"I want to look like her."
Napatigil si Abba sa pagpasok sa opisina nang marinig niya ang sinabi ng isang customer nila sa salon. Nakangiting lumapit siya rito.
"Tita Jackie, are you sure you want to look like me?" tanong niya rito. Pumuwesto siya sa likuran nito at tiningnan ang repleksiyon nito sa salamin. Regular customer nila ito sa pag-aari niyang salon, ang Beauty Secrets. Sa tantiya niya ay nasa late forties o early fifties ang edad nito. Hanggang panghuhula lang ang kaya niyang gawin dahil ayaw nitong sabihin ang tunay na edad nito.
And she didn't mind at all, dahil hindi naman ito mukhang matanda. In fact, groovy na groovy pa rin ang dating nito. May highlights ang maikling buhok nito, kuntodo naka-makeup, at parang matatanggal ang mga tainga nito sa laki ng pair of dangling earrings na suot nito. Bukod pa roon ay seksi kung manamit ito.
Pinagmasdan din siya nito mula sa salamin.
"And who wouldn't want to look like you? Maluluma si Thalia sa ganda mo."
Napangiti siya. Ilang saglit na pinasadahan niya ng tingin ang sariling repleksiyon. Totoo ang sinabi nito. Latina ang features niya. Malalaki ang kanyang mga mata na natatabingan ng malalantik na mga pilik. Matangos kaysa sa karaniwang Pilipina ang ilong niya. Her face was framed by long, curly hair.
"Still, hindi pa rin maganda na gawin namin kayong kamukha ko. Who would want to be just a replica of someone like me? I mean, you have your own beauty. All we have to do is to enhance it," paliwanag niya.
Sinimulan na niyang i-overhaul ito. Siya na ang personal na nag-asikaso rito. Tutal ay wala naman siyang magawa. Naiinip na siya sa kalalaro ng solitaire sa personal computer niya sa loob ng opisina.
HINDI na mabilang ni Abba kung ilang beses na siyang humikab mula pa kaninang sunduin siya ni Jeffrey sa bahay niya.
"Bored?" kunot-noong tanong nito sa kanya. Siguro ay napansin na rin nitong kanina pa siya naghihikab.
"Of course not," pagsisinungaling niya. Pinigilan niyang muling mapahikab. Nagkunwari siyang pinapanood ang tumutugtog na banda sa stage.
Naramdaman niyang mataman siyang pinagma-masdan nito. Mabilis siyang tumayo.
"Let's dance." Hinila niya ito sa kamay. Hindi naman siya nagdalawang-salita dahil nagpahila rin ito sa kanya. Ilang sandali pa ay humahataw na sila sa dance floor. Aminado siyang magaling sumayaw si Jeffrey. Pareho silang party animal nito. Kaya nga siguro kapag wala siyang boyfriend ay pinagbibigyan niya ang paanyaya nitong lumabas sila.
The truth was, naging boyfriend niya ito a year ago. After a month, she broke up with him. Kagaya ng ibang nakarelasyon niya, ang rason na ibinigay niya rito ay she fell out of love. Pero hindi kagaya ng iba na hindi madaling natanggap ang rason na iyon, Jeffrey accepted her reason. Much to her relief. In fact, naging magkaibigan pa sila pagkatapos niyon.
He would often joke that she fell in love as often as she changed her clothes, na hindi niya magawang kontrahin dahil totoo iyon. Madali siyang ma-in love, pero ganoon din kabilis mawala ang pagmamahal na iyon. Tatlong buwan nga lang yata ang pinakamatagal na relasyon niya.
Nagulat pa siya nang ipitik ni Jeffrey ang mga daliri nito sa tapat ng mukha niya. Saka lang nabalik dito ang atensiyon niya.
Napailing ito. Huminto na ito sa pagsasayaw at hinila na siya pabalik sa upuan nila.
"Uwi na tayo." Pagkasabi niyon ay naglabas ito ng pera mula sa wallet nito at inilapag iyon sa mesa.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya bagama't nagpagiya na siya rito palabas ng bar.
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
Roman d'amourAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...