Hinawakan ko agad yung bukasan ng pinto.. parang na-stock to.. luma na kasi eh.. pinipilit ko tong pihitin pero hindi ko mapihit..
Palakas ng palakas yung yabag ng halimaw at napakabilis nito.. para tong tumatakbo!
pinilit ko ulit pihitin.. binigay ko na yung buong lakas ko..
bigla tong bumukas..
"AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!"
Pagtapat ko ng ilaw sa may likod ko.. nadun na yung halimaw! Mabilis tong sumugod papunta sakin.. agad agad akong pumasok sa loob ng pintuan at sinarado to.. malakas na kinakalampag ng halimaw tong pintuan na gawa sa bakal.. galit nagalit siya..
Inilawan ko yung paligid.. walang laman tong loob ng pinto.. dahil napakasikip dito sa loob.. isang tao lang ang kasya dito.. lupa na tong nasa likuran at gilid ko.. may mga nakaukit ditong symbols na hindi ko maintindihan.. parang isa lang tong kahon na may bakal na pinto.. patuloy pa din ang pagkalampag ng pinto..
Ilang sandali pa eh huminto na yung kalampag sa labas..
Parang may naaaninag akong ilaw sa siwang ng pinto sa ilalim nito.. galing sa kabilang bahagi ng pintong ito.. may naririnig din akong nagsasalita.. parang nag uusap..
Binuksan ko yung pintuan.. may nagtapat ng ilaw sakin.. hindi ko makita kung sino yun dahil ilaw lang sa flashlight yung nakikita ko..
"tulungan nyo ko.." sabi ko sa kanila..
"Ahrgh!" biglang sumakit yung buong katawan ko.. napaluhod ako sa sobrang sakit! Parang may sumasaksak sakin! Sobrang sakit!
"anung nangyayari sayo?!" sabi ng isang lalaki.
Tinignan ko yung kamay ko.. parang nagbabago ang itsura nito! Humahaba yung mga kuko ko pati yung mga balahibo ko sa kamay ko..
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!"
***
April 17, 1984..
"Oy tara dito!" sigaw ko kay George. "oy! Bilisan mo iiwan kita jan eh!"
"Teka eto na!!" sagot ni George "pre? Sigurado ka ba dito?" tanong niya pa..
"oo George, natatakot ka ba??" sagot ko.. "pag may nagyari sating masama dito Lino! Lagot ka talaga sakin!!" dugtong niya pa. haha. halatang takot na takot ah??
"tara na pumasok na tayo.. titignan natin kung totoong may mga multo dito! Haha!" sigaw ko kay George. Usap usapan kasi samin na may mga nagpapakitang multo daw kasi dito kaya papatunayan naming hindi totoo yun!
Ang dilim dilim dito sa loob ng tunnel.. nakakatakot yung mga ilaw lang sa flashlight yung ilaw dito sa loob...
"pre? Bumalik na kaya tayo?" sabi ni George..
"malapit na tayo.." sagot ni to..
Biglang may kumalampag galing sa malayo sa likuran namin..
Dali-dali niming tinapat yung ilaw sa pinanggalingan ng tunog.. pero walang kaming nakita..
"pre ala-sais na nang hapon.. bumalik nalang tayo bukas.." sabi ni George..
May kumalampag nanaman.. parang mas malapit na yung kalampag..
"pre tara na.." takot na aya ni George..
May kumalampag nanaman.. mas malakas na ngayon.. papalapit ng papalapit..
Pabilis ng pabilis at palakas ng palakas. Napakalakas nito umaalingawngaw sa buong paligid! Nakakabingi!!
"tara na George!" sigaw ko kay George.
Mabilis kaming tumakbo papasok sa kaloob looban ng tunnel.. takot na takot kami.. madapa-dapa pa kami para sa sobrang takot.
"HAHAHAHAHA!" biglang tumawa si George.
"anung nakakatawa?!" tanong ko.
"sinong matapang ngayon?! HAHAHA!" pang iinis nito.
"eh ikaw din naman ah? Takot na takot ka! Haha!" pang iinis ko din dito.
Wala na yung kalampag.. inilawan namin yung paligid.. parang dulo na to ng tunnel.. may pintuan .. gawa to sa bakal..
Bigla tong bumukas..
"Tulungan niyo ko.." sabi ng lalaki..
Puro dugo ito sa buong katawan.. mukhang sugatan siya..
"Argh!" bigla tong napaluhod.
"anung nangyayari sayo?" tanong ko dito..
Laking gulat ko ng bigla tong nagpalit ng anyo.. parang nagiging isa siyang kakaibang nilalang..
"G-george!? Takbo na!!" sigaw ko kay George..
Mabilis kaming tumakbo ni George palabas ng tunnel..
"Argh!"
George?! Pagtingin ko sa likuran ko nakadapa na si George.. tinulungan ko siyang tumayo..
"Iwan mo na ko Lino! Mauna ka na!" sigaw nito sakin..
Inilawan ko yung pinanggalingan namin.. nandun yung halimaw. Mabilis na tumatakbo sa gilid ng pader ng tunnel..
"tara na pre!" pinipilit kong itayo si George..
"mauna ka na! Hindi ko kayang tumayo! Pag nagmatigas ka pa pareho tayong mamamatay!!" sigaw sakin ni George.. Pagtingin ko sa binti niya may nakasaksak nang bakal sa binti niya.
Wala na kong nagawa.. tumayo na ko at tumakbo. Mabilis akong tumakbo.. binigay ko na ang buong lakas ko hanggang sa makauwi ako ng bahay..
"PA!" sigaw ko..
"o? saan ka galing at hingal na hingal ka?!" tanong nito..
"si George! Yung halimaw!"
"ha? Ano?!"
"si George! Kinain ng halimaw!"
Kinwento ko sa kanila yung nangyari.. pero hindi sila naniwala.. walang naniwala sakin.. ang akala nila naglayas lang si George..
Nangangako ako sa sarili ko.. balang araw, babalikan ko yung halimaw na yun at papatayin!!
[END]
BINABASA MO ANG
Perplex
Mystery / ThrillerSa kagustuhan ni Glen na takasan ang kanyang bangungot hindi niya akalain na lalo pa pala siyang mapapalapit rito...