NINE

32 3 0
                                    

Nagising ako bigla. Ang dilim.. wala kong makita.. puro itim.. tinignan ko yung higaan ko.. andun naman nakikita ko.. tinignan ko yung mga kamay ko.. nakikita ko din.. pati katawan ko.. pero bukod dun, wala na.. puro itim na lahat..

"Teka.. alam ko to ahh?! Nandito nanaman ako sa panaginip na to??" sinusubukan kong gumising pero walang talab.. hindi ako magising.. pero bakit ganto?? Parang conscious naman ako?? Pero unconscious ako?? Ang gulo!!

Alam ko ang susunod kong gagawin ay maglalakad at hahanapin ang switch.. pero hindi ko gagawin ngayon yun.. babalik nalang ako sa kama ko at matutulog.. baka sakaling pagtulog ko dito sa mundong to eh yun naman ang pagdilat o gising ko sa mundo ko..

Nahiga ako at nagtalukbong.. pumikit.. hanggang sa antukin ako..

Nagising ako bigla. Mapuno.. parang gubat??

"AHHHHHHH!! TULONG!!" may sumisigaw.. mula sa likuran ko.. pamilyar yung boses na yun..

Laking gulat ko ng paglingon ko...

Nakita ko yung sarili ko..

Tumatakbo.. takot na takot.. pasan pasan ko si Gabby.. I mean siya.. na ako din naman.. pero hindi ako na ako.. kung di siya na ako.. na tumatakbong ako.. ay ewan basta!

Papunta siya sakin.. dirediretso lang siya.. babangga siya sakin.. pero laking gulat ko nang bigla siyang tumagos at lumagpas sakin na parang hangin lang ako.. hindi niya din ako nakikita.. dirediretso lang siya papuntang gubat..

Susundan ko sana yung sarili ko na pumunta nang gubat ng may marinig ako na malakas at mabilis na yabag ng paa, papalapit sakin.. pag lingon ko.. isang.....

Nakatayo lang siya sa harapan ko.. alam kong nakikita niya ko.. pero nakatitig lang siya ng nakakatakot sakin.. parangnatulala ako sa itsura niya..

"HOY GLEN!! Gumising kana!!"

Bigla kong napabangon! Hingal na hingal ako.. ang bilis ng tibok ng puso ko.. parang gusto nitong sumabog.. tumingin ako sa nanggising sakin.. si ate.. nakatitig lang ako sa kanya habang humihingal.. parang nagulat din siya.. siguro kasi bigla akong bumangon..

"o-okay ka lang ba??" tanong niya..

"oo okay lang ako.."

Ano bang nangyayari sken?! Tanong ko sa isip ko..

"b-bakit ka nasa kwarto ko?" tanong ko okay ate..

"unang araw ng bakasyon niyo diba? Uuwi daw kayo nila mama sa probinsya diba?"

Oo nga pala.. may isang buwan ko na din palang napapaginipan yun.. paulit ulit.. pero hindi lang paulit ulit.. may mga pangyayaring nadadagdag.. parang may storyang nabubuo.. ewan..

Bumangon na ko at dali daling bumaba ng hagdan.. naupo ako sa lamesa at kumaen..

"hindi ko makontak sila lolo't lola mo" sabi sakin ni mama..

"baka naman tulog pa po??" sagot ko..

"hindi.. halos isang linggo ko na silang di makontak eh.." sabi pa niya..

Halatang nag aalala na si mama..

"wag ka nang mag alala ma.. uuwi na din naman tayo dun eh.. magkikita din kayo.." sabi ko..

"osige.. mag impake ka na after mo d'yan para makaalis na tayo.. nakaayos na yung gamit namin ni Gabby.. si kuya't ate mo susunod nalang daw dun.." sabi niya..

Nagttrabaho na kasi si kuya at si ate eh kaya malamang Holy week pa sila makasunod..

Pagkatapos kong kumain, umakyat na agad ako sa kwarto at nag-impake ng gamit.. dinala ko na din yung laptop at bagong cp ko.. sana may internet dun.. para naman di ako mahuli sa uso at mga balita haha..

***

Bumabyahe na kami.. 3hours daw yung byahe mula Manila hanggang sa probinsya namin tapos 2hours hanggang dun kila lola.. mejo dulo na din kasi yun eh.. nagpapatagal pa tong mga ginagawang daan.. tapos yung traffic.. tinanghali kasi kame ng alis eh at kasalanan ko dahil ang tagal kong mag impake at magconcert sa banyo.. buti nalang hindi ako napagalitan ni mama. Haha. Dito ko nakapwesto sa harapan ng kotse sa tabi ni mama para may kadaldalan siya.. tapos si Gabby naman nandun sa likod sarap nga ng higa eh.. ang daya solong solo niya yung backseat.. pero okay lang din ako dito ang dami kong natatanaw..

Dinaldal ko si mama.. "ma.. bata pa ko nung huli kong punta dun.. medyo nakalimutan ko na yung itchura ng lugar na yun.."

"oo nga pala no? 6 years na din akong hindi nauuwi dun.. tapos huling uwi pa namin dun ni papa mo hindi kayo kasamang mga anak namin dahil wala pa tayong kotse nun tapos lalakarin lang paakyat kila lola mo.. " sabi niya..

"yun nga gusto ko eh, adventure.. haha. madaya lang talaga kayo ni pap.. laging kayo na lang yung nagbabakasyon.." sagot ko..

Biglang nagiba yung mukha ni mama.. bigla siyang nalungkot.. nung huling uwi din kasi nila mama dun sa probinsya namin eh namatay si papa.. hindi pa alam kung bakit.. ang alam ko din hindi pa nahahanap yung katawan ni papa.. ang nakita lang eh yung sira sirang damit niya na puno ng dugo at yung kanang kamay niya.. nalaman nilang kay papa yun dahil sa kakaibang birth mark nito.. sabi ng mga nag imbistiga baka raw inatake si papa ng mababangis na hayop sa gubat.. bundok na kasi yung kila lolo.. tapos ayun idineklara nang patay si papa..

Mukhang mali atang naitanong ko pa kay mama yun ah?

***

Pagdilat ko nandito ko sa gitna ng gubat.. lumingon lingon ako, laking gulat ko pagtingin ko sa harapan ko nandito nanaman siya.. yung halimaw..

Bigla siyang lumundag pasugod sakin.

"AaaaaarRgGHHHH!!"

�屁*'�

PerplexTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon