"Glen! Tara dito!" si lolo! Nasa cabinet. Tumakbo agad ako papasok ng Cabinet at sinara yun.. sakto namang pagkasira ng pinto ng kwarto.. bumaba kami ni lolo papuntang basement... nandun din si Gabby at si Lola.. tulog pa din si Gabby.. aba tong batang to ah?
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!"
Ahh! Anu yun?! Ang ingay! Nakakabingi! Hindi yun basta sigaw lang...
Yung halimaw.. sumisigaw.. parang galit na galit to..
"WAAAAAAAAAA!! WAAAAAAAA!!" si Gabby! Nagising na at umiiyak to ng malakas! Nagising siya sa sigaw ng halimaw!
Biglang huminto sa pagsigaw yung halimaw.. tinakpan ko agad yung bibig ni Gabby..
Parang nakikinig to at nakikiramdam..
"WAAAAAAAAAA!! WAAAAAAAAAA!!" natanggal ni Gabby yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya!
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!" sumigaw nanaman yung halimaw.. kumalabog ng napakalakas mula sa ulunan namin.. malakas na kumakalabog ang bawat hakbang nito sa hagdan.. siguradong papunta na siya dito! Kinuha ni lolo yung shotgun niya na nakasabit sa pader.
"Glen! Dalian mo! Pumasok kayo dito! Pati si Gabby!" sabi ni lola samin.. inurong niya yung lumang cabinet at pinapapasok kami sa butas sa pader sa likuran nito.. tumakbo agad ako at hinatak ko si Gabby.. una kong pinasok si Gabby.. "Bilisan mong pumasok! Nandyan na yung halimaw!" sigaw ko kay Gabby.. agad naman tong pumasok sa butas habang umiiyak dahil sa takot..
Biglang may kumalabog mula sa taas. Parang mga nasirang kahoy... yung cabinet sa kwarto! Siguradong nakita na niya yung daan papunta dito! "bilisan mo Gabby!!"
Kasunod ni gabby ay pumasok na agad ako sa butas.. nakita ko na yung halimaw.. nandito na siya sa basement!! "Lola! Lolo! Tara na bilisan niyo!" sigaw sa kanila.. pero parang wala silang narinig.. tinulak nila yung cabinet para iharang sa butas.. sunod sunod ang putok ng baril.. naririnig ko ang sigaw ni lola at ng halimaw.. paglabas ko ng butas nasa labas na kami.. hinatak ko agad si Gabby palayo ng bahay.. pinasan ko si Gabby. Wala na kong nadidinig na putok ng baril pero yung sigaw ng halimaw naririnig ko pa din.. mabilis akong tumatakbo habang umiiyak.. hindi ko na alam ang gagawin ko.. patay na si lola at lolo..
Di pa man ako nakakatakbo ng malayo napahinto na ko dahil wala nang daan.. nagkalandslide nga pala kanina..
Walang ibang daan.. bangin na tong gilid ng daan.. masyadong matarik para tumalon.. tumingin ako sa paligid.. matarik din tong paakyat.. mukang kailangan kong umakyat at umikot.. wala na kong choice kundi ang bumalik malapit sa bahay at maghanap ng ibang daan.. dun lang kasi hindi matatarik yung daan paakyat..
Hindi na ko nagdalawang isip pa.. mabilis akong tumakbo pabalik malapit sa bahay.. napahinto ako at naisip sila lolo at lola..
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!" biglang may sumigaw mula sa loob ng bahay.. at may lumabas ng pinto..
Yung halimaw! Mabilis akong tumakbo papunta sa gubat. Mabilis din akong hinabol ng halimaw. Lalo ko pang binilisan yung takbo ko kahit hindi ko na alam kung saan ako papunta..
"kuya! Bilisan mo!" sabi ni Gabby.
Pasan pasan ko nga pala si Gabby. Hindi ko na siya napansin.. parang nasanay na ko agad..
Kanina pa ko tumatakbo.. pasan pasan ko pa si Gabby.. napapagod na ko.. pero yung halimaw hinahabol pa din ako.. napakadilim pa dito sa loob ng gubat.. pakiramdam ko ilang araw na kong tumatakbo.
"Ahrgh!" sumubsob ako sa sahig..
Hindi ko napansin yung nakausling ugat ng puno sa sahig..
Napatingin ako sa halimaw.. nakahito lang to at nakatayo pero hindi to nakatingin sa'min.. parang may iba siyang tinitignan.. parang may kung anong meron sa harapan niya na tinitignan niya..
Bumangon agad ako at binuhat si Gabby.. sumasakit yung binti ko.. nasugatan ako.. ika-ika akong tumatakbo.. nandun pa din yung halimaw.. hindi to kumikilos..
Hindi ko na natatanaw yung halimaw.. patuloy lang ako sa pagtakbo kahit hirap na hirap na ko.. hanggang sa makarating kami sa madamong lugar.. matataas yung talahaib dito.. nagdirediretso lang ako papasok sa damuhan..
Hanggang sa may makitang kong parang tunnel na parang kanal.. teka ito yung nasa panaginip ko ah?? Itong ito yun! Ang pinagkaiba lang ay matataas yung damo dito at buhay na buhay..
Agad akong pumasok sa tunnel buhat buhat si Gabby.. di pa man kami nakakapasok sa kaloob looban nito ay tumumba na ko.. hindi ko na talaga kaya.. umupo ako at sumandal sa gilid.. kinapa ko yung bulsa ko, nandito yung cellphone ko.. kinuha ko to at tinignan.. wala pa ding signal.. binuksan ko yung flashlight nito.. inilawan ko si Gabby... puro dugo to sa ulo niya.. nabagok pala siya kanina ng nadapa ako..
"Gabby?!" panggigising ko dito.. pero hindi siya kumikibo..
"Gabby?! Gabby?! Magsalita ka!" pilit ko pa din siyang ginigising..
Nilapit ko yung muka ko sa may ilong niya..
Hindi na siya humihinga..
Nanlumo ako bigla.. napaiyak ako ng mahina.. pigil na pigil.. "Gabby.."
Gusto kong sumigaw sa sobrang galit..
Biglang may kumalampag sa may bungad ng tunnel..
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" napakalakas ng sigaw nito na umalingawngaw dito sa loob..
Gusto ko sanang dalin si Gabby pero ohindi ko na kaya.. wala na kong ibang choice kundi ang iwan siya..
"sorry Gabby.." ika-ika akong tumakbo papasok ng tunnel.. ilaw lang ng flashlight ng phone ko yung gamit kong ilaw.. dinig na dinig ko yung bawat hakbang ng halimaw.. napakabigat ng bawak yabag nito..
Huminto yung mga yabag nito.. siguro nandun na siya sa may pinag iwanan ko kay Gabby.. Sana wala na siyang gawin dito..
Patuloy lang akong naglalakad ng may bumangga ako sa pader.. mukang eto na yung dulo ng tunnel.. inilawan ko to.. may pintuan.. gawa to sa bakal.. nakalock to.. para tong vault na may di-ikot na bukasan..
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sumigaw yung halimaw..
Hinawakan ko agad yung bukasan ng pinto.. parang na-stock to.. luma na kasi eh.. pinipilit ko tong pihitin pero hindi ko mapihit..
Palakas ng palakas yung yabag ng halimaw at napakabilis nito.. para tong tumatakbo!
BINABASA MO ANG
Perplex
Mystery / ThrillerSa kagustuhan ni Glen na takasan ang kanyang bangungot hindi niya akalain na lalo pa pala siyang mapapalapit rito...