"NERVOUS?" tanong ni Zach sa kanya nang makababa sila mula sa Ford Expedition nito. Nauna nang bumaba sina Serena at Jiro. Naglalakad na ang mga ito papasok sa malawak na bakuran.
"Medyo," pag-amin niya. Nasa tapat na sila ng bahay ng angkong nito sa Batangas. She learned from him that angkong meant "grandfather" in Chinese. Doon daw ginagawa ang taunang reunion ng Cua family.
Kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang asahan sa pakikisalamuha sa mga kamag-anak ni Zach. After all, she never had a Chinese for a boyfriend. O mas dapat sigurong sabihin na hindi pa siya nagkaroon ng fiancé kahit kailan.
Bakit? Hindi naman totoong fiancé mo si Zach, ah.
Naramdaman niya ang paghawak at pagpisil nito sa kamay niya. Pagkatapos ay inilapit nito ang bibig sa tainga niya. "Relax ka lang. They won't bite you. And I promise not to leave you."
Hindi niya alam kung ano ang nakapagpaalis ng kaba niya—ang hawak nito o ang assurance mula rito. Whatever the reason was, she felt at peace.
Right there and then, ipinasya niyang pansamantalang kalimutan na nagpapanggap lamang sila. Sa loob ng tatlong araw, bibigyang-laya niya ang nararamdaman para dito. At bahala na pagkatapos.
"MABUTI na lang talaga at kasama ka ngayon," sabi ni Serena habang nag-a-unpack sila ng mga gamit. Magka-share sila nito ng kuwarto kasama si Jiro.
"Bakit naman? Puro kamag-anak mo naman ang narito," sabi niya na muling napukaw ang curiosity.
"Hindi na kasi ako sanay makahalubilo sila. Ito ang unang pagkakataon na a-attend uli kami ng family reunion since..." Nahalata niya ang pag-iwas ng tingin nito. Lumapit ito sa closet para isabit ang mga damit nito.
"Since..?" Hindi siya nagkunwaring hindi narinig ang sinabi nito.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Umupo ito sa kama kung saan nakalagay ang maleta niya.
"Itinakwil ni Angkong si Papa noong mag-asawa siya ng isang Pilipina. Sa mama ko nga," umpisa nito. "Lumaki kaming hindi sila nakikilala. When our restaurant business booms, doon lang nagsimulang maging maayos ang lahat. Tinanggap nila uli si Papa sa pamilya.
"When our parents died in a plane crash, Kuya Zach assumed all the responsibility. Samantalang ako'y naging masyadong busy sa personal na buhay ko. Until I got pregnant, by a Filipino," patuloy nito.
"You mean, hindi nila kayo uli tinanggap dahil Pilipino ang nakabuntis sa iyo?" hindi nakatiis na tanong niya. Kung ganoon kahigpit ang pagsunod ng mga ito sa tradisyon, may problema pala sila ni Zach.
Nagkibit ito ng mga balikat. "Well, it's just a hunch. Puwede rin naman sigurong dahil hindi ako pinakasalan n'ong nakabuntis sa akin."
"Traditional palang masyado ang family n'yo," sabi niyang naupo na rin sa kama.
"Hey, don't worry. I'm sure, if worse comes to worst, ipaglalaban ka naman ni Kuya Zach," pagbibigay-assurance nito sa kanya.
Hindi na siya kumibo. Hindi nga pala alam nito ang real score sa pagitan nila ni Zach. Napansin niyang mataman siyang pinagmamasdan nito.
"And why are you staring at me like that?" natatawang tanong niya.
"Like what?"
"Like you wanted to tell me something," sabi niya.
Natawa ito. "Ganoon ba ako ka-obvious?"
Tumango siya. "It's as if you're wearing your heart out in your sleeves. Come on, sabihin mo na ang gusto mong sabihin."
Ilang saglit na natigilan ito, waring tinitimbang kung sasabihin ba sa kanya o hindi. "All right, I have a confession to make. Pero ipangako mo na hindi ka magagalit sa akin."
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
RomanceAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...