Chapter 10

244 7 1
                                    

AGAD na tinakpan ni Abba ang bibig niya upang hindi kumawala ang pagsinghap. Hindi niya alam kung paano niya nagawang kumilos mula sa kinatatayuan at tahimik na bumalik sa silid nila ni Serena. Ipinagpasalamat niyang mahimbing pa rin itong natutulog katabi si Jiro.

Namalayan na lamang niyang basa na ng mga luha ang magkabilang pisngi niya. Maybe it was there all along. Impit siyang umiyak. For a while, she let herself cry.

Kahit masakit ay ni-recall niya sa isip ang nakita niya kanina sa kusina. Zach and Leehyan were kissing. At base sa narinig niya, may nakaraan ang mga ito.

Then she remembered Serena. Nabanggit nito ang tungkol sa dating girlfriend ni Zach. But obviously, she didn't want to reveal her identity. And now, she knew the reason. Gusto nitong protektahan ang sariling pamilya. Ayaw siguro nitong maungkat kung paanong naging asawa ng pinsan ng mga ito si Leehyan gayong dati pala itong nobya ni Zach.

Kung tutuusin ay walang dahilan para magalit siya kay Serena. Si Zach ang dapat na sisihin niya. Isinama siya nito sa reunion para pagselosin ang dating nobya nito. Ginamit siya nito. Ito ang kumumbinsi sa kanyang sumama roon. For leading her and making her believe that everything was possible between them.

Sa isiping iyon ay napahinto siya sa pag-iyak. Si Zach nga lang ba ang may kasalanan sa nangyari?

Sa simula pa lamang, duda na siya sa posibleng motibo nito sa pakikipaglapit sa kanya. Still, she entertained him. She indulged herself with the make-believe story that he weaved for them. Nakalimutan niyang may katapusan din pala ang make-believe na iyon. And maybe it was time to wake up and face reality.

"MABUTI at nakakapag-usap nang maayos sina Zach at Leehyan ngayon," kunwari ay kaswal na banggit niya kay Serena kinabukasan. "I mean, after all what they've been through, mabuti't hindi sila naiilang sa isa't isa."

Nakita niya kung paano itong natigilan sa paghakbang. Nakalimutan na nito ang tangkang pagsunod kay Jiro sa labas ng kuwarto. Narinig niya kaninang nagyayaya ang bata na maglaro sa labas.

"Alam mo na ang tungkol sa kanila?" maang na tanong nito.

Tumango siya, bagama't hindi pa niya alam ang detalye. Ang alam lang niya ay may nakaraan sina Zach at Leehyan. She would just take it from there. Alam niya kung sino ang puwede niyang lapitan para makakuha ng impormasyon.

Pilit na pinalis niya ang nararamdamang guilt. Serena was too trusting for her own sake.

Umupo ito sa tabi niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago nagsalita. "Ang totoo ay nagulat din ako noong yayain ako ni Kuya Zach na dumalo sa reunion ng pamilya. Hindi na kami dumadalo mula noong mabuntis ni Anton si Leehyan," tukoy nito sa asawa ni Leehyan. "At siyempre, hindi ko naman masisisi si Kuya Zach. They were still very much on when that happened. Napakalaking insulto sa pagkalalaki niya ang nangyari. Imagine, nabuntis si Leehyan ng sarili naming pinsan."

Her heart ached for Zach. Napakasakit nga ng pangyayaring iyon.

"How did your family take it?" She thought it was safe to ask her that question.

"Well, everybody accepted the new relationship between Leehyan and Anton. Ni walang nag-comfort kay Kuya Zach maliban sa akin." Napailing ito. "Siguro ay inakala nilang hindi na namin iindahin ang panibagong kahihiyang iyon. Akala nila ay sanay na kami sa mga ganoon. Mula sa pag-aasawa ni Papa sa isang Pilipina, sa pagkakaroon ko ng anak sa pagkadalaga, hanggang sa pagtataksil ni Leehyan kay Kuya Zach."

"P-pano tinanggap ni Zach ang lahat?"

"He never did. He had a string of girlfriends in the past. Pero alam kong lahat ng iyon ay pampalipas-oras lang. He loved Leehyan so much. Alam mo naman sa pamilya namin, more on arranged marriages. Mula pagkabata ay si Leehyan lang ang minahal niya." Napatingin ito sa kanya. A smile formed on her lips. "He never did recover. Until he met you. Thank you for making Kuya Zach complete again."

Make Believe That I Love You - Sharmaine GalvezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon