean, hindi niya alam ang tungkol sa kasunduan natin?"
Muli ay umiling ito. "Mas mabuti kung kakaunti ang nakakaalam na nagpapanggap lang tayo."
Bumaba na ito ng sasakyan. And she knew it was the end of discussion. Pero hindi niya makuha ang logic kung bakit kailangang ilihim nila kay Serena ang pagpapanggap nila.
Kagaya ng inaasahan niya, nagulat ang babae nang makita siyang kasama ni Zach. Pero agad naman itong napalitan ng kasiyahan. She hugged her as if welcoming her to their family.
Bigla ay parang gusto niyang maguilty. "Daddy Zach, mag-PlayStation tayo." Agad namang hinila ni Jiro ang kamay ni Zach.
"I'll be going, Jiro. Mag-goodbye kiss ka muna sa Mama," pigil dito ni Serena.
Humalik naman si Jiro sa ina, pagkatapos ay muling niyaya si Zach papunta sa kuwarto nito.
"Sayang, hindi tayo makakapagkuwentuhan," baling ni Serena sa kanya na may panghihinayang sa boses. "May importante kasi akong ka-meeting tungkol sa flower shop na gusto kong buksan."
"Okay lang iyon. Marami pa namang pagkakataon," sabi niya.
Ngumiti ito, halatang nanunukso. "I guess we'll be seeing each other a lot from now on," sabi nito. "Sasama ka ba sa reunion namin this weekend?"
Tumango siya.
Bumakas ang kasiyahan sa mukha nito. "I'm really glad. At least, may makakakuwentuhan ako roon."
Ipinagtaka niya ang sinabi nitong iyon. It was their family reunion. Bakit naman wala itong makakausap doon?
"I better get going. Baka mainip na ang business partner ko. Anyway, nagluto na ako ng dinner. Ikaw na ang bahala kina Zach at Jiro," bilin nito.
"No problem."
Inihatid niya ito sa pintuan. Naiwan siyang mag-isa sa sala. What was she supposed to do?
Narinig niya ang nagkakatuwaang mga boses nina Zach at Jiro mula sa kuwarto sa kaliwang bahagi ng sala. Lumapit siya roon.
Bukas ang pinto kaya malaya siyang pumasok. Napangiti siya sa nakitang pagkakatuwaan ng magtiyuhin. Parehong nakasalampak sa sahig ang dalawa at may hawak na joystick sa mga kamay.
"Talo ka, Daddy Zach." Binuntutan iyon ni Jiro ng malutong na halakhak.
"Nakatsamba ka lang, kiddo. Huwag ka munang masyadong magsaya." Ginulo ni Zach ang buhok nito.
Parang humaplos sa puso niya ang eksenang iyon. Kapag kasama ni Zach ang pamangkin nito, parang iba ang personalidad na nakikita niya rito. She had this impression that he was going to be a good father.
Sana'y ikaw ang maging ama ng magiging mga anak ko... Now, where did that come from? Maging siya ay nagulat sa isiping iyon.
Napansin na siya ni Jiro. "Tita Abba, do you want to join us?"
"Kayo na lang ng Daddy Zach mo." Pagkuwa'y bumaling siya kay Zach na noon ay nakatingin lang sa kanya. "I'll be preparing dinner."
Sa pagkagulat niya ay nakangiting tumango ito.
Nang tumalikod ay saka niya pinakawalan ang pinipigil na ngiti. Sa pagkakatanda niya, iyon ang unang pagkakataon na nginitian siya nito. And that smile did wonders. Magaan ang mga hakbang na tinungo niya ang kusina.
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
RomanceAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...