Chapter 4

220 7 0
                                    

NA-FREEZE ang ngiti sa mga labi ni Abba. Ilang saglit na tila hindi rumehistro sa isip niya ang sinabi nito.

"P-pardon?" aniya sa bahagyang nanginginig na boses. Nahiling niyang sana ay nagkamali lang siya ng dinig sa sinabi nito.

"I am asking you if you are a whore," walang gatol na tugon nito.

Parang may sariling isip ang mga paa niya na huminto sa marahang pag-indak. Tinitigan niya ito. He stared back at her. She could neither read any emotion on his face nor detect any regret on it.

Matagal bago siya nakasagot. Bahagya pa ring nanginig ang boses niya, much to her regret. "I-I am not a whore."

Yumuko ito at inilapit ang bibig sa tainga niya. "Then don't act like one." Mahina pero mariin ang pagkakasabi nito. Marahang binaklas nito ang kamay niyang nakapulupot sa leeg nito. Tinitigan siya nito bago tuluyang tumalikod.

Naiwan siyang mag-isa. It took her a while bago niya naibalik ang kanyang composure.

Tumingin siya sa paligid. Everybody was still dancing. They seemed to be unaware of what happened between her and Zach.

Ipinagpasalamat niyang walang nakahalatang nag-walk out ang partner niya. Mabigat ang mga hakbang na umalis siya roon.

Ang unang naisip niya ay bumalik na sa cottage. Pero mabilis ding nagbago ang isip niya. She headed for the bar instead.

"Margarita, please," sabi niya sa bartender.

Nang dumating ang in-order niya ay inisang-lagok niya iyon. Humingi siya ng isa pang shot. She needed something to calm her nerves. She had never felt so insulted in her whole life.

Marami siyang naging boyfriends. But no one dared ask her if she were a whore.

Nahagip ng mga mata niya si Henrick. Halos magkadikit na ang katawan nito at ng kasayaw. Pinakiramdaman niya ang sarili. Hindi siya apektado kung may kayakap man itong iba.

Naalala niya ang nasaksihan kanina nang may lumapit na ibang babae kay Zach. She recalled how she felt when he smiled at that woman. Parang may libu-libong aspileng tumusok-tusok sa dibdib niya.

"Tequila," muling sabi niya sa bartender. At nang i-serve sa kanya ang order niya ay in-straight niya ang paglagok doon.

After that, she tried to remember what happened and what she felt. Kagaya noong una, nakaramdam siya ng selos. Ilang beses niyang inulit ang prosesong iyon. But every time she tried, she still got the same result.

Selos? Napailing siya. How could that be? Ilang araw pa lamang niyang nakikilala si Zach. And they were not even on speaking terms. More than that, pinaghihinalaan itong bakla ng sariling kapatid nito.

Napailing siya. Siguro ay naparami lang ang nainom niya. Nag-iwan siya ng pera sa counter at tinungo na ang cottage niya. Maybe when she woke up tomorrow, she could think clearly and she could feel right.

Bago siya nakatulog nang gabing iyon, she asked herself if Zach were worth all the trouble. Bakit hindi na lang niya ito hayaang mag-isa? He could rot in hell with his sexual preference and she wouldn't care!

Nakatulugan na niya ang isiping iyon.

KINABUKASAN,

alam ni Abba na makakasalubong niya si Zach sa pagdya-jogging. Isang bahagi ng isip niya ang nagsabing iwasan na niya ito. Pagkatapos ng mga sinabi nito kagabi, dapat ay nadala na siya.

But looking at him now, with all that glorious handsomeness, she realized he was worth all the trouble.

Isa pa, hindi siya ang tipo ng taong basta na lang sumusuko.

Make Believe That I Love You - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon