TEN

66 3 0
                                    


Paano ko ba sisimulan to? Ahm, ako si Glen.. 20 years old, College student sa isa sa mga University dito sa Manila.. Hindi ko nalang sasabihin kung saan baka hanapin niyo pa ko. Masayahin akong tao..

Ahh! Oo nga pala, height ko.. 5'5". Kulay ng balat ko?? Kulay Pilipino! Medyo sakto lang katawan ko. Walang muscle pero hindi payat. Hindi din mataba.

"ENTER.. POST!"

"Haaayy.. Hirap maghanap ng kaibigan dito sa sulit.com.."

"Ang tanga mo talaga Glen! Haha. Eh bentahan ng gamit yang sulit.com hindi hanapan ng kaibigan! Tungaw ka talaga eh no? Dun ka sa facebook mag gaganyan! Hahaha. Shungey!" sigaw ni ate.

"Nanto-troll lang ako! Maka tanga ah? Tangos ng ilong mo eh! Hahaha." sagot ko.

"Wag mong dinadamay ang ilong ko! Porket mas maganda yang ilong mo eh. D'yan ka na nga!" sabay alis. Haha. Napikon ata? Hahaha.

Minsan talaga masarap mang inis ng kapatid.. Hahaha!

Teka gabi na pala masyado. Kelangan ko nang matulog. Maaga pa yung pasok ko bukas. Lagi pa naman din akong nalelate.

"HAYAHAY!!!" sarap talagang mahiga lalo na pag malambot ang higahan! Haha. Good night Lord!

****

Nagising ako bigla. Ang dilim.. Wala akong makita. Puro itim. Tinignan ko yung higaan ko. Andun naman nakikita ko. Tinignan ko yung mga kamay ko. Nakikita ko din. Pati katawan ko. Pero bukod dun, wala na. Puro itim na lahat. Naglakad ako. Para kapain yung switch ng ilaw. Kwarto ko 'to kaya saulo ko kahit nakapatay yung ilaw. Naglakad ako. Kinakapa-kapa ko yung pader. Pero nakakailang hakbang na ko wala pa din akong nakakapang pader. Napahinto ako. Pinagmasdan ko yung paligid ko.. Wala yung bintana ng kwarto ko! Dapat meron man lang liwanag na nanggagaling sa labas dahil sa liwanag ng buwan o mga poste sa daan. Pero wala.. Wala ako sa kwarto ko!!

Biglang parang may dumaan sa likod ko. Wala talaga kong makita pero ramdam na ramdam ko yung hangin na likha ng pagkilos niya. Sumigaw ako.. "Sino yan?!" natatakot na ko. May kumaluskos sa harap ko. "SINO YAN?!" sigaw ko. Sumusuntok- suntok na ko sa hangin. Winawasiwas ko yung kamay ko. Umaasang tatamaan ko kung sino o anu man yung paikot ikot sa paligid ko. "SINO YAN?!! POTEK!!"

Biglang tumayo yung balahibo ko sa batok, sa likod ng ulo, at sa buong likuran ko. Ramdam na ramdam ko.. Nasa likuran ko siya. Hindi lang basta nasa likuran. Napakalapit niya sken. Nararamdaman ko at naririnig ko ang paghinga niya. Papalakas ng papalakas ang tunog nito. Pabilis ng pabilis.. Nanlamig yung buong katawan ko.. Nanlalambot yung mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko. Gusto kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Nanlalamig ako pero pawis na pawis na ko. Nangangatog ang buong katawan ko. Para kong nagyeyelo. Pero tagaktak yung pagtulo ng pawis ko. Dahan dahan siyang lumalapait. Napakalakas ng tunog ng pag labas at pagpasok ng hangin sa bibig niya..

"Ha..... ha...... ha......"

May kung anong matulis na bagay ang dumikit sa likuran ko. Parang kusilyo.. "Aaaaahh!" ang sakit!! Dahan dahan tong kumakayod sa likuran ko! "Aaaaahh..raaaaay!!"

"HAAA.... HAAA.... HAAA.." Panaginip..

Bigla kong nagising. Hingal na hingal ako. Pawis na pawis. Pero hindi ako naiinitan. Lamig na lamig ako. Bumangon ako para patayin yung electricfan. Nang hihiga na ko, biglang sumakit yung likod ko.. "Aray!" parang nagasgas na ewan.. bigla kong naalala yung panaginip ko. Napakalinaw ng lahat ng nangyari. Tinignan ko yung paligid. Nandito na talaga ako. Pero...yung panaginip ko... Parang totoo talaga. Tumingin ako sa bintana. Madilim pa. Tinignan ko yung cellphone ko. 4:30am palang. Mukhang hindi na 'ko makakatulog neto ah? Nahiga na lang ako sa kama ko at nagtalukbong ng kumot. Ayoko ng matulog. Baka mapanaginipan ko nanaman yun. Aantayin ko nalang sigurong sumikat yung araw..

PerplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon