AWANG ang mga labing napatingin si Abba sa babae. Sa mga sinabi nito sa kanya simula pa kanina, ang balitang iyon ang talagang gumulantang sa kanya.
"G-gay?" Halos hindi lumabas iyon sa bibig niya. Nag-flash sa isip niya ang guwapong mukha ni Zach, pati ang maskuladong pangangatawan nito. "H-hindi siya mukhang bakla..." She refused to accept what Serena had just said. Masyadong guwapo si Zach para maging bakla. Sayang ang genes nito kung hindi mapapakinabangan.
"Iyon din ang pilit na isinisiksik ko sa isip ko. As far as I know, walang bakla sa lahi namin."
"Wala ba siyang girlfriend?" tanong niya.
Umiling si Serena. "The last relationship he had was three years ago."
"Baka naman masyado siyang na-in love sa dating girlfriend niya kaya ayaw na niyang ma-in love uli," panghuhula niya. Marami na siyang narinig na kuwento tungkol doon.
Napansin niyang umilap ang singkit na mga mata nito. "H-hindi ko alam kung ano'ng nangyari sa kanila ni... n'ong dating girlfriend niya." Pagkatapos ay matamang tiningnan siya nito. "Can I ask you a favor, Abba?"
"Sure."
Lumapad ang pagkakangiti nito. Bigla ay parang gusto niyang bawiin ang pagsang-ayon. "Gusto kong malaman ang identity ni Zach. If he's gay or not," sabi nito.
"Ano'ng kinalaman ko roon?" tanong niya.
"Ikaw lang ang makakatulong sa akin para malaman ang totoo tungkol sa pagkatao niya. You can seduce him—"
"Seduce him?" napalakas na ulit niya sa sinabi nito. Napansin niyang napatingin sa kanila ang ibang kumakain kaya nang muli siyang magsalita ay hininaan na niya ang kanyang boses. "B-bakit ako? I mean, nakita mo namang ni hindi ako pinansin ni Zach kanina. Where did you get the idea that I can seduce him?"
"Kaya nga ikaw ang napili ko. Aloof si Zach sa mga babae. Pero hindi ko pa siya nakitang nagsuplado. At napansin mo bang parang hindi siya makatagal na narito ka?" Bakas ang excitement sa boses nito. "That really means something. Masyado siyang apektado sa presensiya mo."
Baka naman dahil insecure siya sa beauty ko? Gusto sana niyang sabihin.
"I-I don't know. Baka maumbag ako ni Zach kapag nalaman niya ang gagawin natin." O baka masabunutan niya ako. Lalo siyang napangiwi sa naisip.
"Sino naman ang magsasabi sa kanya? Definitely, I won't tell him anything."
Sandali siyang nag-isip. An image of Zach flashed in her mind. Muli ay nakaramdam siya ng panghihinayang kung totoo ngang bakla ito.
"P-paano kung mapatunayan nga nating bakla siya?" she voiced out her fear.
"Let's take one step at a time. Saka na natin pag-isipan kung ano ang susunod nating gagawin kapag nangyari iyon," sagot ni Serena.
"How long will you stay here?" Gusto niyang makalkula kung gaano katagal ang oras niya para magawa ang plano nila.
Oplan: Revelation. Napangiti siya. She admitted that the thought gave her a thrill.
Nagkibit ito ng mga balikat. "Si Zach ang nagyayang mamasyal dito. So the decision is on him."
Muli siyang napaisip. She was really tempted to accept Serena's challenge. Her vacation would be much more interesting and exciting if she would accept it.
"Can I think about it first?" Ayaw naman niyang magpadalus-dalos sa desisyon. Dahil kapag naumpisahan niya ang isang bagay, hindi siya titigil hangga't hindi niya iyon natatapos. So, she wanted to make sure she would be committed to it.
"O-of course," tila napipilitan lamang na sagot nito. Siguro ay hindi nito inaasahang hihingi pa siya ng oras.
Dinampot niya ang baso ng iced tea at uminom doon. "Talaga bang ganyan ka, Serena? I-I mean, talaga bang madali kang magtiwala kahit sa isang bagong kakilala?" pagkuwa'y tanong niya.
BINABASA MO ANG
Make Believe That I Love You - Sharmaine Galvez
RomanceAwang ang mga labing tiningnan ni Abba si Zach. She was fully aware of his thick brows, hot eyes, perfectly pointed nose. And his lips... they were sinfully red. Parang kay sarap halikan nito. "Think he's gay!" Hindi siya/makapaniwala sa sinabing iy...